CHAPTER 58

2348 Words

Kinabukasan. Napabalikwas sa higaan si Demone nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Tanghali na siya nagising. Inaasahan niya na gano’n din ang mga kasama niya dahil late na sila nakauwi kagabi ngunit iba ang nangyari. “f**k, wait!” tuluyang napasigaw si Demone sa taong kumakatok sa labas ng kwarto niya. “Bilisan mo naman! Tulog mantika ka!” Tila nag-init ang dugo ni Demone nang marinig ang boses ni Jasper. Matapos niyang magtungo sa banyo ay padabog niya nang pinagbuksan ng pinto ang lalaki. Sinamaan niya nang tingin. “Ano ba?” singhal niya. “Kanina pa kaya ako rito!” naiinis na ring sabi ni Jasper. “Alam mo bang binulabog kami ni Sir Dethro? Nasa hardin siya naghihintay na sa’yo dahil may pag-uusapan daw kayo.” Napabuntong-hininga siya. “Hindi pa sila nakakauwi?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD