Part 2 – Mafia’s badge ceremony Hall of banquet Matapos ang seremonya sa Throne room ay nagtungo na sila sa dining hall para sa hinandang mga pagkain. Nagsama-sama na ang labing-dalawa sa iisang malaking table na para lang sa kanila. Ang butler na mismo ang naglagay ng mga pagkain sa table nila dahil na rin sa utos ni Mortem. Pagkaupo nila ay nagsimula na silang kumain habang tumutugtog na ang mga musikero sa sulok. “Wow! Ganito pala ang feeling kapag ganap ka nang Mafiusu,” pangiti-ngiting sabi ni Jasper dahil lahat nang tumitingin sa kanya ay napapayuko kahit na wala pa siyang ginagawa. “Kumain ka na nga lang,” saway sa kanya ni Philip. Napabuntong-hininga na lang si Visca na nasa gitna nila. Sa gilid naman ni Philip ay si Anna kasunod nito si Simon, Yumi, Gabriel, Snow, Demone,

