Mafia Hotel Nasa hotel si Ibbie White. Dito muna siya magpapalipas ng gabi o hanggang kailan niya gusto dahil wala pa siyang plano na makipagbati kay Wilder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa. Labis talaga siyang nasaktan sa mga binitawang salita ni Wilder kaya lumayo muna siya. Mabuti na lang ay naintindihan siya ni Snow, ang kanyang anak. Napahinto na lang sa pag-inom ng alak si Ibbie nang marinig ang katok mula sa pinto. Hindi niya na lang sana ‘to papansinin ngunit paulit-ulit niya ‘tong naririnig. Nabibingi na siya sa tunog nito kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo na para pagbuksan ang taong kanina pa kumakatok. “Wife.” Nanlaki ang mga mata ni Ibbie. “Anong ginagawa mo rito?” malamig niyang saad. Hindi na siya magtataka kung paano siya nahanap agad dahil sa kakaya

