Jet Black Gang (Mansion) Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan. Nakumpleto sila ngayong gabi kaya tuwang-tuwa si Roze habang si Iza ay ganoon pa rin ang pakikitungo sa kanyang pamilya. Tahimik pa rin katulad ng dati na akala mo’y magkaaway pa rin sila ni Roze. Sasagot lang kapag tinatanong na siya. “Congrats again to the both of you,” nakangiting sabi ni Ryker sa dalawa at muling nilagyan ng ulam ang kanilang plato. “Thank you, Dad,” sabay na sabi naman ni Roze at Iza. “Sa darating na Biyernes gaganapin ang seremonya n’yo para maging ganap na kayong Mafiusu’t Mafiusa. Bukas ay sasamahan namin kayo na mamili ng gown na gusto n’yong suotin,” masiglang sabi ni Fairoze. “Yes, Mommy.” Pagsang-ayon agad ni Roze. Samantalang si Iza ay nag-aalangan. “P’wede po bang suotin ko na lang ‘yong

