"Pagisipan mo ng ilang ulit ang plano mong iyan Edward. Kung mahal mo ang magina mo. Kung totoong sila ang mundo mo. Sila na lamang ang gawin mong rason para harapin ang bagong mundo mo na nakalaan na sayo ngayon. Sila naman ang dahilan ng lahat ng laban mo diba?" sabi ng abogado. "Huwag na huwag mong tangkaing iwan si Yvonne" sabi pa nito. "Hindi ko naman hahayaan ang magina ko. Hindi ko naman sila totally iiwa....... " "S-sinong Iiwan mo?..A-ako ba..? A-Ako ba? Balak mo ba akong isoli? Tama ba ang hinala ko noon Ha? Ano I-Intoy ha? sumagot ka?" sabi ng naghihinang boses sa likod nila. "Y-Yvonne..!?M-mahal...Kanina ka pa ba gising!?" nagulat si Intoy ng paglingon nila ni Attorney ay isang nakaupong Yvonne ang nakatingin sa kanila habang dumadaloy ang masaganang luha. "Wait Yvonne, te

