"Hindi ko alam, siguro balang araw kapag naghilom na ang lahat ng mga sugat sa puso at pagkatao ko. Pero sa ngayon yun na muna sana ang nais ko. Gusto kong makasal tayo sa lalong madaling panahon pero sa kasal na kaya ko lang ibigay Yvonne....." sabi ni Intoy. "Pero kung ayaw mo akong pakasalan dahil sa simple lamang ang kasal na kaya kung ipagkaloob sayo wala ako magagawa Yvonne. Pinakamahal kita. Ilaw at ang magiging anak natin. Pero mag gusto kong namuhay ng katulad ng dati. Mas gusto ko ang simpleng buhay ko noon kasama ka." sabi ni Intoy. Nakabibingi ang katahimikan namayani sa silid nila ng sandaling iyon. Mga ilang minuto lamang na nakatingin si Intoy sa pinto ng silid samantalang nakayuko lamang si Yvonne at walang libo. Napatingala si Intoy, naaawa sa asawa, gusto na sana niya i

