Halos hindi magkamayaw ang ilang media na naroroon para makuhanan ang larawan ang magandang momentom na iyon nina Edward at Yvonne. Kanya kanyang anggulo ang lahat, kanya kanyang angat ng camera para lamang makunan ang eksena. Hindi naman halos malaman ni Edward kung paano pagsasabayang yakapin, halikan at aluhin si Yvonne sa pagiyak. kaya buong suyo na lamang niyang niyakap at sumubsob naman ito sa dibdib niya habang humahagolhol. Magmula kase ng sumalubong ito sa kanya ay wala na itong tigil sa kakaiyak na halos manikip na ang dibdib. Bagamat malawak ang garden sa bahay nina Yvonne sumikip pa rin ito dahil halos kinapos ng fresh air dahil na rin sa pagdagsa ng mga tao at press. Halos kase lahat ng mga empleyado ng kanilang kompanya ay doon yata nag time in sa bahay nila ng araw na

