Magaan ang mga paang lumakad ng patingkayad ang isang anino. Dahan dahan itong bumaba ng hagdan at saka mabilis na tumalilis patungo sa sala. Lumabas mula sa kusina ang isang katulong at pinatay ang ilaw kaya nagtago ang anino sa ilalim ng malapad na sofa. Nang maramdamang tahimik na ulit ang kabahayan ay tumayo ang anino at daha dahang tinungo ang pintuan. Maingat na binuksan ng anino ang pintuan ng kabahayan. Payukong nagpalipat lipat ng tago sa likod ng mga palmerang halamang nakadesinyo sa paligid ng pader. Kanina sa bintana ay inaral na ng anino ang struktura ng pader na kailangang akyatin niya kaya naman handa ang anino sa taas ng pader na aakyatin. Sa bahaging likod malapit sa may green house ay medyo madilim at malayo sa poste kaya doon umakyat ang anino saka mabilis na umigpaw

