Matapos ang paguusap na iyon sinimulan na nga ni Intoy ang pagpaplano. Tulad ng balak niya ay gagamit sila ng ibang bride para maiwasang madamay ang kanyang mag ina. Kaya naman ng mga sumunod na araw ay madalas na magkausap sina Intoy at Tenyente Sandoval. Naging abala rin si Intoy sa opisina at minsan pa nga sa opisina na kinakausap ang opisyal. Kapalit na pagiging magaling ni Edward sa larangan ng business ay dumami ang kanilang investors at nagkaroon ng mga offer abroad. Dumatng na sa ponto ng career si Intoy na nagkakaroon ng business trip ng ilang araw.Tulad ng dati, noong una ay kasama niya ang abogado ng pamilya pero ang ikalawang biyahe ay solo na lamang si Intoy, dahil kailangan may maiwan sa opisina dahil parehas hindi maari sina Yvonne at ang Papa niya mag take over. Isang uma

