Sabado ng hapon ng dumating sa mantion sina Tenyente Sandoval at Major Arcilla, magkasunod na dumating ang dalawa. Kinakailangan pang mag disguise na babae ni Tenyente Sandoval at si Major Arcilla naman ay nag disguise na aircon repairman. Hindi kase sila maaaring magpahalata na may madalas na dumadalaw na alagad ng batas sa mansion makakahalata ang look out sa labas at maaaring mabulilyaso ang plano nila. Mula ng malaman ni Intoy ang nakasaad sa Death Note naging maingat na ang mga tao sa mansion. Kahit ang mga maid ay hindi muna pinapamalengke at pinaaalis. Pansamantala ay kinausap naman ni Intoy ang mga katulong na isakripisyo muna ang isang araw na day off dahil sa sitwasyun ng pamilya. Sumang ayon naman ang mga katulong at nagaalala sa kalagayan ng pamilya. Pinangakuan naman sila ni

