Hindi alam ni Intoy kung saan siya naroroon. Maganda ang silid malambot ang kama at naka aircon pa siya. Naalala niya na nang magising siya, ay nasa isa silid siya na mukhang hotel. May benda na ang balikat niya patunany na ginamot na siya at kung sino man ang gumamot sa kanya ay wala siyang idea. Ikalawang araw na niya sa silid na iyon nakasara. Inilot ni Intoy ang paligid at kumpleto naman siya sa gamit ganun din ang ref nakita niyang may beer kaya yun ang pinaglibangan ni Intoy habang nagpapagaling. Lugmok sa lamesa si Intoy dahil sa kalasingan. Sa alak niya ibinaling ang pangungulila at labis na pagaalala sa kalagayan ni Yvonne. Wala siyang balita dito matapos ang lahat. Hindi na niya makontak ang dating numero na ginamit ni Yvonne. Alam niyang nasa kamay ito ng mga pulis bilang ibede

