"Hindi papayag si Yvonne sa gagawin ninyo" sabi ni Intoy. Kilala niya ang kasintahan , hindi ito papayag na gamitin siya ng ama nito. "Nakakulong si Yvonne sa mansion sa ngayon, hindi siya pwedeng lumabas at hindi siya pwedeng makita ni Belinda. Kailangan makontact muna si Belinda bago natin isiwalat ang lahat." sabi ng opisyal. Matagal ng nakaalis Si Major Arcilla pero tulala pa rin si Intoy, naguguluhan siya sa tumatakbo sa isip ng matandang Gatchalian. Wala ba talaga itong puso?" Bukas ang nakatakdang plano at bukas siya kailangan ng mga ito. Nang gabing pagkatapos lamang ng rescue ay planado na ang lahat, kaya mula sa dummy cellphone ay pinatawag ni major Arcilla ang isang tauhan. Samantala tatlong araw bago ang pagkikita nila ni Major Arcilla.Nakatanggap naman ng tawag si Belin

