Nagbabaka sakali pa din siyang hindi naman talaga umalis ang dalaga maaaring nagtungo lang ulit sa bayan at may naisip lang bilhin. Lalabas na sana ang binata para sa sala na lamang antayin ang dalaga hindi na kase siya mapakali bawat minutong lumilipas ay parang sinasakal ang binata. Napadako ang tingin ng binata sa lamiseta sa tabi ng kama nandun ang Kulay orange na pitaka ng dalaga ngunit wala ang maliit na wallet nito. Kung gayon ay hindi lumayo ang dalaga dahil ni hindi ito nagdala ng malaking pera at ano mang Id. Dumako ang tingin ng binata sa isang kulay puting medyo pahaba na nakaipit sa gilid ng Lampshade.Nakaagaw ito ng pansin sa binata para kaseng nakakita na siya ng ganun sa isa sa mga naging karelasyun niya noon. Kinuha ng binata ang munting bagay at nagulat sa nakita. Tumak

