"Ikaw ba si Edward? "Oo,ako nga "Sagot ang binata na nakababa na ng sasakyan. "Kung ikaw nga si Edward, saan sa mukha may maliit na nunal si Yvonne? Paniniyak ng babae. "Natawa ng bahagya si Intoy, nawala ang pagod niya sa pagmamaneho ng malayo sa mala imbestigador na kaibigan ni Yvonne. "Walang kahit maliit na nunal si Yvonne sa mukha. Merong siyang nunal sa gitna ng dibdib" nangingiting sagot ni Intoy. "What! Nakita mo na yun? Okey naniniwala na ako, pasensiya na naniniguro lang" Sabi ng babae. "Okey lang naiintindihan ko" sabi naman ng binata. "Miss saan tayo pwedeng magusap may kailangan kase ako sayo" paalam ni Intoy. Okey lang ba sayo maglakad lakad, iwan mo na labg ang sasakyan mo dito. dun tayo patungo sa clubhouse sarado na ang clubhouse pero ang park bukas anytime. Haban

