Balak sanang damputin ni Intoy ang litrato para mas makita niyan ng mabuti dahil napapatungan nito ng basag na salamin ng picture frame pero nakatawag ng pansin sa kanya ang isang kulay puting bond paper na nakaipit sa gilid ng isa pang frame na larawan naman ng matandang Gatchalian noong medyo malakas pa. Hindi niya alam kong anong meron sa papel na iyon pero parang mas matindi ang hatak ng pang akit nito na para bang sinasabing bulaklatin niya. Maingat na kinuha ni Intoy ang papel na puti na nakatupi sa apat. Parang may nakasulat doon sa tintang pula. Binuklat ni Intoy ang papel para lamang mas ma-shock. Namula sa galit si Intoy at natakot para sa kaligtasan ng dalawang mahal sa buhay. "Mamamatay ang anak mo sa simbahan. Sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal. Huwag mo akong ham

