Pagmulat ni Yzabella ay payapa ng natutulog si Eric. Stable na ang temperature nito ngunit hindi pa rin mapuknat ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Umasa kasi ang kanyang puso na sana totoo ang mga sinasabi ng binata ngunit nagising siya sa katotohanang nagdedeliryo lamang ito dahil sa taas ng lagnat. Kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay engaged pa rin ito sa iba at iyon ang kailangan niyang isaksak sa kanyang isip. Maybe Eric felt a little guilty dahil sa pagdudumped sa kanya kaya lumabas siya sa hallucination nito. “Men usually utter sweet words just to get what they like, but they don’t actually mean it. Next time, do not believe them.’, napangiti na lamang ng mapait sa sarili si Yzabella pagkaalala sa sinabi nito. Tama, kung ano man ang narinig niya mula dito ay part lamang ng mataas

