“Papunta na yung tinawagan kong doctor but it takes time bago makarating dahil malakas ang buhos ng ulan. I hope hindi magpepenetrate sa loob ang kanyang allergy na magcacause ng mahirap niyang paghinga.”, si Alkins pagbalik nito mula sa labas. Tapos na rin niyang napahiran ng ointment ang katawan ni Eric at inaayos na lamang niya ito upang komportable sa paghiga. “Hindi ba siya aware na may allergy siya sa alcohol?”, turan niya dito kasabay ng pagbitbit sa tinanggal na sapatos ng binata at inilagay sa shoe rack sa may corner. “He knows but he keeps on drinking more than his body needs. Ang tigas ng ulo, gusto na yata niyang mamatay.”, tugon ni Alkins kung kayat bigla siyang napatingin dito. Kahit hindi maganda ang naging ending nila ni Eric ay hindi naman niya naiisip na matitigok ito.

