Chapter 11

1579 Words
Paglabas nila sa rezto ay may lalaking nakikiusap sa mga bodyguards ni Eric upang kausapin ito. Mahigpit ang security ng binata at hindi kung sino sino lamang ang nakakalapit dito, kumbaga dadaan muna sa butas ng karayom ang isang nilalang bago makalapit dito. “Parang awa niyo na, kailangan kong makausap si Mr. Madrigal.”, turan ng lalaking. Kagalang galang naman ang itsura, hindi masyadong katandaan ngunit nasa mukha ang pagkadesperado. “Hindi nakikipag-usap si Mr. Madrigal sa kung saan saan, kung gusto niyo magpaappoint lamang kayo sa kanyang upisina.”, turan naman ng mga nasa labas nitong bodyguard ngunit patuloy pa rin itong nagsumamo sa kanila. Nang maispotan na palabas ang binata sa pintuan ay agad itong tumakbo upang salubungin ang palabas na grupo nito. Nang mahawakan ng mga bodyguard ang lalaki ay sakto ito sa harap ni Eric at agad itong lumuhod sa harap ng binata. “Parang awa mo Mr. Madrigal, nakikiusap ako saiyo, bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang aking pamilya.”,turan nito agad sa binata na tila nabigla sa pagsulpot nito. Hindi personal na kilala ni Eric ang lalaki ngunit base sa pananalita nito ay may naviolate itong rule sa organisasyon at nangangamba itong mawala sa business world. Pero mortal sin para sa kanya ang hindi sumunod sa mga patakaran ng grupo and just a snap of his finger ay nawawala sa limelight ng negosyo ang mga ito. Bilang pinuno ng pinakamalaking organisasyon sa bansa ay wala sa kanyang bokabularyo ang salitang isa pang pagkakataon. At ang mga ganitong ay tao hindi niya pinag-aksayahan ng panahon. Tinignan lang niya ang nakaluhod na lalaki pagkatapos ay linagpasan niya ito patungo sa nakaambang sasakyan sa may di kalayuan. Hindi naman maiwasan ni Yzabella ang maawa sa lalaking nakaluhod. Natitiyak niyang may nagawa itong kasalanan sa binata sapagkat humihingi ito ng second chance subalit hindi man lang nito pinansin bagkus ay dinaanan lamang niya ito na parang walang nakita. Halos kaedaran lamang nito ang kanyang ama kung kayat hindi niya napigilang tumigil sa harap nito at tulungang makatayo. Iniabot niya ang kamay sa lalaki at kitang kita sa mga mata nito ang pagkagulat ng mag-angat ng mukha. “Huwag po kayong mawalan ng pag-asa, may awa po ang Panginoon; magdasal po kayo sa kanya.”, wika niya dito at halos mangiyak ngiyak ang matandang tumango sa kanya. “Mag-ingat po kayo.”, saad niya ng maalalayan niya itong makatayo. Nagbow siya dito pagkatapos ay mabilis siyang sumunod kay Eric na noon ay nakaupo na sa may sasakyan at nakatingin sa direction nila. Pagkalulan niya sa tabi nito ay agad isinara ng bodyguard nito ang sasakyan pagkatapos ay tuluyan na silang umalis. “Baka pwede mo namang pakinggan yung tao.”, lakas loob niyang turan sa binata ng makabalik sila sa bahay nito. Wala itong imik simula nang umalis sila sa rezto at hindi rin ito nagkomento sa pag-alalay niya sa lalaking nagmamakaawa sa kanya na makatayo. Papasok na sila sa loob at nakasunod siya dito. Saglit na huminto si Eric subalit pagkaraan ng ilang saglit ay ipinapatuloy ang pagpasok sa kabahayan at tinahak ang hagdanan pataas. Napahinga na lamang siya ng malalim pagkatapos ay malungkot na umiling. „Forget it, he can’t hear you.”, maya maya ay narinig niyang turan ni Alkins sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nagkibit balikat ito ngunit ginulo nito ang kanyang buhok ng makita ang lungkot at labis na pagkadismaya sa kanyang mukha. “It’s okey, you don’t have to carry all the burden in the world.”, pachecheer up nito kung kayat napilitan siyang ngumiti at tumango. “Follow me to the study room!”, mayamaya ay narinig nilang pahayag ni Eric. Nang tumingala sila ni Alkins ay nasa pinakahuling palapag na ito ng hagdan sa taas at blangko ang expression habang nakatingin sa kanila sa baba. Itinuro ni Alkins ang sarili upang tiyakin kung siya ang pinapasunod nito sa study room. “Not you!”, supladong pahayag ni Eric kay Alkins at nakangising nagkibit ito pagkatapos ay sinenyasan ang dalagang siya ang susunod dito. “Bakit ako?”, senyas niya kay Alkins at nagkibit na naman ito. Ngunit ng umalis si Eric sa kinatatayuan ay agad din naman siyang nagpaalam dito at halos patakbo siyang umakyat sa hagdan upang sundan ito. Pagpasok niya sa study room ay nakaupo na ito sa swivel chair habang nakacross arms. Halatang hinihintay siya nito sapagkat nakatingin ito sa may pintuan. Agad naman siyang nagbow subalit wala itong naging reaction kundi nakatingin lamang ito sa kanya ng mariin. Hindi naman siya komportable sa pagkakatitig nito sa kanya kung kayat iniyuko na lamang ang ulo at hintayin kung ano ang sasabihin nito. “What’s your problem?”, pagkaraan ng ilang sandali ay turan ni Eric. Nag-angat naman siya ng mukha at agad umiling sapagkat wala siyang idea sa problemang sinasabi nito. Ngunit ng maalala ang lalaking nagmakaawa dito kanina ay biglang nagliwanag ang kanyang mga mata. “Ah, tungkol sa lalaki sa rezto kanina.”, malumanay niyang turan habang tumingin sa mukha ng nakataas noong binata. “Baka pwede namang pakinggan ang side niya, tila lubos naman ang pagsisisi sa nagawa nilang pagkakamali.”, saad pa niya ngunit ngumiti lang ito ng hindi abot sa mata. “Are you saying this because your families are in the same boat?”, may pagdududang wika ng binata at agad siyang umiling. “No! Of course not, naawa lang ako doon sa tao at sa pamilya niya. I believe everybody is entitled for the second chance.”, saad niya at mas lalong ngumisi ito ng nakakaloko. “Ideally, yes! But for me, no! Kung mali, mali! At dahil naviolate nila ang rule, they must take the consequences.”, anang binata at napalunok siya. “Pero tao lang din sila, nagkakamali. Paano nila maitatama ang kanilang pagkakamali kung hidi sila mabigbigyan ng isa pang pagkakataon?”, di niya napigilang giit dito. „Then it’s their problem, not mine!”, ang binata at hindi niya maiwasang malungkot. Bakit ba kung sino pa ang may kakayahang tumulong upang matulungan ang ibang tao ay sila pa itong mga bato ang puso? “Paano kapag nagkapalit kayo ng sitwasyon, hindi mo rin ba gagawin ang ginawa niya alang alang saiyong pamilya?”, turan niya habang tumitig siya sa mga mata ng binata. Eric stares back pero hindi siya nagpatalo dito, namalayan na lamang niyang tumayo ito at nasa harapan na niya. “Hindi ko gagawin iyon dahil wala akong planong lumabag sa patakaran ng organisasyon. Did you know how I came this far? It is because I am merciless, and everyone knows what I can do.”, madiing saad ng binata at nakimkim niya ang mga labi, may himig bang pagbabanta ang boses nito? “Alam kong makapangyarihan kang tao, pero hindi ba mas maganda kapag ginagamit ang kapangyarihan upang unawiin at pakinggan ang ating kapwa?”, hindi pa rin naman siya sumuko ngunit pinangunutan siya nito ng noo. “Nasasabi mo yan dahil magkaiba tayo ng mundo, sa mundo ko hindi ka mananalo kung hindi ka maninindak ng tao.”, turan ng binata at napatitig siya sa mga mata nito. Eric owns the most beautiful yet dangerous eyes, pero teka may guilt ba siyang nababasa sa mga mata nito? “You are powerful, why don’t you break that culture in your organization? Instead of being merciless, why don’t you be forgiving and understanding? Hindi ba mas magandang sumunod ang mga kasamahan mo saiyo dahil nauunawaan mo sila kesa sumusunod sila saiyo dahil natatakot sila saiyo?”, wika niya dito at di niya inaasahang ngumiti ito habang nakatingin sa kanya. “Bakit napakarami mong problema? Is that your nature?”, turan ng binata at tumitig siya dito bago napailing na iniwas ang paningin. Ang gusto lamang naman niya ay magkaroon ng mapayapang pamumuhay ang lalaking ito, bakit parang nagjojoke siya sa paningin nito? “I just want you to have a peaceful life.”, saad niya dito. “Really? Why?”, ang binatang hindi maitago ang pangingislap ng mata. “Why? Siyempre, mas masarap pa rin ang mamuhay ng matiwasay at tahimik.”, turan niya at tumango tango ito. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay biglang sumeryoso ang mukha nito. “Convince me more, baka sakaling magbago ang isip ko at maging mabait ako sa lahat tao?”, nakakalokong turan ni Eric at halos mapaatras siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Natawa ito sa kanyang reaction ngunit hindi siya nakagalaw ng hawakan nito ang kanyang baba at tumitig sa kanyang mga labi. Napalunok siya ng sunod sunod kasabay ng napakalakas na pagpintig ng kanyang puso. “What do you think?”, narinig niyang pahayag ng binata at pinagtagpo ang kanilang mga mata. Sa mga sandaling ito ay wala siyang naririnig kundi ang nakakabinging malakas na pagtambol sa kanyang dibdib. Sinubukan niyang magsalita ngunit pagkaawang ng kanyang mga labi ay nanlaki na lamang ang kanyang mga mata dahil nakadikit na ang labi ng binata dito. Akala niya ay mahihimatay siya dahil hindi siya makahinga sa sobrang kaba niya ngunit hinila siya ng binata payakap sa katawan nito at naramdaman niyang tila nagkaroon electric shock ang buo niyang katawan. Nang halikan siya ng binata ng mas malalim ay naipikit niya ang mga mata at hintayin na lamang niyang mawalan siya ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD