Agad tumayo si Yzabella mula sa pagkakaluhod at dumistansiya ng ilang metro sa binata. Parang nagkaroon siya ng trauma dahil sa ginawa nito kanina at feeling niya ay gagawin ulit nito. Sumunod namang tumayo si Eric mula sa panggagaya nito sa kanya kaninang lumuhod kung kayat napaatras ulit ng higit kumulang isang dipa.
“Diyan ka lang!”, tarantang turan niya sa binata ng akmang kikilos ito. Napatingin sa kanya ang binata pagkatapos ay nagpakawala ng isang sarkastikong pagngiti.
” Why do I have this strong feeling na ako ang unang yakap at halik mo?”, nakakalokong tudyo ni Eric at hindi niya napigilan ang pagkulay kamatis ng kanyang mukha.
“Don’t talk nonsense!”, inis niyang turan sa panunudyo nito ngunit imbes na tumigil ay tumawa ang binata ng malakas, tuloy halos lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa pagkapahiya.
“By the way, DLS Group is nowhere to be heard in the business world, in case you don’t know.”, maya maya ay seryosong pahayag nito. Alam niyang pangalan ng company ng kanyang ama ang DLS group ngunit hindi siya aware na tuluyan itong nawala.
“And your family can no longer sustain the hospital bills of your father who up until now is in a coma.”, dagdag pa ng binata at bigla siyang nag-alala para sa kanyang ama.
„Ang daddy ko?”, hindi niya napigilang tanong dito. Ano na ang gagawin niya ngayon kung wala na silang pera para sa hospital bill ng kanyang ama?
“Early this morning, your dad was transferred to a public ward.”, ang binata at napailing siya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Malala ang kondisyon ng kanyang ama at alam niyang hindi siya mabibigyan ng tamang care kung matatransfer siya sa public. Sa tagal niyang nawala sa outside world ay wala siyang kilalang mga kaibigan ng kanyang mga magulang upang hingan ng saklolo. Napapikit siya dahil sa pagiging hopeless niya ngunit ng imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang mukha ni Eric habang nakatitig sa kanya. Bigla ay nabuhayan siya ng loob at pagkatapos ng ilang saglit ay nakahawak na siya sa mga kamay nito.
“Parang awa mo na, tulungan mo ang daddy ko.”, pagmamakaawa niya dito. Nagulat ang binata sa biglaang paghawak nito sa kanyang kamay kung kayat hindi siya agad nakapagreact dito.
„Please, Ginoong Eric, tulungan mo ang daddy ko. Promise kahit anong gusto mo ay gagawin ko, tulungan mo lamang ang aking daddy.”, patuloy nitong pagmamakaawa na halos lumuhod ito sa harap niya.
“Of course, I can help your dad.”, maya maya ay turan niya dito. Sa kanyang sinabi ay biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga.
“But I have conditions.”, dagdag niya kung kayat natigilan ito at unti unting nawala ang kasiyahan sa mga mata ni Yzabella.
“What’s your condition?”, pagkaraan ng ilang sandali ay turan nito na as if buo ang loob nitong gawin ang lahat para sa kanyang ama.
“I need someone who can satisfy all my needs.”, wika niya straight in her eyes at sunod sunod ang ginawa nitong paglunok habang nakipagtitigan sa kanya.
“I’m not good at satisfying others in any form. I’m afraid I might not meet your standard of satisfaction.”, after a while ay turan nito at hindi siya makapaniwala sa narinig, does it mean she wants to eat his bait? He never felt too excited in his entire life.
“That’s not a problem, I’m willing to be a teacher in any form.”, wika niya. He’s expecting her to withdraw because in the end ay pipiliin parin nito ang makabalik sa kumbento. Subalit labis siyang nasurpresa sa tugon nito.
“Okey, but before that, I want to see my father.”, turan ni Yzabella at hindi niya napigilang mapalunok habang tumitig dito. Seryoso ba siya?
“Sure, get ready. In an hour, we will be heading to the hospital.”, saad niya pagkatapos ieksamin kung seryoso ito o hindi. Nagbow ang dalaga sa kanya ngunit natawa siya ng pasimple itong umatras ng nagsimula siyang lumakad upang tunguhin ang pinto.
“Mommy!”, agad niyang niyakap ang ina ng mapasukan ito sa hospital room na kinalalagyan ng ama.
“Yzabella, maraming salamat sa Panginoon at walang masamang nangyari saiyo.”, ang kanyang ina ng makitang maayos ang lagay niya.
“I’m okey, mom.Kumusta si daddy?”, turan niya sa ina kasabay ng pagbaling ng paningin sa walang malay na ama. Hindi naman siya sinagot agad ng ina bagkus ay rumistro sa mukha nito ang labis na kalungkutan at tila kawalan ng pag-asa. Nahabag siya ng sobra sa kanyang ina, halos ito ang lubos na nakakaranas ng bagsik ng dagok na dumating sa kanilang pamilya. Ni hindi na nito maayos ang sarili, halos mas matanda na ito kesa sa tunay nitong edad dahil sa mga pasang problema.
“Mom, hold on for a little longer. Promise, we’ll get through for all of this.”, pangako niya sa kanyang ina habang hawak hawak ang mga kamay ng ina.
“Tila napapagod na ako, anak; parang gusto ko ng sumuko.”, turan ng kanyang ina habang isa isang magsilaglagan ang mga luha nito. Halos pinipiga ang kanyang puso sa nakikitang paghihirap ng ina kung kayat hinawakan niya ang mukha nito at pinagtagpo ang kanilang mga mata.
“Mommy, kaya natin to; konting tiis na lang please?’, saad niya sa ina pagkatapos ay buong higpit niyang niyakap ito nang magsimulang yumugyog ang balikat ng ina dahil sa tahimik na pag-iyak.
“We’ll get through this, I promise.”, minsan pa ay pangako niya kung kayat medyo tumahan ito sap ag-iyak.
“Sana magising na ang iyog ama upang hindi na ako masyadong mag-alala.”, wika ng kanyang ina at hinaplos niya ang likod nito.
“Palagi po tayong manalangin sa Panginoon mommy at hilingin natin sa kanya na gumising na at gumaling si daddy.”, saad niya sa ina at tumango tango ito. Pagkatapos payapain ang ina ay lumapit siya sa walang malay na ama. Hinawakan niya ang kamay nito pagkatapos ay inilagay sa kanyang pisngi.
“I miss you, dad.”, turan niya habang dinadama ang mainit na palad ng ama. “Sobrang nalulungkot na si mommy, gumising kana po, please?”, bulong niya dito habang hinahaplos naman niya ang ulo ng ama. She’s her daddy’s girl, lahat ng gusto niya ay palagi itong nakasuporta sa kanya. Kahit my business trip ito before kung meron siyang recital o activity sa school ay sinisikap nitong makadalo upang bigyan siya ng suporta. Kahit nasa loob na siya ng kumbento, he never missed to send her flowers lalo na sa mga mahahalagang araw ng taon. Alam niyang hindi ito aminado sa desisyon niyang pumasok sa kumbento pero never siya nitong diniscourage upang hindi na siya tumuloy bagkus ay sinuportahan pa rin siya nito at naging masaya na lamang sa pinili niyang buhay. Para sa kanya ang dad niya ang pinaka the best daddy in the world.
Halos hindi pa niya naibubuhos ang sobrang pagkamiss sa kanyang ama ay may tumikhim na sa may pintuan, hudyat na tapos na ang ibinigay na oras sa kanya upang makita ang kanyang mga magulang.
“I love you, dad. Sana gising kana kapag nagkita tayo ulit.”, paalam niya sa ama pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito bago bumaling sa ina at magpaalam.
“I love you, mom. Please don’t get sick, I’ll do my best to make things better for you and dad.”, turan niya sa ina habang kayakap niya ito.
“Mag-iingat ka anak, mahal na mahal kita.”, tugon ng kanyang ina. Nang bitiwan niya ito mula sa pagkakayakap ay mabilis siyang nagbow dito pagkatapos ay mabilis niyang tinungo ang pinto at lumabas.
Pagkasakay niya sa nakaparadang sasakyan na naghihintay sa kanya ay hindi na niya napigilan ang luhang bumuhos sa kanyang mga mata. Bukod sa namimiss niya ang mga magulang ay wala naman siyang magawa upang damayan ang mga ito. Kahit gusto niyang manatili sa tabi ng mga ito ay kailangan naman niyang bumalik sa bahay ni Eric upang pagsilbihan ito or else mas lalong magsusuffer ang mga ito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak ngunit natigil siya ng abutan siya ng tissue ng kanyang katabi.
„Salamat.”, turan niya dito ngunit ng mapagsino ito ay parang umurong ang kanyang mga luha sa pagpatak at pagdaloy sa kanyang pisngi.
“I shouldn’t let you visit your father if you I knew you whipped like that.”, turan ni Eric. Hindi niya alam kung sarkastiko ang pagkakasabi nito sa kanya ngunit nagpasalamat pa rin siya dito.
“Thank you, masaya akong nakita ko ang daddy ko.”, pahayag niya sa binate at tumawa lamang ng mahina ito.
“Your dad is now secured in the VIP, and before this day end, he’ll be having the best doctor in the entire Philippines.”, pagbibigay alam ng binata. Ngumiti siya ng bahagya sapagkat goodnews para sa kanyang ama ang sinabi nito ngunit para sa kanya ay isa itong pagpapaalala sa naging kasunduan nila.
“Well taken, thank you very much.”, turan niya at tumango tango ito.
“I’m hungry, let’s have lunch.”, maya maya ay deklara ni Eric habang tinapik ng tatlong beses ang upuan ng driver.
“Copy sir.”, tugon naman agad ng driver pagkatapos ay mabilis nitong pinasibad ang kanilang sinsakyan.
Pagdating nila sa isang sikat na rezto ay halos mga crew and staff lamang ang mga naroon at nakangiti ang bawat isang sumalubong sa kanilang pagdating. Bawat mesa ay may nakahandang masasarap na pagkain. Sa daming kasama nilang bodyguard ay halos maoccupy nga nila ang buong space ng rezto. Akala niya magkakasalo silang lahat ngunit nagulat siya ng hilahin siya ni Eric papunta sa VIP room ng rezto at dalawa lamang silang magkaharap na kumain. Nabigla pa siya ng hilahin nito ang upuan para sa kanya.
“Salamat.”, alanganing turan niya dito sapagkat hindi siya makapaniwalang alam din palan ito ang ganoong gesture. Ngumiti lamang ito sa kanya pagkatapos ay naupo na rin sa harap niya.
“I don’t know if you like the food, but these are the best in the rezto.”, saad nito at tumango lang naman siya dito. Aba’y alam naman pala nitong magsalita ng maayos.
“Try this; this is the best.”, ang binata kasabay ng paglagay nito ng nasabing pagkain sa plate niya.
“Salamat, ako na.”, pahayag niya habang mabilis na kinuha mula sa kamay nito ang hawak na serving spoon. This man is acting so weird at parang kinakabahan siya. Pakatapos maglagay ng pagkain sa plato ay sumaglit siyang tumahimik upang magpasalamat sa mga pagkaing bigay ng Panginoon. Agad namang binitiwan ni Eric ang hawak na spoon at pasimpleng tumahimik ng mapasin siyang nagdarasal bago kumain. Napasign of the cross din ito ng makita ang kanyang ginawa pagkatapos ng kanyang panalangin.