“Boss, Si Mr. De Los Santos inilipat na sa ward.”, pagbibigay alam ng kausap ni Eric mula sa kanyang cellphone. Nagkalat ang mga intel niya sa paligid at pinapakinggan niya ang mga ito bago pa man lumabas sa kanyang kuwarto tuwing umaga.
„Why? Nagising na ba siya mula sa coma?”, curious niyang tanong dito.
“Hindi pa boss pero malaki na ang bill niya sa hospital at wala na silang pambayad sa VIP.”, turan ng kausap at sumandali siyang natahimik. Nawalang parang bula sa business world ang DLS group at ni singkong duling ay wala nang pumapasok sa pamilya ng mga ito. It was Yzekiel fault, siya ang dahilan sa biglaang pagbagsak ng negosyo ng pamilya nila. Wala siyang pakialam, kung tutuusin kulang pang kabayaran ang paghihirap ng pamilya nito sa ginawa niyang pagtataraidor sa grupo. He used to be his buddy, his confidante, his brother pero anong ginawa nito sa kanya? Nakikipag-ugnayan sa ibang grupo upang pabagsakin ang kanyang pamumuno to think itinuring na niyang kapatid ito. “Well, let him taste the doze of his own medicine.”, tila nakangiti niyang turan sa kanyang isip bago dumungaw sa bintana upang tignan ang paligid. Malawak ang bakuran ng bahay ng kanyang ama at nakakagaan ng pakiramdam ang pagmasdan ang ibat ibang halaman na nakatanim dito. Nasira ang mood niya dahil sa pagkaalala sa traydor na kaibigan at kailangan niyang pakawalan ito sa pamamagitan ng pagtanaw sa garden. Pagtaas niya ng blinds ay natanaw niya agad si Yzabella sa baba na nagdidilig ng halaman. She’s wearing a maid’s uniform, sa dami ng ipinadalang klase ng uniform ng assistant niya sa long sleeve at hanggang sa sakong ang haba pa ang napili nito. Mukha itong nanny sa Inglatera sapagkat nakasuot pa sa ulo ang kapares nitong headdress. Hindi niya napigilan ang pagkatuwa kung kayat wala sa sariling natawa siya.
“Boss?”, biglang turan ng kausap niya sa cellphone kung kayat bigla siyang natigil sa pagkakangiti na tila ba nakikita siya ng kausap. Paano ba niya nakalimutang may kausap siya sa kabilang linya at tumawa pa siya ng parang wala sa sarili?
“Sabihin mong ibalik si Mr. De Los Santos sa VIP, send the best doctor and leave a blank check in the hospital.”, wika niya dito.
“Okey, boss; masusunod.”, halatang nagulat ang nasa kabilang linya at pati siya ay hindi makapaniwala sa nasabi. Kanikanina lang ay halos isumpa niya ang pamilya ni Yzekiel bat parang nagkaroon siya bigla ng pakialam sa mga ito? Pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone ay sumilip pa siya ulit sa may bintana. Nasa gilid na ng pool si Yzabella at hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggat hindi nawala sa tanawin ang dalaga. Kinuhanan pa niya ito ng larawan kanina mula sa kanyang cellphone at yun pinakatitigan niya ng bumalik sa may sofa.
“Yzabella!”, papasok na ang dalaga sa may kabahayan ng makasalubong niya sa entrance hall si Alkins na may hawak hawak na mga bulaklak.
“Magandang umaga, Ginoong Alkins.”, bati niya pagkatapos ay inuyuko ang ulo.
“Magandang umaga, para saiyo.”, saad ni Alkins at halos lumaki ang kanyang mga mata ng iabot nito sa kanya ang hawak na bulaklak.
“Po?”, gulat niyang pahayag at ngumiti ito.
“Nakita kitang nangongolekta ng mga bulaklak sa garden kanina kaya kumuha ako sa likod”, turan ni Alkins at tumango siya.
“Ah, oo nga po naglagay kasi ako ng mga bulalak sa mga vases sa sala. Salamat, ilalagay ko po ito sa may grotto,”, masayang turan niya sabay kuha ng bulaklak mula dito. Humahalimuyak ang mabangong amoy ng bulaklak kung kayat hindi niya napigilang singhutin ito. Hindi pa niya nailalayo ang bulaklak sa kanyang ilong ng biglang umulan ng holen mula sa taas ng hagdan. Agad siyang hinila ni Alkins sa harap nito at iniharang ang katawan mula sa nagsilaglagang mga holen.
Pababa si Eric sa may hagdan ng makita mula taas sina Alkins at Yzabella na nasa entrance hall. May hawak na bulaklak ang kaibigan at ibinigay nito sa dalaga. Labis na nasiyhan si Yzabella at may pasinghot pang nalalaman sa paflower ni Alkins. Bigla ay nakaramdam siya ng matinding paninibugho, nahirapan siyang idistansiya ang sarili sa dalaga upang hindi sila mapalapit sa isa’t isa ngunit tila enjoy na enjoy ang kaibigan sa paghuli ng atensiyon ni Yzabella. Sa inis ay tinumba niya ang malaking vase na puno ng holen at agad naman itong kumalat pababa. Subalit mas lalo siyang nadismaya ng makitang isinangga ni Alkins ang sarili upang hindi matamaan ng holen ang dalaga.
“What was that?’”, turan ni Alkins ng humupa ang paglaglag ng mga holen at makita siyang pababa sa may hagdan na tila walang nangyari. Sa halip na sumagot ay nagkibit lamang siya ng balikat dito.
„Yzabella, okey ka lang ba?”, may pag-aalalang baling niya sa dalaga at tumango naman ang dalaga dito.
“Okey lang po ako, Ginoong Alkins. Maraming salamat.”, turan ni Yzabella dito pagkatapos ay dali daling pinulot ang nabitawang bulaklak kanina.
Pagtayo ng dalaga ay nagulat siya ng biglang lumapit si Eric at walang salitang hinawakan ang kanyang kamay pagkatpos ay hinila siya palayo sa hall. Sa gulat niya ay napasunod na lamang siya dito hanggang halos pabalibag siyang binitiwan ng makapasok sila sa kitchen. Nagulat siya dahil wala naman siyang naalalang nagawang mali sapagkat sinusunod naman niya ang mga ipinapagawa nito.
“I’m hungry, make me something to eat.”, turan nito at lihim siyang natawa. Jusmiyo! Gusto lang pala nitong kumain, tinakot pa siya ng todo.
“Ano pong gusto niyong kainin?”, mahinahon pa rin niyang pahayag sa binata na akala mo hindi siya nininerbiyos kaninang kaladkarin siyang papunta dito sa kitchen.
“I want noodles. Make it fast!”, saad ng binata at napabow na lamang siya dito tanda ng pagsunod niya sa sinabi nito. Maingat niyang ipinatong sa may gilid ang bigay ni Alkins na bulaklak upang ilagay niya sa grotto pagkatapos niyang magluto ng pagkain ni Eric. Ngunit hindi pa siya nakakatalikod upang kumuha ng iluluto sa grocery cabinet ay kinuha ni Eric ang binitiwang bulaklak at walang awang itinapon sa basurahan.
“Bakit mo itinapon?”, paninita niya sa binata ngunit tumaas lamang ang kilay nito.
“So what?”, turan nito at hindi niya naipigilan ang sariling huwag mainis.
“Hindi naman saiyo yun ah?”, halos maiyak siya sa inis sa ginawa ng binata. Nangako pa naman siya kay Alkins na ilalagay niya ito sa groto.
“Those flowers come from my garden, they are mine!”, sa halip ay mulagat ng binata at napalunok siya ng ilang ulit upang kontrolin ang nakaambang pagpatak ng kanyang mga luha. Bakit napakarude ng lalaking ito?Wala na ba itong alam gawin kundi magbigay ng sama ng loob sa mga tao sa kanyang paligid? Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tinalikuran niya ito upang kukuha ng lulutuin subalit hinawakan ni Eric ang kanyang kamay at sa isang iglap ay nakakulong na siya sa matipuno nitong dibdib kasabay ng pagselyo nito sa kanyang bibig. Napakabilis ng pangyayari, ngunit kahit anong kagustuhan niyang itulak ito at humilagpos ay hindi niya maigalaw ang katawan. She was frozen and the last time she remembers, she passes out.
Pagkagising ni Yzabella mula sa pagkahimatay ay nasa kuwarto na siya at nakahiga. Nang maalala ang dahilan ng ikinahimatay niya ay agad siyang napabalikwas ng bangon at agad lumuhod upang humingi ng tawad sa Diyos. Subalit hindi pa niya nasisimulan ang kanyang gagawing pagdarasal ay narinig niyang bumukas ang pinto ng silid at naramdaman niyang may pumasok. Bigla siyang kinabahan, malakas ang kutob niyang si Eric ang pumasok kung kayat diniinan niya ng maigi ang kanyang pagkakapikit habang nakaluhod. Bigla ay hindi siya makapagfocus sa gagawing pagdarasal, mas lalo niyang diniinan pagkakapikit upang isipin nitong taimtim siyang nananalangin at tuluyan itong umalis. Ngunit halos sampung minuto na siya sa ganoong ayos ay hindi man lamang ito natinag upang umalis bagkus ay lumapit ito sa tabi niya at ginaya siyang lumuhod.
“Lord, patawarin niyo na po ang babaing ito. Baka mangawit ang kanyang tuhod at tuluyan siyang hindi makatayo.”, narinig niyang turan ni Eric mula sa kanyang tabi kung kayat bigla siyang napamulat ng malaki. Nang sulyapan niya ito ay nakatingin pala ito sa kanya habang hanggang noo ang taas ng mga kilay.