“What?”, iritadong turan niya ng sagutin ang kanina pa tumutunog na telepono. Wala siyang balak sagutin ito ngunit masyadong makulit ang tumatawag at hindi yata titigil hanggat hindi niya iyon sinasagot.
“Don’t dare touch my sister or else I will skin you alive!”, nagulat siya ng marinig ang pamilyar na boses ng dating kaibigan ngunit unti unting kumunot ang kanyang noo ng marealized ang pagbabanta nito. Sa isang iglap ay sumiklab ang matinding galit dito.
“Damn you! I will torture your sister every day if you don’t show your hard face.”, halos nanginginig ang kalamnan niya sa galit.
“Really Eric? Can you really hurt my sister?”, sarkastikong pahayag ng nasa kabilang linya kung kayat mas lalo siyang naintimidate.
“What do you mean? “, saad niya dito, kung pwede niya lang daklutin ang traydor na kaibigan sa telepono upang mabigyan na niya ito ng leksiyon.
“You are the fiercest man I know, but I know your weakness or who is your weakness, rather! What can you say about my surprise?”, dinig niya ang mahinang pagtawa ng dating kaibigan lalo na at hindi siya agad nakasagot dito.
“f**k you, Yzekiel! I will bury you alive!”, naggagalaiting pahayag niya ngunit tumawa lamang ito sa kanya.
“Noon pa man ay ayaw na kita para sa aking kapatid, pero ngayon, no choice dahil wala akong magawa para sa aking pamilya. Sooner, my sister asks you to protect my family and you won’t turn her down.”, turan ni Yzekiel at napatiimbagang siya. Ano ang ayaw sa kanya ni Yzekiel upang hindi ito pabor sa kanya na para sa kapatid nito to think na halos magkapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nila sa isa’t isa?
“How conceited can you get? Wala akong pakialam sa pamilya mo!”, inis niyang turan sa dating kaibigan ngunit tumawa lamang ito.
“Tell that to my sister when she asks you. Sisiguraduhin kong babakuran mo ng bodyguards ang aming bahay upang masiguro mong ligtas ang mga magulang namin.”, si Yzekiel kung kayat mas lalo siyang nagalit sa panggagamit nito sa kapatid.
“Galingan mo ang pagtatago, dahil sa oras na mahanap kita, ibabaon kita ng buhay!”, galit niyang banta dito ngunit narinig niyang tumawa lamang ito.
“Pagtuunan mo ng pansin ang mga tao sa paligid mo. Gusto ka nilang palitan sa trono at yun ang atupagin mo. Don’t trust anybody or else sa kangkungan ka pupulutin!”, turan ng nasa kabilang linya at sarkastikong napangiti siya dito. Magsasalita pa sana siya upang sabihin uyamin ito ngunit naputol na ang linya at nawala na ito sa ere. Sa inis ay ibinato niya sa kung saan ang telepono at malakas na tinadyakan ang paanan ng bed. Sa ngayon ay wala talaga siyang pinagkakatiwalaang tao simula ng magtraydor sa kanya si Yzekiel- ang pinagkatiwalaan niya ng lubos at ang itinuring niyang kapatid. Kung nagawa nito sa kanya, how much more sa mga taong hindi niya lubos nakilala.
Halos patakbong lumabas si Yzabelle sa silid ni Eric mabilis na pumasok sa kuwartong tinulugan niya at mabilis na itinago ang sarili. Sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso at halos nanginginig pa ang buo niyang katawan dahil sa muntikan siyang halikan ng binata. Agad siyang napaluhod sa paanan ng bed, nagsign of the cross at pagkatapos ay humingi ng tawad sa Diyos. Feeling niya nakagawa siya ng kasalanan, kung wala sigurong tumawag sa Eric na iyon ay hinayaan na lamang niyag halikan siya nito which is against sa kanyang bokasyon. Gosh! Bakit ba hindi siya nakapagreact ng mabilis? Bakit parang tinubuan siya ng pagnanasa sa kanyang katawan at parang gusto niyang mahalikan ng lalaking yun. “Lord, ilayo niyo po sana ako sa anumang tukso at kasamaan, gusto ko pong bumalik sa kumbento at magsilbi sainyo.”, taimtim niyang pakiusap sa panginoon sapagkat iyon naman ang pangarap niya mula noon, ang ialay ang buhay sa pagsisilbi sa panginoon.
“Where have you been?”, iritadong saadn ni Eric kay Alkins. Kanina pa natapos ang kanyang meeting ngunit hindi siya makaalis alis sapagkat bigla itong nawala.
“May binili lang sa department store, akala ko kasi matatagalan ka pa.”, turan naman nito na hindi man nakitaan ng pagkayanig kahit nasa mukha niya ang pagkainip. May hawak itong paper bag na malaki at nacurious siya kung ano ang mga pinamili nito.
“What’s that for? “, taka niyang pahayag, unusual kasi kay Alkins ang bumili ng gamit sa napakaikling oras. Isa pa signature din ang lahat ng gamit nito at hindi lang basta bumibili ito sa kung saan.
“I bought some for Yzabella, she’s using YD’s clothes and it’s not fit for her.”, saad ni Alkins at bigla siyang napatingin sa mukha nito pagkatapos ay hindi niya namalayang kumunot ng sobra ang kanyang noo. Bakit nagcacare ang kaibigan niya kay Yzabella, may pagtingin ba ito sa dalaga?
“No need! She’ll be wearing a maid's uniform. Remember, she is a slave in the house, not a VIP.”, supladong pahayag niya pagkatapos ay tinungo na niya ang pinto upang mauna nang lumabas. Parang uminit ang kanyang ulo, naiinis siya na hindi niya maintindihan. Bakit ba kasi hindi man lang niya naiisip na walang pamalit si Yzabella? Pakalulan niya sa isa sa limang nakaparadang mamahaling sasakyan ay tumawag siya sa isa niyang assistant at nag-order ng sangkaterbang undies and maid’s uniform.
Pagdating nila sa bahay ay agad hinanap ng kanyang mata sa paligid si Yzabella ngunit wala ito sa entrance hall o di kaya sa sala. Nasa kusina siguro ito o sa laundry room kung kayat tumuloy siya sa pag-akyat sa hagdan upang tumuloy sa kanyang kuwarto. Ngunit bigla siyang napahinto sa kalagitnaan ng marinig ang tila nasisiyahang boses nito.
“Naku! Maraming salamat Ginoong Alkins, nag-abala pa kayo. Pagpalain po kayo ng mahal na Panginoon.”, turan ni Yzabella kay Alkins ng abutan niya ito ng magkasalubong sila sa may entrance hall.
“You’re welcome! It’s a kind gesture para sa pagluluto ng aming pakain at paglalaba ng aming mga damit.”, nakangiting pahayag ni Alkins at ngumiti siya ng walang kasintamis. Kahit naman puro lalaki ang nakakasalamuha niya sa bahay na ito ay mababait naman ang mga ito, lalo na ang kanyang kaharap. Kung meron man sigurong may masamang ugali dito ay ang leader ng mga ito, palagi nang nakakunot ang noo, ay parang palaging galit din sa mundo.
“Slave!”, maya maya ay halos mapatalon siya sa gulat ng bigla itong sumigaw habang nasa kalagitnaan ng hagdanan. Sabay pa silang tumingala ni Alkins sa kinaroroonan nito.
“Maliligo ako, ihanda mo ang bathtub!”, iritadong pahayag ni Eric at agad naman siyang nagbow dito.
“Masusunod po, Ginoong Eric.”, pahayag niya pagkatapos ay nagpasalamat siyang muli kay Alkins bago umukyat sa may hagdan upang sundan ito sa taas.
Pagdating niya sa harap ng room nito ay nakabukas ang pinto ngunit kumatok pa rin siya tanda ng pagbibigay galang sa may -ari ng kuwarto. Hindi pa niya naibaba ang kamay sa pagkatok ng bigla itong lumitaw sa kanyang harapan habang linuluwagan ang necktie nito. Nagulat siya sa biglaang paglitaw ng binata ngunit agad ding nakompos ang sarili.
“Pwede na po ba akong pumasok at ihahanda ang iyong liguan?”, wika niya sa binata ngunit tinignan lamang siya nito pagkatapos ay umalis lang ito sa kinatatayuan na wala man sinabi. Pumasok naman siya sa simple ngunit malawak at elegante nitong kuwarto at direchong tinungo ang bathroom nito.
“Ano po kayo, hot, lukewarm, or cold?”, lingon niya sa binata bago tuluyang makapasok sa bathroom nito.
“What do you think?”, nakataas ang kilay nitong tumingin sa kanya at napakagat labi siya. Mali yata ang pagkakaintindi nito sa tanong niya.
„I mean yung tubig na panligo niyo po?”, pagkaclarify niya at napasmirk ito.
„Make it hot.”, turan ng binata at nagbow siya dito. Sabagay nakakarelax talaga ang hot bath lalo at maghapon kang pagod sa trabaho. Hinugasan niya muna ang tub pagkatapos ay tinimpla ang temperature ng tubig bago kinargahan ito. Inilapit niya din ang liquid soap at pagkatapos ay kumuha ng malinis na towel at roba sa rack at inilagay malapit dito. Nang mapuno ang tub ay lumabas na siya sa bathroom upang ipaalam sa binata na pwede na itong maligo. Nakita niya itong nakaupo sa may sofa habang nakasandal ang ulo at nakapikit. Nagtalo tuloy ang kanyang isip kung tatawagin niya ito o hindi, ngunit ng makitang kumukumpas ang mga daliri nito ay tumikhim siya dito.
“Ginoong Eric, pwede na po kayong maligo.”, wika niya sa hindi gaano kalakasang boses. Pagmulat nito ng mata ay agad niyang itinuon sa ibang direction ang kanyang mga mata. Pasimple niyang ikinimkim ang bibg sapagkat napatitig ito sa kanya.
“Come closer!”, maya maya ay narinig niyang turan nito kung kayat di niya napagilang mapatingin dito.
“Unbutton my shirt.”, saad nito at halos magkarambola na naman ang kanyang mga cells.
“Po?”,
“Didn’t you hear me?”, wika nito sa kanyang pag-alinlangan kung kayat napalunok na lamang siya bago lumapit dito. Hesitant pa siyang hawakana ang damit nito upang isa isahing tanggalin ang butones nito ngunit tinaasan siya nito ng kilay kung kayat dali dali siyang humawak sa damit nito at sinimulang tanggalin ang pagkakalagay ng butones nito. Halos hindi siya huminga sapagkat sobrang lapit nito at nakatunghay pa sa kanyang mukha.
“I didn’t tell you not to breath, baka mamatay ka niyan.”, saad nito ng mahalatang pinipigilan niya ang paghinga. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o ano ngunit bahagya siyang ngumiti at pasimpleng huminga.
“Why are you so uncomfortable?”, wika pa nito dahil sa pagiging uneasy niya.
“Hindi lang po ako sanay, pero okey lang po. I’ll get used to it.”, maingat niyang sagot baka maoffend nya ito.
“Are you sure, you can get used to it?”, ang binata at tumango siya dito. Sa kanyang response ay ngumisi ito ng nakakaloko.
“Good! Paliguan mo ako!”, pahayag ng binata at nanlalaki ang matang tumingin siya sa mukha nito.
“What?”, saad ni Eric sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay nito.
“That’s too much, kaya mo namang maligong mag-isa?”, hindi niya napigilang turan dito.
And so? You’re my slave, you will do whatever I want, and you don’t have the right to argue with me.”, pahayag ng binata at hindi siya makapaniwala sa sinambit nito. Napapikit na lamang siya ng mariin pagkatapos pumayag din siya dito. Nonsense naman na magprotesta siya eh alipin nga siya nito.
„Okey! Kung ganon maari ka nang tumayo diyan at pumasok sa banyo bago lumamig ang tubig sa tub.”, lakas loob niyang pahayag na sinabayan na ng pagtayo. Ngunit halos maloka siya ng iabot nito ang kamay sa kanya upang tulungan itong tumayo. Wala naman siyang nagawa kundi pag-ikutan na lamang ito ng mata pagkatapos ay hinila niya ito upang makatayo. Halos yumakap ito sa kanya ng makatayo at pagkatapos ay patamad na isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat. Alam niyang sinasadya nito ang lahat kung kaya timbes na magpaepekto ay napailing na lamang siya sa kabaliwan ng lalaki.