Alas tres pa lamang ng madaling araw ay gising na si Ysabella, nasanay kasi siya sa monesteryo na nagigising sa ganong oras upang magnovena. Pagkatapos ng pagdarasal ay bumaba siya upang tapusin ang naiwan niyang labahin kagabi. Nagluto din siya ng agahan pagkatapos sa laundry at pagsapit ng alasais ay isa isang nagsipasok sa kitchen ang mga tao upang magtimpla ng kape.
“Magandang umaga!”, nakangiting bati niya sa mga ito, nagulat man ang mga iyon ay isa isa ring bumati sa kanya.
“Nagluto po ako ng agahan, pwede na po kayong kumain.”, turan niya at nagsitinginan muna ang mga ito bago umupo sa may komedor. Nang ipasok niya ang pinakahuling scramble egg naniluto niya ay nagtaka siya dahil hindi pa kumukuha ng pagkain ang mga ito kahit nakaharap na sa mesa.
“Ayaw niyo po yung niluto ko?”, tila nag-alalang pahayag niya at saglit na nagkakatinginan ang mga ito.
“Hindi pa tayo nagdasal miss.”, turan ng isa at napatango siya. Oo nga naman. Maya maya lamang ay pinangunahan na niya ang panalangiin para sa kanilang pagkain. Gaya ng kahapon ay isang malakas na „Amen” ang kanyang narinig pagkatapos ng panalangin.
“Salamat miss!”, isa isang pahayag ng mga bodyguards pagkatapos kumain at nginitian lamang din niya ang mga ito.
“Tawagin niyo na lamang po akong Ysabelle. Siya nga po pala, pwede niyo na pong kunin ang inyong mga damit sa laundry room nakatupi na po iyon base po sainyong mga code.”, turan niya at mas lalong natuwa ang mga ito. Napansin niyang may code ang mga damit ng mga ito, maging ang suot niyang sweatshirt at pants. YD ang code na nakasulat sa kanyang suot at nahihiwagaan siya kung sino ang may-ari nito.
“Good morning!”, pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok din si Alkins sa komedor habang nakasuot ng kulay blue ng katulad sa suot niya. Napahinto pa ito ng mapansin ang kanyang suot na damit.
“Good morning too, Ginoong Alkins. Magkape po kayo? Naghanda po ako ng agahan baka gusto niyo pong kumain?”, saad niya dito na hindi pinansin ang ginawa nitong pagkatigil habang nakatingin sa kanyang damit.
„Sure, thank you. Akala ko nandito si YD.”, si Alkins at pasimple na lamang siyang ngumiti dito. Umupo ito sa harap ng komedor at agad naman siyang naglagay ng mainit na tubig sa tasa at ibinigay dito. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok din si Eric na nakasuot din ng kagaya nila ngunit kulay puti.
“Magandang umaga, Ginoong Eric.”, nakangiting bati niya sa bagong dating. Medyo maaliwalas pa ang mukha nito kanina ngunit pagkakita ata sa kanya ay biglang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa suot niyang damit.
“Anong maganda sa umaga?”, sa halip ay pasuplado nitong saad saka umupo sa harap ni Alkins. Nakimkim naman niya ang kanyang bibig sa kasupladuhan ng binata ngunit ngumiti din siya pagkatapos.
„Meron po akong niluto para sainyo, masarap po ito.”, turan niya pagkatapos ay kinuha ang itinabing pagkain para dito. Mas special kasi ang ginawa niyang scramble egg para dito tanda sana ng pasasalamat niya sa para sa paglalagay nito ng icepack sa kanyang pisngi.
„Wala bang lason ito?.”, pahayag ng binata kung kayat nabitin sa ere ang pagkaing hawak niya. Ramdam niyang uminit ang kanyang pisngi at napalunok siya ng sunod sunod.
“Oh well, thanks to you. I’ll get it!”, si Alkins na agad tumayo upang kunin ang hawak ng dalaga. Nagmukha tuloy itong anghel sa paningin niya at nakangiti siyang bumalimg dito upang iabot ang hawak na pagkain.
“Who told you?”, biglang tumayo si Eric at walang sabi sabing kinuha ang hawak ng dalaga.
“Give me a drink!”, utos nito pagkatapos ay walang lingong likod na lumabas dala dala ang pagkain. Napatingin siya kay Alkins ngunit nagkibit lamang ito.
“He likes to drink, fresh orange juice every morning.”, pahayag nito at nagpasalamat siya dito bago pumunta sa kitchen at gumawa ng maiinom ni Eric.
“Katukin mo na lamang siya sa kanyang kuwarto, nasa right side ng room na tinulugan mo.”, pagbibigay impormasyon ni Alkins ng madaanan niya ito sa komedor habang kumakain.
“Salamat Ginoong Alkins sa inyong kabaitan, naway pagpalain po lagi kayo ng Poong Maykapal.”, pahayag niya dito at nakangiting nagthumbs up si Alkins sa kanya. Nagbow siya dito bago lumabas upang isunod kay Eric ang orange juice nito.
Pagdating niya sa taas ay nakita niya agad ang room na sinabi ni Alkins, bahagyang nakaawang ang pinto ngunit kinatok pa rin niya ito. Matagal din siyang kumatok ngunit tila hindi siya naririnig ng nasa loob kung kayat dahan dahan niyang itinulak ang pinto at halos nakatiptoe siyang pumasok upang hindi siya makagawa ng ingay. Nakapasok na siya at nakita na niya ang apat na sulok ng silid ng binata ay hindi naman niya makita ang bulto nito, ngunit nasa mesa sa may pinakasala ng silid ang pagkaing dala nito kung kayat sigurado siyang tama ang pinasukan niyang kuwarto. Tutunguhin na lamang niya ang mesa upang ilagay ang juice doon ng biglang bumukas ang isang pinto at iniluwa ang binatang nakatapis ng towel habang hubad ang itaas ng katawan. Sa pagkabigla ay agad siyang tumalikod at napasign of the cross pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang pinto upang lumabas.
“And where do you think you're going?”, narinig niyang turan ng binata kung kayat bigla siyang napahinto.
“Sorry po, Ginoong Eric. Sa labas muna ako.”, tugon niya habang nakatalikod dito.
„Why? Did I instruct you to get out now?”, ang binata at napalunok siya.
“Hindi po, pero…”,
“Pero? Don’t turn your back at me if I’m talking to you.”, tila iritadong pahayag ng binata kung kayat bigla siyang napaharap dito. And right there in front of her ang half naked na katawan ng lalaki habang nag-uunahang bumababa ang mga butil ng tubig mula sa ulo hanggang sa abs nito. Jusko isa siyang madre bakit ba siya pinapakitaan ng ganitong katawan ng lalaki?
“Look at me!”, utos ng binata ng mapansing sa ibang direction nakapokus ang mata kung kayat wala siyang nagawa kundi ibaling ang paningin dito.
“Are you scared of seeing a half-naked man?”,turan ni Eric at tuliro siyang napailing.
“Hindi po!”, agad niyang turan at napangisi iyon dahil sa kanyang pagiging uneasy.
“Bring that juice in the table.”, saad nito kung kayat nagmamadali siyang lumapit sa mesa. Ipinatong ang juice at pagkatapos ay agad tinungo ang pinto.
“Oops! You’re not done yet; eat some of the food you prepared.”, utos ng binata at napatingin siya dito ngunit itinaas lamang nito ang dalawang kilay. Iniisip yata nitong may nilagay siyang poison sa pagkain at kailangan pa nitong ipafood test sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip at nagslice siya ng pagkain at isinubo.
“Good! Now drink some of the juice you made.”, utos ulit nito. Sa inis niya ay tinungga niya lahat ang ginawang juice at walang itinira kahit isang patak. Anong akala ng lalaking ito sa kanya, mamamatay tao?
„I’m still alive, your highness. Can I go now?”, hindi niya napigilan ang inis at namulagatan niya ito.
“No, you can’t! Since you are stubborn, help me to get dress!”, ang binata pagkatapos ay kinuha ang mga damit nitong nakapatong sa kama at isa isang inihagis sa kanya. Natauhan naman siya sa kanyang inasal ngunit huli na.
“Make it fast! I’m going to attend a meeting!”, untag ng binata kung kayat bigla siyang napakilos. Una niyang ipinasuot slacks nito, halos buhatin pa niya ang mahahabang paa nito upang maisuot lamang dito ang pantalon, maging ang paglock sa baywang nito ay kanda pawis siya habang tila nanandya itong walang pakialam. Nang isuot niya ang longsleeve nito ay basta na lamang itinaas ang dalawang kamay nito at pagkatapos ay hinayaan siyang isa isang inilock ang mga butones. Hindi niya alam kung paano niya nagagawa ang lahat, she is not comfortable pero wala siyang magawa kundi tapusin ng mabilisan ang pinapagawa nito. Pagdating sa paglalagay ng necktie nito ay natigil siya, wala siyang alam sa paglalagay ng kurbata at baka masakal niya ito.
“What?”, saad nito mula sa kanyang pagkatigil.
“I don’t know how to put neckties.”, turan niya at napangisi ito habang nakatitig sa kanyang mukha. Maya maya lamang ay hinawakan ng binata ang dalawang kamay niya at tinulungan siyang ilagay ang necktie sa kanyang leeg. Halos hindi siya huminga habang hawak ng binata ang kanyang kamay. Ang lakas ng pintig ng kanyang puso, at naririnig niya ang sobrang pagdagundong nito.
Eric is battling between his consciousness and desire. Before he decides to make fun of Ysabella, he assures himself that he will refrain from touching her no matter what. His consciousness always reminds him of who she is, urging him to treat Ysabella with the dignity she deserves. But, as he gets nearer to her, a strange power starts to take over his thoughts. It's as if a whirlwind of emotions blinds him, impairing his judgment and igniting his heart in unexpected ways. In her presence, his normally composed thoughts become scattered and overwhelmed by a surge of unfamiliar feelings. He holds her hands tight, and in that fleeting moment, his heart rebels against his conscious will. It whispers to him, to hold her closer, and cherish the bond that forms between them. He has been longing to touch her, and when it finally comes, it electrifies his senses and sends shivers down his spine. He lifted her chin and was ready to devour her lips when a sudden interruption jolts them back to reality. His phone rang, and the spell of desire was abruptly shattered, leaving them both startled and disoriented.
Agad siyang itinulak ni Ysabella pagkatapos ay patakbo itong lumabas sa kanyang silid. Siya naman ay napapikit habang hinagod ng ilang beses ang kanyang buhok. He felt disappointed pero ngayong natauhan na siya ay parang hindi pa niya mavisualized ang sarili na siya ang magiging dahilan kung bakit hindi na makabalik ang dalaga sa kumbento.