Pagbaba ni Yzabella sa harap ng rezto ay halos takbuhin niya ang pintuan papasok. Late na siya sa pinag-usapang oras at baka naiinip na ang kanyang mga kasama. Paano hindi naman niya basta iwanan o paalisin si Eric dahil miss din niya ito. Kung hindi lng siya nakaoo ng mas maaga kay Florence hindi niya pipiliing malayo sa piling ng binata ng ganon kadali. Mabuti na lamang at nagprinsinta itong idaan siya sa rezto kaya nakasama pa niya ito sa daan. Nakahinto na ang sasakyan nila sa harap ng rezto kanina ay tila walang may gustong bumitaw sa kanilang pagkakaholding hands na animoy hindi na magkikita o di kaya ay magtatawagan. Sa isiping iyon ay napapangiti si Yzabella habang nagmamadaling binabaybay ang pasilyo kung saan naroon ang reservation ni Florence. Pagpasok niya sa pribadong rezto ro

