“Hey! Cheer up, kung kailan okey na kayong dalawa ni Eric saka naman parang namatayan ang mukha mo diyan.”, si Alkins kay Yzabella na kanina pa tahimik at tila kay lalim ang iniisip habang palayo sila sa condo ni Eric. Tuluyan ng tumila ang ulan at kailangan na ring umuwi ni Yzabella, baka maghisterka ang kanyang ina kung hindi pa ito magpapakita. Ngumiti ng bahagya ang dalaga ngunit kapansin pansin ang malalim nitong pagbungtunghininga. “Iniisip ko lang si Eric, okey lang ba siyang iniwan nating mag-isa doon?”, turan ng dalagang may nasa himig ang pag-aalala sa naiwang binata. “I guess he’s fine now; tsaka pupunta yun sa office dahil maraming nakatambak na dokumento sa kanyang mesa kaya huwag mo na lang siyang masyadong alalahanin.”, pagchecheer up ni Alkins sa dalaga kung kayat napilit

