Pagkatapos tumila ang malakas na hangin at ulan dahil sa bagyo ay bumalik agad si Alkins sa condo ni Eric. Hindi rin kasi siya nakapagsinungaling kay Yzekiel na nasa bahay ni Eric ang kapatid nito at halos pagmumurahin siya nito sa galit. Naiintindihan niyang masakit pa rin ang loob nito kay Eric dahil sa pag-iwan nito sa kapatid sa kabila ng nangyaring engagement ng dalawa. Kahit naman sila ng dalawa pa nilang kaibigan ay sumama din ang loob kay Eric sapagkat hindi na iba si Yzabella sa kanila pero hindi naman iyon ang rason kung bakit nila tutuldukan ang kanilang pagkakaibigan. Bagkus ay sinikap nilang unawain ang huli lalo at tila sinisira nito ang sariling buhay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Hindi naman nito masabi ang problema kung kayat palagi na lamang siyang nakasuporta dit

