Halos malukot ang magandang mukha ni Laura ng mapag-alamang hindi si Eric ang nasa baba kundi isa na naman sa kanyang mga alagad. Ilang araw na ang nakalipas ng maging fiance niya ito ngunit simula ng gabing ideclare nila ang kanilang relationship bilang magfiance sa harap ng dalawang grupo ay never na niya nakita ang anino nito. Ang obligasyon nito sa kanya ay ipinapagawa nito sa mga alipores nito. Alam niyang napilitan lamang ito sa kanilang engagement dahil sa pagsasanib pwersa ng grupo ng kanilang mga magulang ngunit sobrang naiinis siya sa pambabalewala nito sa kanya kahit wala siyang pagtingin dito. Gwapo ang lalaki ngunit hindi niya type ang napakaseryosong pagmumukha nito na tila hindi marunong ngumiti. Kung hindi lamang sa kanyang ama ay never siyang pumayag na maging fiancé niya

