Paglabas ni Yzabella ay halos hindi maigalaw ni Eric ang katawan. Nakatitig lamang siya sa iniwang singsing ng dalaga at halos sasabog ang kanyang dibdib. Galit na galit siya sa kanyang sarili, mahal na mahal niya si Yzabella ngunit ano ang kanyang ginawa? Sinaktan niya ito ng lubos sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga katagang kabaligtaran sa kanyang nararamdaman at iniisip. Sinabi niyang hindi niya ito mahal at meron na siyang iba samantalang mahal na mahal niya ang dalaga at ito lamang ang isinisigaw ng kanyang puso at laman ng kanyang utak. Itinaboy niya ito kahit ang gusto niya ay manatili sa kanyang tabi at palagi itong nakikita. Sinaktan niya ito ng lubos samantalang wala siyang gustong gawin kundi alagaan ito at pasayahin. God, he loves her so much that it is killing him deep inside.

