“Nay naman e!" mangiyak-ngiyak na reklamo ni Alexa sa nagtataray na nanay niya. Halos di na makaproseso ng matinong salita ang mga braincells niya-kung meron pa ngang natitira. Paano naman kasi mukhang sa bibig pa mismo ng nanay niya manggagaling ang pinakalilihim niya tungkol sa pagkatao ni Kylie. Hindi pwede iyon! Hindi pa pwede! Wala pang 100 years! Napatayo siya, iniwan sa sofa ang anak. "Nagprisinta lang po siyang ihatid ako Nay kasi... ano... kasi nga wala akong masakyan kanina tapos nabasa pa ako ng ulan," paliwanag niya. Nanlalaki ang mga mata ng nanay niya. "Wag mo akong inuuto Alexandria, sinasabi ko sa 'yo!" "Nay totoo po yung sinasabi ni Alexa," sabat ni Json, na napatayo na rin mula sa sofa. "Nay?" hindi makapaniwalang tanong ng nanay niya kay Json. "Hindi ako nagdal

