Nagbuga muna siya ng marahang hininga si Alexa, bago niya pinindot ang pincode ng penthouse. Tumunog iyon at nag-flash ng message: Password Accepted. Maingat niyang binuksan ang pinto dahil ayaw niyang gumawa ng ingay kung maaari. Pagbungad niya sa sala ay medyo madilim, naka tabing ang lahat ng kurtina sa mga glass panels. She reached for the lights, but no one was there. Muntik na siyang panghinaan ng loob, but she wanted to know if Json was ok. Kaya imbes na umalis, ang masters bedroom ang pinuntahan niya. Gaya ng sa front door, maingat din niyang binuksan ang pinto ng masters bedroom. Muli ay kadiliman ang bumungad sa kanya. She slowly reached for the lights. Nang sakupin ng liwanag ang kabuoan ng silid ay tumambad sa kanya ang pamilyar na pigura sa kama. "Yaya Rosa, is that you? T

