Makulit ang pagtunog ng doorbell sa pinto. Sinipat niya ang oras sa side table. Wala pang alas otso ng umaga pero may nangungulit na sa pinto nila. Iyon na ang ikalimang araw nang pagtatago nilang mag-anak sa penthouse. Awa naman ng Diyos hindi nangungulit ang mga kaanak nila kung nasaan sila. Yun nga lang parang nanadyang araw-araw eh may naliligaw na nagdedeliver nang kung anu-ano sa kanila, pizza, fast food, resto food, at kung anu-ano pa. Kung kanino galing, di na lang niya iniisip, at least kinakarir nilang tatlo ang pagtatago. Sigurado siya delivery boy na naman siguro ‘yang nangungulit sa pinto. Ginising niya si Json na nakayakap sa kanya. "Luv get the door please,"pakiusap niya. Agad namang tumalima si Json kaso ilang minuto pa lang na wala ito sa kama ay agad din itong bumalik.

