Panay ang hugot at buga ni Alexa ng hininga habang nakatitig kay Jamie na prenteng nakaupo sa pang-isahang upuan na nasa harapan niya. Ewan niya kung paano, basta natagpuan na lamang niya ang sariling pinapapasok ito sa bahay nila kahit na matindi ang pagaaklas ng mga braincells at hormones niya. Siguro dahil nadala siya sa sinabi nitong, "Please sandali lang ako." Kaya heto siya ngayon nakikipagtitigan sa demonyitang baliwag na siyang ugat ng pagkakandaleche-leche ng buhay nila ni Json nang nakalipas na apat na taon. Bahagya pang nanginig ang isang mata niya nang makita ang malagkit na pagtitig nito kay Json na katabi niya sa mahabang sofa. Siyempre ginising niya ang pogi bago harapin ulit ang bruhildang ex nito. Baka pagtripan siya ulit mahirap na. Karga-karga pa naman niya ang kanilan

