Chapter 64 Hindi 'ko na kailangan magpanggap. Tapos na ang paghihirap, sana hindi pa huli ang lahat. Babawi ako. Kung kailangan pakiligin o habulin siya gagawin 'ko. Pagkarating 'ko sa school, una 'kong hinanap si Shanna at Eshin, kinuwento 'ko sa kanila kung ano talaga ang nangyari simula doon sa pagkawala 'ko pagkatapos 'kong manganak. "Nasaan ngayon si Tito?" Shanna asked. "Nagpplanong bumalik sa pamilya niya. Sana nga maayos niya." "May plano ka bang sabihin kay Fire ang lahat? Naku bes ha, baka mahirapan ka sa pagbawi kay Fire lalo pa't close na sila ng Yumi na 'yon. Grabe 'kong makadikit eh." Maarteng wika ni Eshin. Natawa na lang ako. "Kilala niyo naman ako eh. Sorry talaga huh?" "Naku okay lang 'yon Eve. Naiintindihan ka namin. Sa katanuyan nga saludo kami sa'yo, binuwis mo

