Chapter 63 "Evanna, hinihintay na po kayo ni Sir Val sa kotse." Bigla akong nakaramdam ng kaba pagkarinig sa pangalan na 'yon. Anong ginagawa niya dito? Ang sabi niya hahayaan niya ako sa planong 'to. Pero bakit siya nandito ngayon at sinusundo pa ako? Marahas 'kong nilingon ang lalaking nakatayo sa tabi 'ko. Bigla na lang din tumila ang ulan. Was it because of Val? "Sino ka?" Napakagat labi ako nang lumabas ng kotse si Val. Pupuntahan 'ko na sana siya nang biglang may humigit sa kanang kamay 'ko. Muli akong napatitig sa malungkot niyang mga mata. "Fire..." I mumbled. Parang tinutusok-tusok ng karayom ang dibdib 'ko. Gusto 'kong maiyak. Sana matapos na 'to. Sana nagka-amnesia na lang ako. Sana hindi na lang nangyari ang ganito. "Pampalit sa akin? Siya ba?" Gusto 'kong magwala.

