Chapter 3
Matapos kong gamutin ang sugat ni Fire ay hinatid niya ako sa aking magiging silid. Walanju! Ang lalim no'n ah. Umalis agad siya nang maihatid niya ako.
Napatulala naman ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kuwarto. What the fudge! Bakit ang plain? Ni walang design tapos mga paint lang na nakasabit, pero in fairness, ang lawak nitong kuwarto ko. Kuwartong hindi pangkaraniwan, vampire bedroom to be exact.
"Nagustuhan mo ba, mahal na prinsesa?"
Marahas kong nilingon ang nagsalita. Tsk! Ano na naman kaya ang pakay ng Light na 'to?
"Anong kailangan mo Light?"
"Utos ni Fire na bantayan ka, since gusto 'kong asarin ka. Nagvolunteer ako," nakangisi niyang sabi kaya inirapan ko siya.
Nakaramdam ako ng pagkahilo, nanghihina ang tuhod ko.
"Light, nahihilo ako," nasapo ko ang noo ko at napahawak sa poste ng kama.
"s**t! May sugat ka, bakit hindi mo sinabi?"
Akmang hahawakan niya ang benti ko nang biglang may kuryenting pumagitna sa amin. What was that for?
"f**k! Hindi kita pagmamay-ari kaya hindi kita mahawakan, si Fire lang ang kayang humawak sayo," sambit niya habang nakanguso.
Naiintindihan ko na ngayon, si Fire lang kayang humawak sa akin, kay Fire nakadepende ang lahat pagdating sa akin.
"Hindi kasi ako humingi ng permiso kaya hindi kita mahawakan, saka malay ko bang mangyayari 'to," sambit niya habang nakanguso pa rin.
Tumayo siya at tumitig sa mga mata ko. Problema ng lalaking 'to?
"Kung alam ko lang, di sana ako na lang," saad niya at nag-iwas ng tingin.
"Light, t-tawagin mo na lang si Fire. N-nahihilo na talaga ako," utal kong sabi.
Dahan-dahan ako napaupo sa sahig at inihilig ang ulo sa poste ng kama. Ang dami na pa lang nawala sa akin na dugo. Ito siguro ang dahilan kaya ako nanghihina.
Napatingin ako kay Light na hindi pa umaalis, ang pula ng mga mata niya at nakatakip ng ilong. Malamang, may naaamoy na dugo.
"Umalis ka na! Baka makagat mo pa ako dito!" Saway ko sa kanya. Nakakatakot ang mga mata niya.
"Pasensiya na, sige. Aalis na ako," sambit niya saka nagteleported.
Pinikit ko ang mga mata ko. Hinang-hina na ako. I waited for almost thirty minutes. As time goes by, nakatulog na pala ako na hindi man lang namamalayan.
Naramdaman kong may bumuhat sa akin pero hindi ko dinilat ang mga mata ko sa sobrang bigat ng talukap nito. Gusto kong magpahinga, pakiramdam ko ay galing ako sa gyera na sobrang napagod sa pakikipaglaban.
"Sleep well, I'll heal your wounds," huling rinig ko bago ako tuloyang makatulog ulit.
Naamlipungat ako nang may maramdam akong mainit na dumadampi sa benti ko. Isinawalang bahala ko na lang. Matutulog na ulit sana ako nang makaramdam ako ng malamig na kamay na pinipilit imulat ang aking mga mata.
"Hmmm," sino ba kasi 'tong istorbo?
"Gising na mahal na prinsesa, ang mahuling pumasok ay tatanggap ng matinding kaparusahan," sabi ng kung sino.
"Ano naman ang pakialam ko sa parusa na yan? Ipatapon sa dimension? I don't care, pagod ako. As in PAGOD!"
Tuloyan na akong nagising, may dedaydream pa sana ako e. Sinapak ko nga, ang ingay e.
"Aray naman, Eve! Hindi ka talaga natatakot sa parusa nuh? Bahala ka dyan, pupuntahan ka ng mga gwardiya ng-" I cut him off.
"Civil? Hahaha, oo na! Inaantok pa ako e. Istorbo ka talaga, ano?" singhal ko sa kanya kahit hindi ko naman kilala.
Minulat ko sabay ang mga mata ko. Laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang nasa harap ko. Si Thunder ba 'to? Literal akong napanganga. Ang gwapo niya. Hustisya sa mga pangit dyan.
"Thunder? Ikaw ba 'yan?"
"Hindi, kaluluwa ko lang 'to. Napadpad dito. Tsk!"
Magkabila kong hinawakan ang pisngi niya, cupping his face like this makes me smile. Priceless men at the same time, gulat. Nakipagtitigan ako sa kanya ng ilang segundo pagkatapos inistretch ko ang pisngi niya. Hustisya talaga!
Ang gwapo pa rin niya kahit saan ko ibaling ang pagkakastretch ng pisngi niya.
"Anong bang ginagawa mo? Hindi na yan nakakatuwa ah," seryosong sabi niya pero pinagpatuloy ko pa rin.
"Hahaha! Ang cute mo pala. Hustisya talaga sa mga pangit, kung may pangit talagang nag-eexist? Hahaha!"
Tawa ako ng tawa hanggang sa mabitawan ko na ang pisngi niya. Mas lalo akong natawa nang irapan niya ako. Wow! Marunong din pala siyang umirap?
"Titigil ka o sisipain kita palabas?"
"Ito na nga, titigil na. Sorry na," seryoso na kami pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi tumawa.
"Isa!"
Ramdam ko ang tinis ng boses niya kaya tinikom ko na ang bibig ko, baka masipa pa ako palabas. Nakakatakot siyang mairita.
"Sorry, ang kulit mo kasi e. Matutulog pa sana ako. Anyway, ikaw ba ang gumamot ng sugat ko?"
"Hindi, si Fire."
Eh, bakit niya ako nahahawakan? Si Light, hindi? Ang gulo lang ah.
"Bakit mo 'ko nahahawakan pero si Light, hindi?"
"Malay ko, siguro ay binigyan niya ako ng permiso na hindi ipinagpaalam sa akin. Ihanda muna ang sarili mo, malapit ng maghating gabi. Nasa closet ang uniform mo," saad niya saka nagteleported. Ang rude niya. Nagalit ko ata siya.
"Bahala na nga. Kasalanan din naman niya e. Kung hindi sana niya ako ginising, hindi sana hahantong sa ganun."
Tumayo na ako at nagtungo sa cr. Yumuko ako at tiningnan ang benti ko. Naghilom na agad ang sugat ko? Hindi rin nagkapiklat. Salamat naman.
"Hey!"
"Huh?"
Tumingala ako kaso bumangga ang baba niya sa ulo ko. s**t! Nasaktan ko ata siya pero masakit din sa ulo ko.
"Aray ko po!"
"Tsk!"
Patay kang bata ka. Si Fire lang pala. Ang talim ng tingin sa akin pero nakakatunaw pa rin ang kagwapuhan niya. Okay! Tama na ang pantasya.
Nagpeace sign ako sa kanya tapos inangat ko ang tilang nakasapin sa braso niya. Malapit ng maghilom.
"Sabay na tayong magtooth brush? Hindi ka naman siguro maliligo, diba? Saka kuwarto-" he cut me off.
"Natin, and yes maliligo ako. Ayoko ng kasabay."
"Sungit. Eh di sige! Lamunin muna ang banyo," kabatdrip e.
Tatalikuran ko na sana siya nang hilain niya ulit ako papasok sa cr. Naghubad agad siya ng damit. Okay? Akala ko ba'y ayaw niya ng kasabay? Hindi tuloy ako makatingin ng deritso sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakayuko.
"Gamutin mo." utos niya kaya agad ako napatingin sa kanya with matching question mark sa mukha ko. I mean, nagtatanong yung expression ng mukha ko.
Hinawi ko muna buhok ko at tinali. Feeling ko kasi ang init, kailangan ko ng... fistea, hot seat 'to.
"Saan?"
Tinuro niya ang kanyang tyan. Shutang kalabaw! Ang dami niyang sugat. Hutangers! Matatagalan ako nitong gamotin ang mga sugat niya.
Tinusok ko ang isa sa mga sugat niya gamit ang middle finger ko. Takenote, diniinan ko then he hissed, ngiti-ngiti ako tumingala sa kanya at nagpeace sign.
"Masakit?"
"Hindi, masarap! Gamotin muna nga, nagawa mo pang tusokin. Tusokin ko mata mo," ang sungit niya. Kanina ang bait. Kabaliktaran talaga ang pag-uugali ng isang 'to.
"Pakabait ka minsan, promise gagamotin ko lahat ng sugat mo," saad ko at sinimulang gamotin isa-isa ang sugat niya.
"Salamat nga pala sa pagbuhat at paggamot sa benti ko," kailangan dapat detalyado para naman maramdaman niyang sincere ako.
"You're not welcome, bago ko makalimutan. Ako lang dapat ang makahawak sayo unless they have my permission," aniya. Alam ko. Wala akong pakialam, hindi ako bobo para hindi ko maintindihan. I'm not that greenminded person.
"Alam ko."
"Tsk!"
"Chee!"
Nagsusungit ka huh? Diniinan ko nga ang pagkakagamot sa malaki niyang sugat.
"Ano ba! Masakit!"
"Hindi, masarap! Kapag hindi mo pa ako tinigilan kakasungit, hindi na kita gagamotin. Magdudusa ka!"
"Fine! Bilisan mo, nasa labas na sila."
"Sinong sila?" tanong ko habang nakayuko. Malapit ng matapos 'to.
"Pakihawi nga ang bangs ko, hindi ko makita!" singhal ko sa kanya. Hinawi naman niya pero ramdam kong nakatitig siya sa leeg ko.
"W-warriors," utal niyang sabi.
"Kapag kinagat mo 'ko, iihawin kita sa araw," mataray kong sabi saka tinampal ang kamay niya.
"Tapos na," I said beaming. Akmang kukunin niya ang uniform niya nang tampalin ko ulit ang kamay niya.
"Ano bang problema mo babaing mortal ka?"
Naiinis na siya. Halatang-halata na. Sasabog na yan!
"Grabe ka naman, mortal talaga? Diba dapat bampira? Hahaha. Ako na magsosout sayo," I smiled to him.
Hinablot ko ang uniform na hawak niya at dahan-dahang sinout sa kanya, medyo napapatingkad ako kasi matangkad siya kaysa sa akin.
Natigilan ako nang maglipbite siya at napatitig sa labi niya. Hot seat na naman 'to. Nag-iwas agad ako ng tingin nang mapatingin ako sa kanya. Ang awkward. Grabe ang tambol ng dibdib ko. Halos kumawala sa sobrang bilis.
Inabot ko agad ang tooth brush at tooth paste at nagmadaling naglinis ng ngipin then hilamos. Agad-agad akong lumabas ng banyo pagkatapos kung maghilamos.
Sinout ko kaagad ang uniform ko, akmang lalabas na ako nang hilain niya ako pabalik.
"Wear this," saad niya sabay sout sa akin ng pendant. Protection siguro 'to para hindi malaman na isa akong mortal.
"Salamat."
Mabilis akong nakalabas pero nauna na pala siya sa akin, eh di sila na ang may ability. Hiyang-hiya naman ako sa kakayahan ko bilang isang keeper.
Inunahan ko silang maglakad kahit hindi ko alam kung saan ang daan.
"Eve, dito! Hindi dyan!"
"Namamasyal lang."
Bumalik ako. Hiyang-hiya na talaga ako. Kung hindi sana ako nagpakasweet sa kanya kanina e. Enemy ko kaya siya.
Bahala na nga. Ang importante, makaiwas ako sa ganung sitwasyon.
To be continued...