Chapter 4

1212 Words
Chapter 4 Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makatapat namin ang isang gate. Napakapit ako sa balikat ni Fire. Napatingin siya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Bahala ka diyan, natatakot na ako eh. Napatakip ako ng bibig nang may tumambad sa amin na katawan na nagiging abo. Tinakpan ni Fire ang mata ko gamit ang kanyang kaliwang kamay. "Bully na naman," bulong ni Light. Anong ibig niyang sabihin na bully? Uso rin ba dito sa vampire world ang bully? Nanginig ang katawan ko nang makita ko ang isa pang duguan na katawan. Kalahati sa katawan niya ay nagiging abo. Parang wakwak ang mukha niya sa sobrang itim. "Pangalawa na naman, ano bang problema ng mga Valerian students na iyan? Hindi ba sila nagsasawa kakapatay sa mga low class vampires?" Sabat ni Thunder na mukhang naiinis na. "Are you okay?" Tanong ni Fire. Napailing ako. Sinong bang magiging okay sa kalagayan ko? Sabihin niyo nga? "Bakit sila pinapatay?" "Trip ng mga Valerian’s students. Makikilala mo rin sila mamaya," sambit ni Light at humawak sa kamay ko. "You're shivering, ayos ka lang ba?" "I can manage. Piringan niyo na lang siguro ang mata ko, n-nakakatakot kasi." Ganito ba sa school na 'to? p*****n? Akmang pipiringan ni Light ang mga mata ko nang hilain ako ni Fire. "She need to witness this kind of situation." Napanguso na lamang ako, mas gusto pa ata akong ipain ni Fire sa mga Valerian students. Ayoko nang pumasok ulit dito na kasama siya. "Nanginginig ka, wag kang mag-alala Eve, malapit na tayo sa room." Napatango ako. Imbes na kay Fire ako kumapit, kay Light na lang. Ang sungit kasi ng Fire na 'to. Naunang pumasok si Fire, sumunod naman kami ni Light. Bakit hindi na lang kaya sila magteleported? "We can't teleport. Bawal dito," sabi ni Thunder mula sa likuran namin. Mukhang narinig niya ang nasa isip ko. Masyado bang malakas ang pagkakasabi ko nun? Nilingon ko sila at napatango na lang. Their smile was so mysterious. Habang naglalakad kami, nakaamoy ako ng sariwang dugo. Saan kaya nanggagaling iyon? Nang makalapit kami sa malaking pintuan, doon ko nakita ang umaapaw na dugo sa sahig at nagfoform ng ‘Welcome, newbie.’ Nanindig ang balahibo ko at napapikit. Kaya ko 'to, wala ng atrasan 'to. Kakayanin ko kahit anong mangyari. "Ganito dito kapag isa kang baguhan," sabi ni Storm na nakaakbay sa akin. Alam kaya nilang may baguhang papasok? "Bloody welcome for the newbie," saad ni Fire at pinihit ang doorknob. Bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang ilan sa mga estudynate na busy sa kani-kanilang inumin na dugo, iyong iba pa nga nagkakagatan na. "What the hell is this? Ganito ba talaga sa school na 'to?" Bulong ko. Bahagya akong napaatras nang may tumingin sa akin na lalaki. Gwapo pero nakakatakot. "Ganito dito, unexpected nuh?" Nakangising sambit ni Rain at naunang maglakad. May lumapit sa kanyang dalawang babae at inalok siya agad ng isang basong dugo. Napangiwi ako nang inumin niya iyon. Isa-isa silang naghiwa-hiwalay except kay Light na katabi ko at si Fire na patuloy sa paglalakad habang kami ni Light ay nakatigil na animo'y nagmamasid. "Manonoud na lang ba tayo dito?" Sambit ko. Mukhang natauhan naman si Light at hinila ako kung saan. "Paano si Fire? Hindi ba natin siya susundan?" "May importante pa siyang gagawin," ani Light at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sa deriksyong kinaroroonan ni Fire. Nakita ko siyang may kausap na babae. Kaidad ko lang ata pero mas matangkad siya ng konti. Nakaheels eh. Inangat nung babae ang leeg niya at pinakita iyon kay Fire. Ito ba ang ibig sabihin ni Light na importante? Tsk! Babae lang pala, akala ko kung ano na. Is he going to suck her blood? "Nagseselos ka ba?" "Huh? Sino? Ako? Hindi ah. Bakit ako magseselos? Hindi ko naman boyfriend si Fire. Wala akong dapat pagselosan. Walang attachments sa pagitan namin nuh." "Sabi mo eh. Defensive, ano? Umaattachment na rin. Kung makatingin ka kasi sakanila para muna silang pinapatay." "Hindi ah. Over thinking ka naman masyado eh, wala akong dapat pagselosan, okay? I have my duty to do here not to fall in love. Mahirap na." Defensive kong sabi kahit totoo naman. "Oo na. Si Jury iyan, slave ni Fire pagdating sa pag-inom niya ng dugo pero never ko pang natikman ang dugo niya. Nandidiri ako na ewan." "Ang arte nito. Gusto mong matikman ang dugo ko? Try lang naman. Hahaha, masarap o mapait?" "Walang mapait na dugo puwera na lang kung isa kang Valerian saka ang pagkasweet ng dugo ay may rank din pero naiiba sa lahat ang dugo ng isang tao. Nakakaadik sa sarap, ‘yong pakiramdam na para kang mababaliw kakahanap." "Kung ganun ay masarap ang dugo ko kumpara sa inyong mga bampira? Woah! Try mo daw inumin ang dugo ko," masiglang sabi ko. Natigilan siya sa paglalakad. "A-are you sure?" Utal niyang sabi na ikinatawa ko. "Tsk! Kapag nagbiro ka pa ng ganyan, hindi ako magdadalawang isip na inumin ang dugo mo." "Ayaw mo naman sigurong maanemic ako, diba?" Nakangusong sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Ayaw pero baka hindi ako makapagpigil. Humahalimuyak ang dugo mo sa sobrang bango," naglipbite siya na ikinatigil ko. Seryoso ba talaga siya? "Biro lang, hindi ako umiinom ng dugo kapag walang pahintulot, iinumin ko lang kapag alam kong willing ang tao o bampirang iyon na i donate ang kanyang dugo saka mapili ako pagdating sa pag-inom ng dugo." "Ahh, good boy si Light oh. So kapag pumayag akong i donate ang dugo ko sayo, iinumin mo talaga? Napangiti siya na parang ewan. Ewan ko ba kung nakangisi siya o ano. Ang hirap i explain ng ngiti niya. Nakakaloka! "Oo ata? Nandito na tayo." Napatingin ako sa harap ng pintuan, err? Ang bilis naman ata naming nakarating. Bumukas ang pinto at niluwal ang isang babae na duguan ang mukha, sira-sira rin ang salamin niya. Akmang hahawakan ko siya nang bigla niya akong itulak. Natumba ako sa sahig habang nakatingin sa tumatakbong babae. Inangat ko ang kamay ko. "D-dugo," bulong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa pinagdadaluyan ng dugo at agad na tumayo para sundan iyon. Natigilan ako pagkapasok ko sa loob ng room. Natigilan ang mga estudyanting nagkakagatan, nag-iinuman ng dugo at mga nagsisi-habulan. Ang mga mata nila na kanina ay normal ay naging mapupula. Napakurap-kurap ako nang may maghagis sa akin ng dart. Dumaplis iyon sa mukha ko pero tumama iyon sa kung saan. Sunod-sunod ang paglunok ko nang biglang may tumapik sa balikat ko. Mabuti na lang at hindi gaano kalakas. Nilingon ko kung sino iyon at pinandilatan. "Light, gusto mong mamatay?" Nginisian lang niya ako at dinilaan ang dugong dumaloy sa pisngi ko. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Sasampalin ko na sana siya nang may humila sa kanya. "Saved." Ngising sabi ni Light. Para naman siyang nakakita ng multo nang makita niya kung sino ang humila sa kanya. "Fire, i-ikaw pala." Walang emosyon siyang tiningnan ni Fire. Nagsibalikan naman sa kinauupuan ang mga estudyante na animo'y natakot sa presensiya ni Fire. For the second time, nagulat ako nang may maghagis na naman ng dart sa akin. Hindi iyon tumama sa akin pero may naramdaman akong presensiya mula sa likuran ko. "f**k!" Sino ‘yon? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD