Chapter 6
Tinapik ko sa balikat si Fire at kinindatan. Napatingin ako kay Jury na umuusok ang ilong dahil sa galit.
"Bleeh, ano ka ngayon? Nganga?"
Fire hissed kaya tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila Light. Inakbayan ko silang dalawan ni Thunder at lumingon sa likuran.
Nginitian ko na lang sila Rain, Storm, Cloud na taimtim na nakatingin sa akin. Ano kayang problema ng mga 'to?
"Aigoo! ang ggwapo niyo talaga." I said beaming at pinisil ang pisngi nilang dalawa.
May tumikhim sa likuran kaya napalingon ulit ako sa kanila.
"Sila lang ba? Paano naman kami?"
"Syempre, kasama kayo. Adonis kaya kayong lahat. Hindi lang adonis kundi warriors." I smiled widely.
Napakagat labi ako nang magmaktol ang tyan ko. I think, narinig nila ‘yon kasi nagtawanan sila.
"Ha-ha-ha."
Halatang pilit. Nakakahiya! Lamunin na sana ako ng kadiliman ngayon.
"Gutom ka na ba?"
"Oo, pakainin mo ako Fire. Hindi naman dugo-"
"I know, mamaya pagkatapos ng klase."
"Pero gutom na talaga ako."
Nagkunwari akong matutumba, mabuti na lang at nasalo niya ako. Nasapo ko ang noo ko at napasandal sa dibdib niya.
"A-are you all right?"
Umiling ako. Shems! Ang gwapo niya lalo kapag malapitan. Malapitan man o hindi, ang gwapo pa rin niya.
"C-can I drink your blood?"
Nakangising sambit ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin. Sumunod naman sila Light.
"Saan mo ako dadalhin?"
"Sa room." Mahinang sambit niya. Napanguso na lang ako. Gutom na talaga ako.
Lumingon ako kay Light at nagpapuppy eyes. Tinawanan lang nila ako kaya mas lalo akong napanguso.
"Light, ikaw na lang magpakain sa akin."
"Wala akong magagawa," he mouthed to me.
"I hate you, all of you." I pointed out to them at saka sila inirapan.
Nakakatampo silang lahat. Ayaw ba nila akong pakainin? Ganito ba ang trato nila sa dyosa? Baka mamayat ako nito.
"Hindi ka mamayat, trust me."
"Ugh! Stop reading my mind, you gorgeous creature." Sabi ko at pinulupot ang kamay sa leeg niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Matutulog, inaantok na ako. Mag-aaral ba talaga tayo? O tutunganga lang sa room? Ayoko doon, nakakatakot."
Pumantay sa kanya si Cloud sa paglalakad. Anong balak ng nilalang na 'to?
"Masasanay ka rin, Eve. Saka kasama mo naman kami eh. Pprotektahan ka namin." Cloud said as he patted my head. Mabuti at hindi umalog ang utak ko.
"Alam ko pero kung makapatted ka naman sa ulo eh. Ano ako bata? Mahal ata hair salon ko diyan sa buhok ko." I rolled my eyes as I poked his flanker with twist.
"A-aray naman, Eve. Sorry na. Malay ko bang naka hair salon ‘yang buhok mo." Sabi niya at pinat ang balikat ko.
Nginitian ko siya ng bonggang-bongga at pinandilatan. Nagtago naman kaagad siya sa likuran ni Fire.
"Peace yow!"
"Yow! Yow mo face mo! Tadyakan kita diyan eh."
"Hahaha, harsh niya sa akin. Ikaw ba Light?"
"Hmm, hindi naman." Tugon ni Light at tumingin sa akin.
"Tinitingin-tingin mo? Gusto mo rin matadyakan? Ay! Wag ng tadyak, para lang ‘yon kay Cloud. Sapak na lang sayo, Light. Payag ka?"
"Sure. May kapalit nga lang."
"Ano naman?"
"Kiss?"
"Kiskissin mo mukha mo sa pader. Shut up na kayo! I'm sleepy." Singhal ko sa kanila at sumiksik sa dibdib ni Fire na tahimik lang sa paglalakad.
Ano kaya ang problema ng apoy na 'to? Ang tahimik eh. Ayaw na atang magsalita, panisan ng laway? Ganun?
"Bakit ang tahimik mo?" Mahinang-mahinang bulong ko sa kanya.
"Ang gaan mo," aniya. Anak ng pating naman oh! Iba ang sinagot sa tanong ko. "Tahimik ako dahil tahimik ako." Saad niya at sinulyapan ako. Okay? Para saan ang ngiti niyang ‘yon?
"Ewan ko sayo." Pinitik ko nga sa noo.
Nakakabinging katahimikan ang bumulot sa amin habang naglalakad. Ramdam ko rin ang tingin sa akin ng mga estudyante na nalalagpasan namin.
"Sikat ba kayo sa school na 'to?"
"Yeah," tipid niyang sagot. Upakan ko 'to eh.
"Bakit ang palaban mo?"
"Tinatanong pa ba ‘yan? Palaban ako kasi palaban ako. Pak ganern! Shut up! Hindi ako makatulog dito. Malayo pa ba tayo sa room?"
"Nandito na tayo, kanina pa."
Anong sunod niyang ginawa? Pabasag niya akong nilapag sa upuan kaya nahulog ako sa sahig. Tiningnan lang niya ako na parang kinakawawa. Cursed him to death!
"Salamat huh? Thank you very very much." Sarkastikong sambit ko.
Someone offer his hand kaya inabot ko ‘yon without looking at. Tumayo ako at pinagpag ang uniform.
"Thank-"
"You're welcome," sagot niya agad at naglaho na parang bula. Sino ‘yon?
Napatingin ako sa paligid pero parang walang nakapansin sa presensiya niya. Ako lang ba?
Naupo akong naguguluhan. Sino ang nilalang na ‘yon? Kilala kaya niya ako? Napakamysteryuso niyang tumitig sa mga mata ko na para bang may ipinapahiwatig. Is he hypnotizing me that time?
"Are you okay?" Tanong ni Light mula sa likuran ko.
"Ah, oo. I'm fine, pretty fine." Tugon ko at napatingin kay Fire. Alam kaya niya?
Hindi ko na lang siya pinansin at napasubsob sa arm chair ko. Nakasilip lang ako sa kanya hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko.
-
Naramdaman ko na naman ang pagmamaktol ng tyan ko kaya nagising ako. Nakatulog pala ako. Sabay kong minulat ako mga mata ko at napatingala.
"F-fire?"
Err? Nakahiga ako sa lap niya habang pinaglalaruan naman niya ang ilang hibla sa buhok ko.
"Ssshh, malapit na 'to. Matulog ka na muna."
"Okay! Get one half sheet of paper and discuss the coexistence of human and vampire noong mga kapanahunan ng mga Knight."
"Alam ko ‘yan. Knight? Hindi ba ‘yan ‘yong vampire knight na anime?"
"Hindi."
"Ay! Sige, ikaw na lang."
"K. Just sleep, ako na bahala sa quiz mo."
"Thank you. Muah!" Umidlip ako saglit pero nakasilip naman sa kanya.
Ang kyut ng ilong niya. Naiiba, black handsome pa tapos mapaangkit ang mga mata. I really adore him na talaga.
"Alam kong hindi ka tulog, stop staring. You're embarrassing me."
"Ay! Grabe naman ata ‘yon. Bakit? Matutunaw ka ba kapag tinitigan kita ng matagal? Isn't it feel cool? Magpacool ka naman diyan, hindi ‘yong hot ka palagi." Napaechoos na lang ako sa isipan ko.
Tumingin siya sa akin na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko. Tama naman, diba? Ang hot kaya niya.
"Double meaning? I'm hot and cool. And no one can resist my charm except YOU!"
Ay! So naresist ko ang charm niya? Wow naman! Shut up na lang muna ako as of now.
"Hangin mo rin, ano? Sapak you want?"
"Halik you want?" Sabat ni Light kaya nilukmos ko ang mukha niya.
"Ouch! You ruined my pretty face. Ginamit mo pa talaga ang madumi mong kamay. Yucks!"
"Yucks mo mukha mo. Palagi kaya akong naka-alcohol. Not like your dirty hands. Eww! So gross!" Maarting sambit ko as I rolled my eyes.
"Pass your paper. One, two, three, four, five. Okay, Eve and Fire got the higher score."
Woah! Nacheck agad niya? Kabibilang lang niya lang kanina ah. What the hell is that? Pabilisan? Nakakaloka.
"Woah! Natutulog tapos nagkahighest grade? Kudos!" Nakangising sambit ni Rain.
"Shut up!" Singhal ko sa kanya.
"Okay! Class dismissed. Don't forget your assignments. I'll collect that on time. Ang hindi makapasa, ipapakain ko sa mga suckers." Sabi ni prof. at nagteleported.
Ang unfair naman ata nun, sila puweding magteleported pero ang mga estudyante, hindi.
"Are you still hungry?"
"Yeah. Super! Papakainin muna ako? Yey!"
"Not yet, may pupuntahan pa tayo."
"Fire naman eh. Pakainin mo muna ako bago tayo pumunta sa lugar na ‘yon, please?"
"No!"
"Fire naman eh. Kantahan kita ng Fire~ ohh. Fire naman, please?"
Natawa sila Light pero natahimik din, ikaw ba naman ang titigan ng ganun. Creepy stares can kill them.
Kumapit ako sa braso ni Fire at itinodo ang pagpapuppy eyes. Tingnan na lang natin kung kaya niyang iresist ang charm ko. Aba! Makamandag ata ang puppy eyes ko.
"Someone is following you kaya kailangan nating pumunta sa lugar na 'yon on time."
"Sino?"
To be continued...