Chapter 7

1331 Words
Chapter 7 Walang emosyon siyang nakatitig sa akin na para bang sinusuri ang pretty face ko. "Is my beauty hypnotizing you, Fire Devonshire?" "Follow me," he commanded. Should I follow his order? Anyway, nice talking! "Eve!" Singhal niya. "Oo na, after nito pakainin muna ako ah?" "Ano bang sabi ko kanina?" Nginitian ko na lang siya at nakisabay sa paglalakad. Tumigil ako sandali at nilingon sila Light na prenting nakaupo lang sa kani-kanilang silya. "What?" Taas kilay na tanong ni Light. Parang babae lang eh. Ang sarap sapakin, up and down! "Hindi kayo sasama? Hahayaan niyo akong mag-isa doon kasama si Fire? Baka sunugin niya ako." "Hindi ‘yan. Saka sacred ang pupuntahan niyong lugar, si Fire lang puwede doon." "Kaloka naman-" "Ang ingay mo," malamig na saad ni Fire mula sa likuran ko at hinila ako. "Light, Lightsaver! Help me! Fire is going to burn burn me," nakapout kong sabi at natawa. "Hahaha!" Tawa nila ‘yan. Hinayaan ko na lang si Fire na hilain ako palabas ng campus. "Problema mo apoy ka? Kanina ka pa sa room ah. Binagsak muna nga ako sa sahig kanina tapos ngayon naman hinihila? ‘yong totoo, gusto mo bang hatiin ang katawan ko? Sabihin mo lang at gagawin ko." Pero syempre, biro lang. "Shut up," mahinahong sabi niya pero may tense. Nakakapangilabot talaga 'tong si Fire kapag nagsasalita. "Bitaw na." Binitawan naman agad niya ang kamay ko. Napakapit ako ng mahigpit sa braso niya nang nasa kalagitaan na kami ng gubat. "Dito ba talaga tayo dadaan? Hindi kaya tayo mapahamak dito?" "Hold my hand." Saad niya kaya sinunod ko. "Close your eyes," dagdag niya. I closed my eyes as he told me. Mabilis niya akong naisampa sa likod niya kasabay ng pagtakbo niya ng mabilis. Naramdaman kong may nakasunod sa amin na animo'y nakikipag-unahan. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg ni Fire. "s**t! Kumapit ka ng mabuti. Hindi tayo titigilan ng sucker na ‘yan hangga't hindi ka niya nakukuha." Saad niya dahilan para mapadilat ako. "Ako a-ang pakay niya?" Hindi siya sumagot. Silence means yes. Tiningnan ko ang aninong nakasunod sa amin. Akmang hahablotin niya ang paa ko nang mas bilisan pa ni Fire ang pagtakbo. "I'll protect you no matter what happened, wag kang lumingon, wag kang tumingin sa baba. Just keep your eye on me. Wag na wag kang titingin." Napapikit ako ng mariin at dinama ang hangin na humahampas sa mukha ko. Napangiwi ako nang maramdaman kong may humiwa sa balikat ko. Hinayaan ko na lang ‘yon at hindi na muling dumilat pa. Follow his order or else katapusan ko na. "Eve? A-ayos ka lang ba diyan? May sugat ka ba?" "Focus! Don't get distracted." Aish! Bakit ba kasi ang talas ng pang-amoy ng bampira pagdating sa dugo? Baka maabutan kami nito eh. "Your blood is my weakness, Eve. Let me drink your blood." Hindi ako nagdalawang isip na itapat sa kanya ang pulsuhan ko habang patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi ko alam na kahinaan pala niya ang dugo ko. Ngayon ko lang nalaman. "Drink my blood. I can manage," saad ko. Alam kong nanghihina siya dahil sa amoy ng dugo ko. Kung bakit pa kasi nagkasugat ako. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit nang maramdaman ko ang pangil niyang bumaon sa pulsuhan ko. Sinisip niya ang dugo na animo'y uhaw na uhaw. I can still manage pero nang tumagal, nanghina ako. "Drink m-more. I can still manage." Nanghihinang sambit ko sa kanya. Dumilat ako at naaninag ang mga nag-aapoy'ng kahoy sa paligid. "F-fire." Mahinang bulong ko. I feel thirsty. Humalik ako sa leeg niya kaya napatigil siya. "I'm sorry." "It's okay. Are you okay now?" "Y-yes." Napahiga ako sa balikat niya. Napatingin siya sa akin habang pinupunasan ang kanyang bibig. "Masarap ba ang dugo ko?" Mahinang tanong ko. Tumango siya kaya napangiti ako. Napapikit ako dahil sa sobrang panghihina. "I'm really sorry." "Tama na ang kakasorry. It's my decision. Basta pakainin mo lang ako eveyday, ayos na. Suck my blood whenever you want." Nakapikit kong sabi. "Silly," rinig kong sambit niya bago ako makatulog. - Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng dalawang boses na nag-uusap. Bumangon ako at kinuskos ang mata. Umupo ako at inayos ang magulo kong buhok. "Hindi sucker ang nakasunod sa inyo kanina kundi isang Valerian, not the ordinary but the leader." "Paano mo nalaman?" "Nakikita sa bilog na malaking batong ‘yan." "Louie." Bulong ni Fire habang nakatingin sa bilog na bagay na parang salamin. "Gising na siya." Lumapit kaagad sa akin si Fire at niyakap. Napatingin naman ako sa lalaking nanonoud sa amin na nakangisi. Tinaasan ko nga ng kilay. Kung makangisi kasi eh. Pumula ang mga mata niya nang mapatingin siya sa braso kong may dugo. Nag-iwas agad siya nang tingin nang makita niya ang kagat sa pulsuhan ko. "Ayos ka lang ba?" "Uh, oo. Medyo nanghihina pero magiging okay rin. Don't worry." Saad ko at sumandal sa balikat niya. Inangat ko ang pulsuhan ko at hinaplos ang kinagatan niya. Masakit pala kapag nakakagat, mabuti na lang at hindi sa leeg. "Masakit ba?" "Hindi. Mahapdi na ewan. Wag mo na lang pansinin. I'm fine. Okay?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at deritsong tumingin sa mga mata ko. Ganun ba siya kung mag-alala? Ang lungkot ng mga mata niya. Hinawakan niya ang magkabigla kong balikat at muling niyakap. "Fire, ito na ang hinihingi mo. Make sure na hindi niya ‘yan huhubarin." Tumayo si Fire at inabot ang hawak nung lalaki. Teka, sino ba ang lalaking 'to? "Lee is the name. Wag mong huhubarin ang amulet. That will serve as your protection. Magiging invisible ‘yan kapag nasout muna." "Amulet? Oh, I see. Teka, alam mong tao ako?" "Yes, and you're destined to be a keeper. And makes sure not to fall in love." Napatingin sa akin si Fire pero nag-iwas din agad ng tingin. What was that for? "Isout muna sa kanya." Lumapit sa akin si Fire at isinout sa akin ang Amulet. Agad na nawala ‘yon nang tuluyan niyang maisout sa leeg ko. "Sa paglabas niyo sa mansyon, may makikita kayong resto. Pagmamay-ari ng mga oracle." Sabi niya. Ngayon ko lang napansin na nasa magarbong kuwarto pala kami. Parang bahay ng mortal. Mansyon nga! "Resto? May restong nag-eexist dito?" Manghang tanong ko. Imposible naging posible. "Meron. Marami pa akong gagawin, maiwan ko muna kayo. Closed the door if you want to go out, dito muna kayo magpalipas ng gabi." Aniya at lumabas. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit kay Fire na mukhang malalim ang iniisip. Mahina ko siyang tinapik sa balikat kaya napalingon siya sa akin. "Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Tungkol ba ‘yan sa nangyari kanina?" "Hindi. Let's eat. Alam kong kanina ka pa gutom," malamig niyang sambit at hinila ako palabas ng kuwarto. Okay! Nice talking. Balik sa dati na naman. Magkahawak ang kamay naming dalawa ni Fire nang lumabas kami sa mansyon. As what Lee said earlier, may nakita kaagad kaming resto pero kaunti lang ang kumakain. "High class ang resto." Bulong ko sa aking sarili. Pumasok kami at naupo. Mabuti na lang at katabi ng bintana. Magandang pagmasdan ang labas ng resto, nakakawalang stress. "Mag-oorder lang ako." "Kk. Damihan mo ah?" "Tsk! Okay." Nagulat ako nang may lumapit sa aking bata, I think she is five years old. Color reddish ang buhok tapos ang red ng mata. Napaatras ako bahagya nang ipakita niya sa akin ang pangil niya. "Ate, magiging bampira ka rin katulad namin." Alam niyang tao ako? Hindi puwede 'to. Napatingin ako sa babaing humila sa bata. If I'm not mistaken, siya ang ina nitong bata. "Pagpasensiyahan muna ang aking anak. Sadyang makulit lang talaga. Paumanhin binibini." Saad niya. Nahagip ng paningin ko ang pag-ngisi niya mula sa kanyang labi. Creepy yet dangerous. May binabalak ba siyang masama sa akin? Pagtatangkaan din ba niya buhay ko katulad ng ginawa sa akin ng mga Valerian? "Hide and seek." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD