Maxine Avila’s POV “Diyos ko! Anong nangyayari!?” Narinig ko pang sigaw ng isang staff ng production team. Naramdaman ko na lang ang paghapit ni Clifford sa katawan ko dahil mukhang nagkaroon ng gulo at nang ilibot ko nang tingin ang paligid ay doon ko lang nanpansin na may gulong nangyayari at may dalawang lalaki na nagbubuno dito pa malapit sa amin kung saan nakatayo ang mga cameraman. “Awatin niyo sila!” Narinig ko pa na sigaw ni direk. Bakas sa mukha ng direktor ang pag-aalala lalo na nang nasagi ng dalawang nagrarambulan na lalaki ang cameraman. “My goodness!” Ako tuloy ang napatili dahil kitang kita ng mata ko kung paano natumba ang malaking camera sa may harap namin. May isang camera pa na nasa isang malaking tripod na bumagsak at nakita kong nabasag ang lens no’n. Napahawak

