Maxine Avila’s POV “Uhmm…” bahagya kong ungol nang naalimpungatan ako. Marahan kong minulat ang mga mata at agad napabalikwas ako nang bangon dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan ako. “My God! Lorenzo Calderon!” sa isip ko ay napapasigaw ako dahil biglang bumalik sa akin ang eksena at naalala ko bago ako nakatulog at ngayonay narito sa lugar na hindi ko alam. They kidnapped me! Silang mag-aama. “Ang mga walanghiya!” Malakas na sambit ko habang nasa loob ng isang kwarto na halos kasing laki ng kwarto sa sarili kong bahay. Nilibot ko ang paligid at halos walang gamit dito sa loob. Itong kama lang na saksakan ng lambot. May aircon naman kaya hindi ako pawisan dahil bukas iyon. At merong sofa na naroon sa may sulok… bukod doon ay wala na. Hindi naman mukhang bodega itong pin

