Maxine Avila’s POV Patawarin? Gano’n na lang ‘yun? Kalimutan ko ‘yung pagtataksil niya? Alam kong tao lang ako at ang Diyos nga ay nagpapatawad… ako pa? Pero sa ngayon ay hindi ko pa talaga kaya na patawarin si Enzo sa ginawa nito kahit lumuhod pa siya sa harap ko. “Pwede ba, Lorenzo! Tumayo ka na d’yan dahil hindi pa kitang kayang patawarin.” Singhal ko. Oo na! Matigas na ang puso ko kung matigas. Ganito siguro kapag nasaktan lalo na at sobrang nagtiwala ako. Ang hirap magbigay ng second chance kahit sabihin pa na deserving ito. “No, Maxine. I love you!” “Dad!?” Bigla naman akong napalingon nang narinig ang boses ni Ethan. Naka-awang pa kasi ang pinto pa at kitang kita nito ang pagluhod ng daddy nito sa akin. Agad ako nitong nilagpasan at dinaluhan si Enzo. “Dad, stand up, please

