Maxine Avila’s POV “Lorenzo!” Anas ko. Mas nanginig yata ako dahil kasabay ng pagdiin ni Enzo nang katawan nito sa akin ay may naramdaman akong matigas na bagay sa may pantalon nito. Diyos ko! It’s been two years mula nang may madikit sa katawan ko nang ganito. Hindi ko alam kung bakit biglang parang dinaluyan ng kuryente ang katawan ko sa pagkakalapit ng mga katawan namin ni Enzo. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na parang siya lang ang hinahanap ng katawan ko. Hindi ko pa maialis ang tingin sa gwapong mukha ni Enzo. Shocks! Kaninang tinitingnan ko ito nang bagong dating dito sa restaurant ay napanganga na ako dahil sa gwapo nito. Pero ngayon na gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin ay bakit parang ang gwapo gwapo lalo nito. Sa mata pa lang ako ngayon nakatin

