bc

When the Stars Align

book_age18+
106
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
revenge
HE
friends to lovers
powerful
heir/heiress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"You're so cruel!" Punong-puno ng galit na sinabi niya dito habang pilit na pinipigilan ang sarili na mag breakdown sa harapan nito.

"You're family turned me into this...so deal with it! Ikaw ang magdusa sa lahat ng kasalanan ng pamilya mo.Pagbabayaran mo ang bawat paghihirap na pinagdaanan ko sa kamay nila!"

"Maawa ka Tristan... itigil mo na ito!"

"Beg..." He replied coldly. As if he's mocking her. "You're not going to leave me! Stop trying!"

Wala na siyang nagawa ng muli siya nitong posasan sa kama at iwanan mag-isa sa loob ng kwarto habang umiiyak.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nanginginig ang hita niya habang tinitingnan ang mga kasamahang babae na nagsasayaw sa saliw ng malamyos na musika. Lima silang nasa backstage kasama ang ilan pang mga babae na katulad niya'y nakasuot ng maskara. Sila na ang susunod na sasalang sa stage ngunit hindi para magsayaw kundi para i-auction. Natagpuan niya ang sariling nasa loob ng isang exclusive bar sa Makati matapos niyang umu-o sa paniningil na ginawa ng taong tumulong sa kanya. Paniningil dahil nagising siyang walang ala-ala. Kahit ang pangalan niya ay hindi niya alam o ang tunay na pinagmulan. Si Mamang Sasha ang tumulong sa kanya. Maging ang hospital bill niya ay binayaran nito. Natagpuan daw siya nitong nag-aagaw buhay sa kalsada kaya nagmagandang-loob ito na tulungan siya. Ang masaklap ay nanghihingi na ito ngayon ng kapalit. At ang kapalit na hinihingi nito ang dahilan kung bakit siya nasa loob ng bar na iyon habang halos wala ng suot. "Galingan ninyo mamaya. Kailangan na mataas ang maging bid sa inyo." Si Mamang Sasha, pumipilantik pa ang kamay nito sa pagbibilang ng libuhin habang ngumunguya ng bubble gum. Agad na sumagot ang kanyang mga kasama ng oo samantalang siya ay kulang na lang na hablutin ang kurtinang malapit para ibalot sa kanyang katawan. "Mamang, hindi po ba pwedeng sa ibang paraan ko kayo bayaran?" Nakatungong tanong niya sa babae pagkalapit dito. Hinawakan nito ang panga niya para makasalubong ang mata nito. "H'wag kang tanga Jesusa. Ito na ang pinakamadaling paraan para makabayad ka. Jusko, kapag ninais mong mangatulong, baka sampung taon bago ka makabayad sa akin." Pairap na sinabi nito. "Pero Mamang, gagawin ko naman po ang best ko. Promise. H'wag lang pong ganito." "Maganda ka Jesusa, pero tanga ka! Gamitin mo yang ganda mo. Sa panahon ngayon, wala ng lugar ang pride. Pera ang kailangan nating pareho kaya umayos ka!" Sagot nito na may pagbabanta. Napabuntong-hininga siya ng umalis ang babae. Jesusa? Maging ang pangalan niya ay ito lang ang nagbigay.Hindi kanya iyon, pero kahit anong isip ang gawin niya para maalala ang dati niyang buhay. Sumasakit lang ng husto ang ulo niya. "Break a leg, girls!" Narinig niyang sinabi ng mga babaeng katatapos lang sumayaw. Tila gustong bumaliktad ng sikmura niya.Mamamatay yata siya sa hiya sa oras na lumabas siya mamaya. Siya ang pang finale. Hindi niya alam kung bakit pero ang sabi ng isang kasama niya ay ganoon daw talaga tuwing bagong mukha. Isasalang para mas malaki ang bid. Narinig niya ang isa-isang pagtawag sa kanyang mga kasamahan.Ang bawat pagtawad ng mga lalaki sa mga ito para maiuwi. Nagulat pa siya dahil may isa sa mga itong nakuha sa halagang isang daang libo. Mayayaman nga ang nandito para bumayad ng ganoon kalaki para sa babae. Iniimagine pa lang niya kung gaano niya katagal kikitain ang ganoon kapag bumalik na siya sa pagiging waitress ay sumasakit na ang ulo niya. "For our finale. Ladies and Gentlemen, Let us welcome, our newly acquired virgin. Jesusa Encarnacion." Mabagal na lumabas siya ng backstage. Sinalubong siya ng maliwanag na ilaw mula sa harapan. Mabuti na lang at nakatulong ang maskara na kanyang suot. Ang payo sa kanila ay h'wag iyong tatanggalin hangga't hindi iniuutos ng host. Mas mananabik daw kasi ang mga lalaking itaas ang bid habang mas nagiging misteryoso ang mukha ng nasa likod ng maskara. "Our bid starts at one-hundred thousand." Nanlaki ang mata niya sa likod ng maskara dahil sa narinig. Isang daang libo ang pinakamataas na bid kanina pero sa kanya ay iyon pa lang ang panimula. "Two-hundred thousand." Narinig niyang sinabi ng isang lalaking pinapalibutan ng maraming bodyguard. Puno ng gintong alahas ang katawan nito. Maging ang ngipin ay may ginto kaya napangiwi siya. Ipinapanalangin na lang niyang sana ay hindi naman bad breath ang makabili sa kanya. Baka kahit ang makausap ito ay sukuan niya kung sakali. "Two hundred thousand, going once, going twice!" "Five-hundred thousand." Napalingon siya sa baritonong boses na nagmumula sa likod ng bar. Medyo madilim sa parteng iyon kaya hindi niya makita ang mukha ng nagsalita. Kalahating milyon? Ang mahal naman pala ng perlas ng silanganan niya kung ganon. "Kagaya ng nakasanayan. Ire-reveal na natin ang mukha ng ating star ngayong gabi para mas maging exciting ang ating laro." Nagsigawan ang mga nandoon habang siya ay hindi na mapakali. Tila maiihi na siya sa kaba sa kanyang pwesto. Hindi niya lubos maisip na malalagay siya sa ganito kaalanganing sitwasyon. "Tanggalin na yan!" "Tanggalin na yan!" "Tanggalin na yan!" Paulit-ulit na sigawan ng lahat habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang maskara. Bahagya siyang yumuko pagkatapos ay pinalipad ang mahaba at wavy niyang buhok na halos umabot sa kanyang bewang kasabay ng pagtanggal ng kanyang maskara. Itinuro iyon sa kanila during rehearsals. Kailangan ay magmukha silang kaakit-akit sa unang bungad sa mga kalalakihan. Ngumiti siya ng matamis sa lahat kahit sa loob niya'y tila maiihi na siya. Compose yourself Jesusa. Tandaan mo na ito lang ang paraan para makabayad ka na ng utang.Isang gabi lang to. "Ngayong nakita ninyo na ang mukha ng ating star ngayong gabi. Muli nating itataas ang bid. Our bid starts now at 1 million pesos." Sigaw ng host na halos makapag-laglag ng panga niya. 1 million Jesusa. Bukod sa makakabayad na siya ng utang ay may 5 percent siyang komisyon doon. Iyon ang usapan nila ni Mamang Sasha kaya pumayag na din siya. Magagamit na niya iyon sa paghahanap ng bagong matutuluyan para hindi na niya kailangang magtyaga na matulog sa bakanteng kwarto ng bar kung saan dinig na dinig niya ang bawat nagmimilagro ng mga pumapasok doon. "Five Million pesos." Muling hirit ng lalaking may gintong ngipin.Kahit naman iniisip niya ang magiging komisyon niya ay parang hindi niya matatanggap kung ang lalaking iyon ang sisipingan niya ngayong gabi. Hindi man siya sigurado kung may nakasiping na siya noon bago pa siya mawalan ng ala-ala ay maingat naman siya sa katawan. Kahit madaming may gustong i-table siya ay hindi siya pumapayag dahil waitress lang naman siya noong pinagsimula ni Mamang Sasha. Isa pa ay choosy din siya, hindi siya sang-ayon sa madaling pamumuhay. Kung hindi lang siya ginipit ng among babae ay hindi sana siya papayag. "7 Million." Dinig niyang tawad ng nasa gilid. "7 million...going once..going-" "20 Million." Putol ng malamig na boses na narinig na niya kanina. Nakita niya ang saya ng host sa narinig gayundin ang laglag-panga ng mga naroon. "Going once....going twice..." Muling hirit ng host ngunit wala ng sumagot. Siya naman ay natulala lang sa narinig. Tumingin siya ng diretso sa madilim na parte ng bar ngunit hindi niya ito makita kahit anong gawin niya. "Sold for 20 Million Pesos." Bakas sa boses ng host ang saya sa perang na-auction para sa kanya."You can claim your price Mr.-" Lumabas mula sa dilim ang isang napakagwapong lalaki. Matangkad ito at mayroong napakalamig na mga mata na diretsong nakatingin sa kanya. He looks like a Greek god who just came down from Mt. Olympus. Perpekto ang mukha nito pwera nalang sa matalim nitong paraan ng pagtingin sa kanya. "Tristan Monteguado." Malamig na sinabi nito sa host. "Congratulations, Mr.Monteguado.You can now claim your prize." Umakyat sa stage ang nagpakilalang Tristan. Siya naman ay tila nabato sa kanyang pwesto. Hirap siyang makabawi mula sa pag-aadmire ng gwapong kabuuan nito. Nagulat pa siya ng biglang kabigin ng lalaki. Napasandal siya sa malapad at matigas na dibdib nito. Dinig niya ang hiyawan sa paligid dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya ngunit hindi ito tumigil sa ginawa bagkus ay yumuko ito kaya bahagya siyang napapapikit dahil ang akala niya ay hahalikan siya ng lalaki. To her dismay, bumulong lang ang lalaki sa kanya ng salitang hindi niya maintindihan kung para saan. "Liar!" May diin at punong-puno ng lamig na bulong nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook