"Susunduin kita mamaya.Tatawagan kita kapag nasa labas na ako." Abot-tenga ang ngiti niya sa text ni Tristan. Their relationship is going smoothly. Wala man silang label pero pakiramdam naman niya ay girlfriend siya kung ituring ng lalaki. Hindi ito pumalya sa paghatid-sundo sa kanya sa campus at halos sa kwarto na siya nito natutulog tuwing gabi. Minsan nga lang ay nahihiya siya sa mayordoma kaya sa kwarto niya pa din siya natutulog, yun nga lang nagigising siyang nandoon na din ang binata sa tabi niya.
Nakikita niya ang malaking pagbabago nito. He treats her differently-- simula ng gabing mangako ito sa kanya ay mas naging malapit sila ng binata. Sa bahay ay hindi na siya halos pakilusin nito, minsan ay ito na mismo ang nag-aasikaso para sa kanilang dalawa kaya nagtatago siya tuwing makikita sila ng mayordoma. Wala naman itong sinasabi tungkol sa kanilang relasyon kaya kampante pa din siya.
"Jess..." Napalingon siya ng tawagin ni Noah. Katatapos lang ng huling klase niya kaya tinitingnan na niya ang cellphone kung may chat or tawag na doon si Tristan.
"P-Pwede ba kitang anyayahan na mag-dinner." Kumakamot sa ulo na tanong nito.
"Huh? Bakit?" She curiously asked. "I mean may okasyon ba?" Bawi niya ng makita ang pagkapahiya ng lalaki. Hindi naman niya intensyon na saktan ito. Tama nga si Chloe at Stacey, after the pageant ay nagparamdam sa kanya ang lalaki. Palagi itong nagpepresinta na ihatid siya bagay na palagi niyang tinatanggihan dahil sinusundo siya ni Tristan at ayaw niyang magpang-abot pa ang dalawa.
"Birthday ko kasi. Dinner lang naman, nasabi ko na kila Chloe."
Hindi na siya nakasagot dahil biglang tumawag na si Tristan sa cellphone niya. Nag-excuse lang siya saglit kay Noah bago bahagyang lumayo dito para sagutin ang lalaki.
"Hello!" Masiglang bati niya dito.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki sa kabilang linya.
"Sweetheart, pasensya ka na pero baka hindi kita masundo ngayon. I'm sorry, nagkaproblema lang dito sa opisina kaya inaayos ko pa."
"No. It's fine, Tristan.May t-tricycle naman kaya makakauwi ako mamaya."
"I'm really sorry.Ipapasundo kita kay Joseph." Malungkot pa din na sinabi ng lalaki kaya bahagya siyang natawa.
"Hindi na. Actually magpapaalam sana ako. Nag-aaya kasi sa dinner kila Chloe kaya baka maya-maya pa din ako makauwi." Nakalabing sinabi niya dito. Hindi na niya sinabing birthday ni Noah dahil baka maghurumentado pa ito. She is biting her lips from tension. Sana naman ay payagan siya ng lalaki.
"It's fine, sweetheart. Enjoy. I'll see you at home. I miss you."
"I miss you too." Nakangiting tugon niya sa lalaki. She started to become vocal towards her feelings. Kahit alam niyang sugal ang lahat ay itataya na niya maging ang sarili para sa lalaki.
"Take care, sweetheart. Gusto ko sa kwarto ko ikaw matutulog mamaya." Naglalambing pang pahabol nito kaya mas bumilis ang t***k ng puso niya.
"Hmm..." Lumingon muna siya sa paligid. Wala na halos ang iba niyang mga kaklase dahil nakalabas na ang mga ito.
"G-Gusto mo ba na suotin ko yung nighties..." Mahinang bulong niya sa lalaki.
She heard him groan.
"You're such a tease, mamaya ka!" Banta nito ngunit mahina lang siyang tumawa.
"Sige na. Mag-iingat ka diyan. Uuwi na din ako maya-maya. Bye." Paalam niya dito bago tuluyang patayin ang cellphone.
Nang balikan niya si Noah ay bakas ang lungkot sa mukha nito.
"I'm free. Masayang inform niya sa lalaki. Happy birthday nga pala!"
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yep. Nasan na nga pala kila Chloe?"
"Mauna na daw tayo, susunod na lang daw sila sa restaurant." Hindi kasi pumasok ang tatlo dahil may inasikaso ata ang mga ito.
"Sige."
Sa motor ni Noah sila sumakay. Sa restaurant pala na tinutukoy nitong pwede siya magpart-time ito magce-celebrate. Speaking of part-time, medyo nawala na sa isip niya iyon pero ayaw niyang ilet-go ang chance. Kaya ng sabihin niya kay Noah ay sinabi nitong kakausapin nila ngayong gabi ang may-ari.
"Table for two, ma'am and sir?" Tanong ng waiter na sumalubong sa kanila.
"Reservation. Noah Borromeo."
"This way sir." Iginiya sila ng waiter sa isang table sa malawak na parte ng restaurant. Sa harap noon ay ang may bandang tumutugtog.
Ilang minuto lang silang naghintay bago dumating ang tatlo. Tuwang-tuwa pa ang mga ito habang tinutukso sila na isinabit lang daw nila ang mga ito sa kanilang lakad. Hindi niya magawang sabihin sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Tristan. Alam nila na may girlfriend ang lalaki at kung sakaling malaman ng mga ito na may something sa kanila ay baka mag-iba ang tingin nito sa kanya lalo pa at hindi naman nila alam na wala talagang relasyon si Tristan at ang doktora.
Bukod sa tatlo ay may dumating din na tatlong barkada si Noah. Ka-block din nila ang mga ito kaya kakilala nila Chloe. Wala namang problema sa kanya iyon dahil birthday naman ng lalaki at imbitado lamang siya.
"Kantahan mo naman si Noah, Jess. Pagbigyan mo na, birthday naman."
"Oo nga naman. Pagbigyan mo na itong bata namin. Minsan lang ito mag-birthday."
Panunukso ng mga kasama nila sa table kasama na ang tatlo niyang barkada. Napatingin siya sa lalaki, he seems hopeful that she will say yes.Tumayo nalang siya kaya nagpalakpakan pa ang mga ito. Pasasalamat na lang din niya dahil sa pag-imbita nito at syempre ay pa-birthday dahil wala manlang siyang inihandang regalo.
Kinausap ni Noah ang may-ari kaya ngayon ay nasa stage na siya. Nagchi-cheer ang mga tao sa harap pero bahagya siyang kinakabahan.
Pinili niya ang kantang "All of me" by John Legend.
Para maiwasan ang tensyon ay pumikit siya ng bahagya habang nagsisimula ang kanta.
What would I do without your smart mouth?
Drawin' me in and you kickin' me out
You've got my head spinnin', no kiddin'
I can't pin you down
What's goin' on in that beautiful mind?
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me
But I'll be alright
My head's under water, but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind.
Naririnig niya ang hiyawan ng mga kaibigan sa harap kaya nagpatuloy siya sa pagkanta.
'Cause all of me
Loves all of you
Sa muli niyang pagdilat ay nakita niya ang mga taong nasa harap. Sumasabay ang mga ito sa kanyang pagkanta lalo na ang mga kasamahan sa table.
Gayon na lang ang gulat niya ng makita si Tristan na matiim na nakatitig sa kanya, kapapasok lang nito, sa likod ay mga kasamahan nito na nakasuot din ng pormal na tila naligaw lamang sa lugar.