Chapter 28

2029 Words
Bakas sa mata ni Noah ang paghanga ng makita siya nitong lumabas sa silid na nakalaan para sa kanya. Nakasuot siya ng pulang cover-up na tumatakip sa puti niyang swimsuit. Ang lalaki naman ay nakasuot ng puting pants at nakahubad sa pang-itaas. Umakto siya ng normal sa harap ng lalaki kahit sa loob ay nararamdaman pa din niya ang bakas ng ginawa ni Tristan sa kanyang katawan kanina lamang. "We're up next. Are you ready?" Tumango lang siya sa lalaki. Inihahanda na ang sarili sa pagngiti. Ipinapanalangin na lang niya na hindi siya pumalya sa gagawing pagrampa. Medyo mataas pa naman ang heels na suot niya ngayon. "H'wag kang kabahan, ikaw ang pinakamaganda sa kanila." Bulong pa ni Noah bago sila tuluyang lumabas sa entablado. Pagdating nila sa gitna ay tuluyan niyang hinubad ang suot na cover-up, kagaya ng prinaktis ay nagpalit naman sila ng pwesto ng lalaki para maikutan din nito ang bahagi ng stage na nilibutan niya kanina. Tanging ang malakas na hiyawan ang naririnig niya sa paligid kaya kahit paano ay kampante siya na maayos naman ang kanyang ginagawa. Sa muling paglalapit nila ni Noah sa gitna ay muntikan na siyang matumba, nagkamali siya ng hakbang kaya nagkrus ang mga paa niya. Akala niya ay tuluyan siyang babagsak kaya naipikit na niya ang mga mata at inantay na mangyari ang kahihiyan ngunit ilang segundo ang nakalipas na wala siyang naramdamang sakit. Iminulat niya ang mga mata para lamang makita ang magkalapit na nilang mukha ni Noah. Sinalo siya nito kaya hindi na magkamayaw ang nangyaring palakpakan at hiyawan sa harapan nila. Nang maalala ang banta ni Tristan ay agad siyang lumayo sa lalaki. Lahat ng mga judges ay nakangiti sa kanila maliban nalang sa binata na kung nakakapatay lang ang tingin ay tiyak kanina pa silang dalawa ni Noah nakabulagta. She can see rage in his eyes; she was sure that he was ready to throw another fit on her. "Nakakakilig kayo kanina ni Noah!" Tili ni Chloe ang kanina pang naririnig niya habang tinutulungan siya ng mga ito para sa evening gown. Katatapos lang ng casual wear kaya nasa last part na sila ng pageant, ang question and answer portion habang suot nila ang kanilang inihandang evening gown. "Pagkatapos nito siguradong liligawan ka na niya!" Si Stacey naman na pinapalo pa siya dahil sa kilig. "Mukha namang hindi siya type ni Jess...iba ata ang type niya." Sabat ni Anya na pinagmamasdan pala siya mula kanina. Hindi niya masyadong pinapansin ang tatlo dahil occupied ang utak niya sa gagawing question and answer. Manggagaling sa mga judges ang mga tanong nila kaya ipinapanalangin niyang hindi niya mabunot si Tristan. "Huy! Magsalita ka naman!" Untag ni Chloe sa kanya. "Bakit?" Kunwaring interesado na tanong niya sa mga ito. Hindi pa nakakasagot ang tatlo ng biglang pumasok sa kwarto si Angela at si Maica. Masama ang tingin sa kanya nito. Si Maica naman ay tila maamong tupa na napilitan lang samahan ang babae, nagtatago lang ito sa likod ng galit na si Angela. "Talagang atribida ka rin ano?! Sinadya mo pang gumawa ng eksena kanina!" Bored niyang tiningnan si Angela ng magsalita ito. Tila nagngitngit ang babae kaya nginisihan nalang niya. "Inggit ka?" Nang-uuyam na tanong niya dito. "What?! Of course not!" Pagde-deny ng babae. "Ang ayoko lang gumagamit ka ng shortcut para manalo!" Inis na sinabi pa nito. "Sabi mo eh..." "Hindi pa ako tapos sayo! Tingnan lang natin kung may ibubuga ka sa question and answer mamaya!" Huli nitong sinabi bago magmartsa palabas ng kwarto. Napa-facepalm nalang siya sa sinabi nito. Hindi niya makuha ang point ng babae sa galit nito sa kanya. Talagang sinadya pa talaga siya nito para lang bantaan. "Don't mind her! Inggit lang yun dahil hindi pinansin ni Mr.Monteguado kanina." Bigla siyang napalingon sa sinabi ni Chloe. Lumapit ito kay Tristan? "Oo girl. Akala nga namin papansinin ni Mr.Monteguado pero ni hindi nakalapit dahil hinarangan ng mga bodyguards kaya siguro ikaw ang pinag-iinitan." Si Stacey naman. "Ows?" Kunwaring hindi interesado na sinabi niya pero deep inside ay masaya siya na hindi ito pinansin ng lalaki. "Hindi talaga siya papansinin nun. Bukod sa may girlfriend na doctor eh ayaw siguro sa mga gold digger. Atsaka sobrang gwapo nun at mayaman, baka wala pa sa kuko ng mga lumalapit sa kanya si Angela." Si Anya na direktang nakatingin sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa babae, tila may gusto itong ipahiwatig. "Ikaw Jess, kung may mayaman na manliligaw sayo papatulan mo ba kahit may girlfriend na?" Muling tanong ni Anya na tinawanan ng dalawa samantalang siya ay natigilan. "Ano ba naman yang tanong mo Anya, syempre hindi! Diba Jess?" Si Chloe na ang sumalo sa kanya kaya ngumiti nalang siya dito. "Ang weird mo talaga minsan Anya, sa tingin mo ba magse-settle si Jess para lang maging kabit? Sa ganda niyan, kayang-kaya niyang kumuha ng lalaking walang sabit." Proud pa na sinabi ni Stacey. "Wag ninyo nang pansinin. Natanong ko lang naman. Sorry Jess..." Tinanguan lang niya ang sinabi ni Anya. She was slightly bothered by the things that she knew. Nang tuluyang maisuot ang gown ay napahanga din siya sa kinalabasan ng kanyang hitsura. She looks sultry in her red gown. Kitang-kita ang kanyang kurba doon, mas naemphasize ang suot dahil sa kanyang maputing kutis. Hindi na katangkaran ang sinuot niyang heels dahil ayaw niyang maulit ang nangyari kanina, ang isa pa ay baka masyado siyang maging matangkad kumpara kay Noah na ayaw niyang mangyari. "You look like a goddess." Puri ni Noah ng makita siya nito. Nakasuot ito ng suit pero ang necktie ay ibinagay sa kanyang gown para kahit paano ay magkaterno sila. "Salamat." Tipid niyang sinabi dito. "Good evening to the two of you, and congratulations for making it until the end!" Masiglang bati ng host sa kanila ni Noah. Kasama sila sa limang couple na pasok sa top 5. Ini-annouce iyon after their casual attire kaya ang natanggal na anim na pares ay naka standby nalang para sa picture taking mamaya. Kasama sa limang natira si Angela at ang partner nito. Ang iba ay ang pambato ng nursing department,business management department, at ang pinsan ni Chloe na si Damon at ang partner nito na mula naman sa engineering and architecture department, "Thank you!" Magkapanabay pang sinabi nila ni Noah kaya tinukso sila ng mga nanonood. "Well, we are all curious if the two of you are in a relationship. You look good together!" Mabilis siyang umiling sa tanong ng host habang ang mga mata ay agad na dumapo kay Tristan na ngayon ay may maliit na ngiti sa kanya na tila satisfied sa sinabi niyang sagot. Nakita pa niya ang ginawa nitong pagkindat kaya inilayo niya ang tingin dito. "Okay, okay, no more teasing. Katulad ng naunang apat ay bubunot kayo ng hurado na magtatanong sa inyo. Each of you will have a different question." Iniabot nito sa kanila ang glass bowl kaya hinayaan siya ni Noah na bumunot. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman na isa sa mga babaeng hurado ang nabunot niya. "Good evening! Here's my question for your partner." Tukoy nito kay Noah. "If you are given a chance to go back in time, what will you change and why?" Nakangiting kinuha ni Noah ang microphone na iniabot niya. "If I were given a chance to go back in time, I would not change anything. I believe that all of my experiences, either good or bad, have played a big part in what kind of man I am today. Thank you." It was her turn now. Kinakabahan siya habang bumununot ng question ang hurado mula sa mga questions na inihanda nito. "Hi Miss. Here is my question. What will you choose, wealth or love? Why?" Bahagya siyang natigilan sa tanong. Hindi niya akalain na medyo personal ang matatapat sa kanya. Pero kinompose niya ang sarili bago sumagot. Mabuti at minsan sa practice nila ay naibato na ang tanong ni Noah sa kanya. Biruan lamang iyon pero hindi niya akalain na makakatulong sa kanya ngayon. "Choosing between love and wealth is a profound question that reflects our deepest values and priorities. For me, love holds the most significance. Love encompasses the relationships that give our lives meaning and fulfillment—whether it’s the love of family, friends, or a life partner. It’s through love that we find true happiness and support through life’s challenges. While wealth can provide comfort and opportunities, it is love that nurtures our spirit and fosters genuine connections. True wealth is found in the relationships and moments that bring joy and purpose. So, I would choose love, as it is the foundation upon which a rich and meaningful life is built. Ultimately, it is the love we give and receive that defines our true wealth. Thank you." Hindi niya alam kung tama ang sagot niya pero mula iyon sa kanyang puso. Kahit naman madalas siyang mukhang pera ay naniniwala siya sa pag-ibig. Palakpakan ang muling pumuno sa loob ng auditorium, nakita pa niya ang pagtayo ng mga kaklase habang iwinawagayway ang banner para sa kanila. Ganoon din ang ginawa ng mga hurado maliban kay Tristan na matiim ang tingin sa kanya. Siya ang itinanghal na Ms. Intrams at si Noah naman ang Mr. Intrams. Masayang-masaya siya habang ibinibigay sa kanila ang malaking printed cheque para sa picture taking. Nakasuot na din sa kanya ang korona na ibinigay ng reigning Ms. Intrams mula sa Engineering department. Walang place na nakuha si Angela, ang nakakuha ng first runner up ay mula sa nursing department. "Congratulations, you deserved it!" Ang lalaking hurado na kinamayan at tumabi sa kanya para sa picture taking. Hindi pa siya nakakasagot ng agad na lumapit si Tristan sa pwesto nila. Sa gulat niya ay bineso pa siya nito pagkatapos ay pasimpleng gumitna sa kanila ng kasamahan nitong hurado. Peke niya itong nginitian lalo ng maramdaman niya ang kamay nito sa likod niya ng bahagyang magsiksikan para sa pagkuha ng litrato. "I'll wait for you outside. Sabay tayong uuwi." Bulong muli ng lalaki bago ito tuluyang umalis kasunod ng mga bodyguards. Mabuti na lang at busy ang lahat kaya walang nakapansin sa ginawa nito. "Congratulations girl!" "Ang galing mo!" "Winner ang sagot!" Magkakasunod na sinabi ng tatlo matapos siyang yakapin ng mga ito para sa group hug. "Thank you! Syempre malaking parte kayo sa panalo kong ito!" Hindi na muling nakasagot ang tatlo ng magsimulang lumapit ang mga kaklase nila para sa picture taking. Sobrang saya ng mga ito dahil first time daw na mula sa department nila ang nakakuha ng title. Panay picture ang ginawa nila kaya medyo napagod din ang bibig niya sa kakangiti. Nagpapicture din sila ni Noah ng solo pagkatapos ay meron din na sila lamang dalawa. After the pageant, socialization started. Siya naman ay nagpaalam na sa tatlo dahil gusto na din niyang umuwi. Bukod sa pagod na siya ay siguradong inaantay nga siya ni Tristan sa labas. Knowing the man, wala itong panahon para mag-antay sa kanya ng matagal. Pasimple siyang pumunta sa parking lot ng school. Nandoon nga ang sasakyan ng lalaki, ang puti nitong jaguar na sobrang tinted. Pagkapasok niya sa sasakyan ay agad na pinaandar ni Tristan iyon. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kalsada. Siya naman ay nakapatong lang ang kamay sa kandungan habang nakikiramdam. Pagdating nila sa mansyon ay pinatay lang ng lalaki ang makina. Tinanggal nito ang sariling seatbelt pagkatapos ay tinulungan din siya upang tanggalin ang ginamit niyang seatbelt. "T-Thank you..." Hindi siya makatingin dito ngunit ramdam niya ang nakakapasong tingin ng lalaki sa kanya. He gently holds her jaw to turn her face toward him and meets his burning eyes. "I can't wait any longer, especially when you're this beautiful. Damn!" Pagkatapos ay hinalikan siya nito ng mapusok. Gigil na sinipsip nito ang labi niya at ng di makuntento ay mahinang kinagat. "Ahh-" Tristan reclined her seat. Medyo masikip sa loob ngunit hindi alintana ng lalaki. Sabik siya nitong hinalikan pababa sa kanyang leeg. "B-Baka lumabas si M-Manang..." Hindi mapigilang sinabi niya. "Let's go to my room, then." Mabilis itong bumaba ng kotse pagkatapos ay binuksan ang pintuan sa gilid niya. Hinila siya nito papasok sa loob ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD