Inabala niya ang sarili sa paglilinis ng kubo kahit hindi naman maalikabok doon. Natutulala siya habang nakadungaw sa bintana at tinatanaw ang mga nag-aani. Kung sana hindi siya pinigilan ng lalaki ay nandoon sana siya at nakikipagtawanan sa mga ito. Sumuko din siya sa pagkukumbinsi sa sarili na madumi ang kubo ng makita na sobrang kintab na ng sahig. Pumasok nalang siya sa kwarto ng lalaki at nagpasyang tingnan ang mga librong tinutukoy nito. Bukas ay may pasok na siyang muli kaya mabuti at makakaiwas na siya sa lalaki. Akala ata nito ay nakalimutan na niya ang mga sinabi nito sa kanya, hindi siya marupok para mabilis na umamo dito. Kunwari ka pa! Muntikan ka na ngang bumigay kanina! Bulong ng utak niya na mabilis niyang ikinailing. Tss! Kung bakit ba naman pakiramdam niya'y nahihipnoti

