bc

Deception at the Altar

book_age18+
67
FOLLOW
1K
READ
HE
arranged marriage
independent
heir/heiress
bxg
small town
substitute
like
intro-logo
Blurb

#TL Prompt Writing-Substitute Bride

Paano kung umatras ang kakambal mo sa isang arranged marriage at ikaw ang napakiusapan ng magulang mong pumalit bilang bride upang matuloy lang ang kasal?

Will you be strong enough to overcome the deception at the altar?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
●●●CLARA’S POV●●● Nakaupo ako sa harapan ng salamin habang sinusuklay ng hairstylist ang aking mahabang buhok. Kinakabahan ako at hindi na mapalagay sa mga oras na ito. Ito ang araw ng kasal ng aking kakambal na si Ciara sa apo ng kaibigan ng aking ama na si Mr. Qin Hong. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Nakasuot ako ng traje de boda samantalang maid-of-honor lang sana ako sa araw na ito. Nangyari ang lahat ng ito dahil umatras si Ciara sa arranged marriage na ito. Tumakas na ang kakambal ko at hindi na namin mahagilap. At upang hindi mapahiya ang aking ama kay Mr. Hong, ako ang napakiusapan para maituloy ang kasal at hindi magdulot ng kahihiyan o eskandalo ang ginawa ng aking kakambal. Identical twins kami ni Ciara. At kung ang ibang mga kambal ay may palatandaan gaya ng nunal o balat sa katawan para makilala, kami wala. Pero pagdating sa ugali at kilos ay magkaibang-magkaiba kami ng kakambal ko. Magkaibang tao kasi ang nagpalaki sa amin, si Ciara ay lumaki sa pangangalaga ng aming mga magulang. Samantalang ako naman ay lumaki sa piling ng aking lolo at lola sa mother side ko sa probinsiya. Lumaki akong ugaling probinsiyana. Naimpluwensiyahan din ako ng aking lola sa pagiging madasalin at may takot sa diyos. Isang dahilan kung bakit ako mas lalong kinakabahan ngayon. Sa edad kong dalawampu’t anim (26), ngayon lang yata ako magsisinungaling sa tanang buhay ko at ang malala pa ay sa loob pa ng simbahan at sa harap ng altar. "Ngayon lang ako magsisinungaling sa bahay ng diyos pa." Sa isip ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok ang aking ina sa silid kung saan ako inaayusan. "Clara, alam mo na ba ang mga gagawin mo? Memoryado mo na ba ang mga sasabihin mo?" "Ma, kinakabahan ako..." pag-amin ko sa aking ina ng tunay na nararamdaman ko. "Ma, parang ayokong ituloy 'to. Baka magkamali ako at baka mas malalang kahihiyan pa ang magawa—" "Clara, nag-usap na tayo, 'di ba? Ngayon ka na nga lang makakatulong sa amin tapos parang papahirapan mo pa kami? Paulit-ulit na lang kaming nakikiusap sa'yo tungkol sa bagay na 'to. Clara, ngayon lang! ngayon lang!" "Sorry po, ma,"" nakayuko kong hingi ng paumanhin. "Sana maiintindihan mo kami kung bakit ginagawa namin ito, Clara. Wala ka rito at hindi mo nasaksihan kung paano kami naghirap nang malugi ang negosyo natin. Sa dami ng nakakilala sa amin at sa papa mo, tanging si Mr. Hong lang ang tumulong sa amin at panahon na para suklian 'yon. Hindi na iba sa pamilya natin si Mr. Hong at sa pagpapakasal mo sa apo niya ay mas maituturing natin silang pamilya. Naiintindihan mo ba, Clara?" "Opo, mama." Marahan akong tumango kahit alam kong mali. Maling-mali ito. Totoo ang sinabi ng mama ko. Nalugi ang family business namin at tanging si Mr. Qin Hong ang tumulong para makabawi. Pinahiram ni Mr. Hong ang aking ama ng puhunan upang makapagsimulang muli. Nagbago ng negosyo ang aking ama at ngayon ay nagmamay-ari kami ng tatlong palapag na grocery mall sa bayan. Ang pagtulong ni Mr. Hong ang isa sa pinakamalaking utang na loob na hanggang ngayon ay tinatanaw ng aking mga magulang dito. Subalit hindi ko inasahan na madadamay ako gayong hindi naman ako kilala at ni minsan ay hindi ko nakisalamuha si Mr. Hong at apo niya. Oo, nakikita ko sila minsan sa mga top list ng mamayamang tao rito sa Pinas at hanggang doon lang. Wala rin akong ideya kung nababanggit ba ng ama ko na may kakambal si Ciara na nakatira sa probinsiya. Nang matapos akong ayusan ay tumayo ako sa harapan ng salamin at tiningnan ko ang sarili. Sinuri ko ang aking sarili at maging ako ay gandang-ganda sa ayos ko. Tumunog ang cellphone ko at nagbaling ako ng tingin sa pinaglagyan ko. Kagabi pa ako naghihintay na tumunog ang cellphone ko, nagbabaka-sakaling reply mula kay Ciara ang matatanggap ko. At laking tuwa ko nang makitang si Ciara nga ang nag-send ng message sa akin. "Clara, patawarin mo na lang ako kung nadamay ka pa. Hindi ko pa talaga kayang magpatali dahil hindi pa ako nagsasawa sa pagiging dalaga ko. Ipagdasal ko na lang na magiging maayos ang lahat. Maraming salamat at mag-ingat ka palagi." Sinubukan kong tawagan ang cellphone number ni Ciara. Subalit hindi na ito nagri-ring at bigo akong makausap siya. Maya-maya ay dumating ang wedding planner at sinabing oras na para pumunta sa simbahan. Sa daan papunta sa simbahan ay hindi ko maiwasang kabahan. Tambol nang tambol ang dibdib ko at hindi iyon namamahinga. Sa kabang nararamdaman ko ay batid kong hindi tama ang ginagawa ko. Nang dumating kami sa simbahan ay nahagip ng tingin ko si James—ang lalaki sanang mapapangasawa ng kakambal ko. Siya ay matangkad, guwapo, at may pagka-strict ang aura. Tinted ang bridal car na sinasakyan ko kaya hindi nila ako nakikita sa loob. "Clara, ilang oras lang 'to." Pilit kong pinapatatag ang aking loob sa gagawin. Ang higpit ng pagkakahawak ko sa bridal bouquet ko habang inaabangan na bumukas ang pinto ng simbahan. Nanginginig ang buo kong katawan ngunit kailangan kong gayahin ang mga kilos ni Ciara at panindigan iyon. Ito na iyon, wala nang atrasan. Nang bumukas ang pinto kasabay ng malamyos na boses ng live singer, dahan-dahan akong humakbang sa aisle na puno ng flower petals. Nagtama ang mga mata namin ni James habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan ng altar at nakatingin sa akin nang may pagtataka. Ewan ko baka may napapansin siyang kakaiba kay Ciara ngayon dahil hindi naman talaga si Ciara ang babaeng pinagmamasdan niya. "You're so beautiful..." nakangiting sabi niya sa akin. Ngiti lang ang naisukli ko. Natatakot akong magsalita dahil baka makahalata siya. Wala rin akong alam kung may tawagan ba o callsign silang dalawa ni Ciara. Wala rin akong ideya kung arranged marriage lang ba talaga ito o may nararamdaman na talaga si James sa kakambal ko dahil ang bilis niyang napapayag ng kaniyang lolo. Sinimulan na ang seremonya at ginagawa ko lang ang lahat ng dapat gawin ni Ciara. Ang problema habang tumatagal, pakiramdam ko ay parang hindi na sumasayad ang mga paa ko sa sahig. Para na akong lumulutang at nang tanungin na ako ng pari kung papayag ba ako sa kasal, bigla na lang... nawala si Ciara sa katawan ko. Hindi ko na siya mahanap at hindi ko na mapanindigan ang pagkukunwari. Hindi ako makapagsalita. Nakatayo lang ako sa harap ng altar kasama si James. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Alam kong hindi siya masaya sa nangyayari. Nagbago ang lahat sa isang kisapmata. "Sino ka?" tanong niya sa akin. Pabulong ang boses niya pero may diin ang bawat salita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. Nakatingin siya sa akin nang may pagkasuklam at galit. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. "H-Hindi ako si C-Ciara..." Halos ibulong ko na kay James ang salitang iyon. Sa iisang direksyon lang din ang paningin ko at iniiwasan kong matapunan ng tingin ang mga magulang ko. Baka mahalata nilang umamin ako na may panlolokong nagaganap sa araw na ito. Biglang lumapit ang pari magkakasal sa amin. "Gusto niyo bang ipagpatuloy ang seremonya?" tanong nito sa amin. Tiningnan ko si James at nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa paligid at maya-maya lang, tumango siya. "Yes, father," sabi niya. "Ipagpatuloy natin 'to." Hindi ko alam kung bakit pumayag siya. Siguro dahil sa ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang kaniyang lolo o baka dahil sa iba pang dahilan. Ang mahalaga ay naipagtapat o nasabi ko na na hindi ako si Ciara at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Walang nakarinig sa amin habang nag-uusap kami. Akala lang siguro ng mga tao sa loob ng simbahan ay may pinag-usapan lang kami saglit. Tuloy-tuloy na ang kaganapan sa loob ng simbahan. Habang kinakasal kami ay dama ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ng groom ko. Iwinaglit ko ang lahat ng bumabagabag sa isipan ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko, mga bagay na hindi ko alam kung magiging maayos ang lahat pagkatapos ng ito. Pakiramdam ko ay parang nakulong ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano labasan. Wala akong nagawa at nagpatianod na lang ako sa daloy ng pangyayari. Inangkin ko ang bawat sandali na aking kasal ito. "With the power vested upon me, I pronounce you husband and wife! You may now kiss the bride..." Nakakabinging ingay ang sumunod matapos magsalita ng pari. Kung lahat ay natuwa sa anunsiyong iyon, ako naman ay nanigas at nanlamig sa kinatatayuan. Sa mga napanood ko, labi sa labi na naghahalikan ang lalaki at babae kapag inanunsiyo na ng pari na ganap na silang kasal o ganap ng mag-asawa. Wala pang lalaking nakakahalik sa labi ko at hindi ko alam kung paano iyon gawin. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maglapat ang labi naming dalawa ng lalaking nasa tabi ko. Napapikit ako nang maramdaman ang init at lambot ng mapupula niyang labi na nakadikit sa akin. Pansamantalang tumigil ang ikot ng mundo ko. Nawalan ako ng pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Ang sarap ng halik na pinalasap sa akin ng lalaking ngayon ko lang na-meet ng personal. Pagkatapos ng seremonya ay pinirmahan namin ang dokumento ng kasal. Pangalan ni Ciara ang nakalagay sa marriage certificate namin at hindi na ako kumibo. Sa totoo lang pagkatapos ng kasalang ito ay nagbabalak na akong magpakalayo-layo. Ang usapan lang namin ng mga magulang ko ay iraos ko lang ang kasal upang walang maganap na wedding cancellation at hindi nakakahiya sa mga taong naimbitahan na. Wala sa usapan namin ng mga magulang ko na magsasama pa kaming dalawa ni James pagkatapos nito. Tutal, alam naman na ng lalaking ito na hindi ako si Ciara at hindi ako ang babaeng dapat pakasalan niya. Babalik na lang ako sa probinsiya at mamumuhay muli doon ng tahimik. Napagbigyan ko na ang pakiusap ng mga magulang ko at tama na iyon. Naisalba ko na sila sa malaking eskandalo. Sa isang five-star hotel ginanap ang reception ng kasal. Panay ang sulyap sa akin ni James at sa tuwing magtatama ang tingin namin ay kitang-kita ko ang pagkasuklam niya sa akin. Batid kong hindi siya masaya sa nangyayari at puno ng pagkadismaya. "Let's get one thing straight," sabi niya sa akin na bahagya ko pang ikinagulat. "This marriage may not be real to you, but it's real to me." Napatigagal ako sa narinig. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong kontrolin ang takot sa boses ko. Ngumiti siya pero hindi ito isang magandang ngiti. "You'll find out soon enough." "Wait, Mr. Hong!" awat ko. "Galit ka sa'kin samantalang isinalba ko ang pangalan niyo sa kahihiyan—" "Who are you, woman‽" Pinutol niya ang sinasabi ko at wala akong ibang choice kundi ang sagutin ang kaniyang tanong. "I'm Clara Ramirez— the identical twin of Ciara." "You what‽" Nagulantang si James sa narinig. Tila hindi siya nakapaniwalang may kakambal si Ciara. Ngayon, nalaman ko nang hindi pala ako nababanggit ng aking ama sa ibang tao. Parang nakalimot silang may anak pa silang iba maliban kay Ciara. "It's true, Mr. Hong." Pinatotohanan ko ang sinasabi ko. "Tumakas si Ciara ilang araw bago ang takdang petsa ng kasal niyong dalawa. At upang matuloy lang ang kasal na 'to ay pinakiusapan ako ng parents ko. Please, panindigan na lang natin hanggang sa matapos ito, tutal, ikaw lang naman ang nakakaalam na may maling ginawa ang pamilya ko sa araw na 'to. At saka si Ciara naman ang pinakasalan mo sa papel at hindi ako." "I can't believe this! Akala mo gano'n lang kadali? Niloko niyo kami at pwede kayong kasuhan sa ginawa niyo." "Mr. Hong..." Hinaplos ko ang balikat niya upang pakalmahin. "Masyado nang magulo kaya tama na." Malumanay ang boses ko habang kinakausap siya. Pinapaliwagan ko siya at panay rin ang hingi ko ng tawad upang hindi na ito lumaki. "I agreed on this marriage to build strong ties between your family and mine. But what is this? This is not acceptable and I'll make sure you'll pay for what you've done. You're the one to be blamed because in the first place... this wedding is not gonna happen if you say "NO" to your parents! This is ridiculous, I got married to an imposter bride!" "Mr. Hong—" "I don't want to hear any of your explanations, Ms. Ramirez. Hindi kami mahirap kausap at kung nagsabi lang kayo na walang balak magpakasal ang kakambal mo, maiintindihan namin ng lolo ko ang sitwasyon. Pati ako balak niyo pang ilagay sa malaking kahihiyan kung naisipan kong 'wag ituloy ang seremonya ng kasal kanina." Hindi na ako nagsalita pa. Baka mahalata pa o mapansin ng mga taong naroroon na nagtatalo kaming dalawa. Mananahimik na lang ako at pagkatapos ng kaganapang ito ay tahimik ko ring lilisanin ang lugar na ito. Sa totoo lang, nasasaktan ako. Labag na labag sa kalooban ko ang ginawa kong ito. Talagang ako ang inipit sa sitwasyong ito habang ang mga magulang ko ay masayang nakikipagsalamuha sa mga tao. Si Ciara naman ay malamang masaya rin ngayon kung nasaan man habang ini-enjoy ang buhay-dalaga niyang rason kung bakit ito umatras sa kasal. Samantalang ako, heto... nasisi pa. Atat na atat na akong matapos ang selebrasyong ito. Gusto ko nang umuwi sa bahay ni Lola Pina. Sinadyang hindi imbitahin ang grandparents ko sa kasalang ito. Takot ang mga magulang ko dahil talagang hindi hahayaang mangyari ng lolo't lola ko ang bagay na ito. At kung naroroon lang ang mga ito, paniguradong pagbukas pa lang ng main entrance door ng simbahan ay magkakabukuhan na. Kilalang-kilala ako ng lola ko kahit nasa malayo pa o nakatalikod man. Kabisado niya ang mga kilos ko o galaw ko. Kahit magkunwari man akong si Ciara, makikilala at makikilala niya ako dahil makailang beses ko nang sinubukan noong dinadalaw ako ni Ciara sa probinsya. Nang matapos ang reception program ay nagbabalak akong pormal na nagpaalam kay James. Talagang uuwi ako ngayon kahit pa pagod na pagod na ang buo kong katawan. Uuwi ako sa bahay ng lola ko sa probinsya dahil para sa akin, tapos na ang kasal at mga dapat kong gawin dito. Mga higit dalawang oras lang naman ang biyahe ko pauwi. Magpapahatid na lang ako sa driver ng ama ko para mabilis akong makarating at para kahit makatulog ako sa biyahe ay ayos lang. Nataon naman na tapos na si James na makipag-usap at sinamantala ko iyon. Ito na ang tamang pagkakataon para mapagpaalam ako sa kaniyang uuwi. Tumikhim ako upang mapansin niya. "Mr. Hong..." "Yes, my wife?" Bahagya akong napaatras nang marinig kung ano ang tawag niya sa akin. Hindi ko masasabing puno ng lambing iyon. Parang may pagkasarkastiko pa nga ang boses at tingin niya. "Just call me Clara..." suhestiyon ko. "Anyway, gusto ko lang sana magpaalam, Mr. Hong. Tapos na ang lahat-lahat dito kaya magpapaalam na akong uuwi." Napansin kong umarko ang kilay niya. "Hindi ka pwedeng umuwi!" aniya sa akin. Nagitla ako sa kaniyang sinabi. "Mr. Hong, inuulit ko... hindi ako si Ciara at hindi ako dapat ang babaeng pakakasalan mo. May mga kailangan akong gawin sa buhay ko at—" "Enough!" galit nitong boses. Bigla akong natahimik nang marinig ang galit niyang boses. "You can't go home, Ms. Ramirez. Why? Mahihirapan akong ipaliwanag sa lolo ko kapag malaman niyang hindi tayo nagsama sa unang gabi matapos tayong maikasal. Ngayon, gusto mong umuwi? Then, hanapin mo muna ang kakambal mo at pagsabihan mong palitan ka rito. Kapag nagawa mo 'yon, pwede ka nang umuwi." Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa aking mga narinig. "M-Mr. H-Hong..." nanginginig ang boses kong bigkas. "Imposible po ang sinasabi mo. Hindi ko alam kung saan si Ciara ngayon. Walang nakakaalam kahit mga magulang ko." "Then, stay!" pinal niyang sabi at tinalikuran ako. Napatingala ako sa kesame upang pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Wala sa usapan namin ng mga magulang ko na magsasama kami pagkatapos ng kasal. Sobrang tanga ko rin dahil hindi ko rin inisip ang mga bagay na mangyayari pagkatapos ng kasal. Akala ko talaga hanggang sa araw ng kasal lang... Akala ko isang araw lang...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook