Neo's POV
PAGKATAPOS kong mag toothbrush ay agad na akong bumaba para sumabay kay ate sa almusal
Ayoko talagang sumabay sa pagkain kung si kuya, mommy at daddy ang makakasabay. Mabuti nang hindi kumain.
Pagdating ko sa dining area ay naabutan ko na si ate sa harap ng hapag kainan. Napansin niya ang presensya ko kaya nang makita ako ay sinenyasan niya na ako para maupo.
"Ayan, kumain ka ng marame at hindi ko na alam kung nakakakain ka pa ba nang maayos dahil sa pag e-ENJOY mo jan sa buhay mo." panunumbat niya
"Tss." sagot ko nalang
Tahimik lang kami sa pagkain ngunit napapansin kong maya't-maya ang pagsulyap sa akin ng kambal ko. At hindi na nga natiis at nagsimula na naman siyang magsalita
"Ahmm.. Twin....wala ka ba talagang balak ayusin yang buhay mo? I mean bakit hindi ka nalang bumalik sa dati...Yung masayahin at malambing na Neo Matt na kambal ko..kasi you don't know how much i miss the old you."
Masayahin?
Malambing?
Oo ako nga yon pero noon yon at ayoko ko nang bumalik sa pagiging ganon.
"Why would I do that? Kahit kailan hindi na ko babalik sa dating ako ate kaya wag mo nang ipilit."
"I'm just saying. Isipin mo ah. 2 years ago dapat sana nakapagtapos ka na edi sana pulis ka na ngayon gaya ng gusto mong profession."
"Ate, kahit na ano pang sabihin mo hindi mo ko mababago. Bahala na kung anong mangyari sa akin bukas at sa mga susunod pang mga araw. Basta ako, Enjoy life ang live free!!"
"Hayy!! Ang sarap mo ibalibag! Yung una ulo baka sakaling mabagok ka at magkaroon ng Amnesia tapos makakalimutan mo yung pagrerebelde mo at babalik ka na sa date!" sigaw niya
"Ang brutal mo." nasabi ko nalang. Masyadong malawak ang imagination ng kapatid ko. Hindi ko malaman kung bakit wala akong ganon.
"Oo! Brutal na kung brutal! ayaw mo non pag nagka Amnesia ka mawawalan ka na ng problema. Malay mo makalimutan mo na yang dinadala mong konsensya."
"Shut up ate, past is past. Hindi na dapat binabalikan."
"Panong hindi mo babalikan Neo Matt! Eh nakakulong ka nga sa past na yan. Hanggang ngayon sinisisi mo parin ang sarili mo dahil sa mga nangyari kahit hindi mo naman talaga kasalanan. Ginagawa mo yan sa sarili mo. Yang pagrerebelde na yan dahil inaako mo ang mga responsibilidad kahit aksidente lang ang lahat!"
"Kahit aksidente yun. It's still my fault."
"See? Sinisisi mo ang sarili mo sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Neo move on! Nakamove on na sila, ikaw nalang ang hindi."
Hindi na ako muli pang nagsalita dahil sa sinabi niyang iyon
Mahabang katahimikan pa ang naghari bago pa man ako tuluyang umalis roon at umakyat na sa kwarto ko. Hinayaan kong mahiga ang sarili ko at itutok ang paningin ko sa kisame ng aking kwarto.
Malalim ang pagkakatitig ko rito na tila ba kinakabisa ko ang bawat anggulo nito.Naglakbay lang ang isip ko hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.
DAHAN-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may dumadamping bagay sa mukha ko.
Nang tuluyan nang magliwanag ang aking paningin ay nakita ko ang kapatid ko habang ginagamot ang mga pasa at sugat sa mukha ko
"Ano na namang dahilan ng mga pasa at sugat na to?" tanong niya
Simula pa noon ay si Ate na ang gumagamot sa pasa ko sa tuwing mapapaaway ako. Sinasabi niya minsan na kung makikipag suntukan ako ay wag sa mukha sayang raw kasi ang kagwapuhan kung sugatan naman.
"Just a misunderstanding." simpleng sagot ko. Hindi ko naman ugaling magkwento ng pagkahaba-haba at magpaliwanag kung hindi naman kailangan. At bukod pa don, sa lawak ng imahinasyon ni ate paniguradong andami ng konklusyon niyan sa isip niya kung bakit nagkaganito ang mukha ko.
(-_-)
"Misunderstanding? Ano yun? Nag intsik ka tapos hindi niya naintindihan kaya sinapak ka nalang ganon?" may pangiinsultong saad niya
"Nakakatawa yun?" pambabara ko naman sa kanya
"Tsk. ewan ko sayo. By the way, sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina ahh... Nadala lang naman ako sa emosyon ko eh. Hindi ko naman intensyong ungkatin yung nakaraan pero kasi sa ginagawa mo sa sarili mo, hindi ko alam kung kailangan mo ba ng napakaraming words of wisdom o mas kailangan mo ng napakalakas na konyat para magising ka sa katotohanan." mahabang asik niya
Napangisi nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko maintindihan kung concern ba talaga siya sa akin o baka pinapatay niya na ako sa imahinasyon niya.
"Don't worry ate. Kaya ko naman ang sarili ko eh. At isa pa, masaya ako sa kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko naman ikakamatay to ate." sagot ko habang hawak ko ang dalawang kamay niya
"Anong Hinde!! Dyan sa kaiinom mo ng alak! Hindi ka ba magkakasakit niyan? Pwede kang magka kidney cancer dahil sa kaiinom mo ng alak. Pag nalalasing ka?! Nagdadrive ka pa pauwe! Pano kung madisgrasya ka?! Yang sa pakikipagbugbugan mo?! Hindi ka ba mamamatay non?! Pano kung nasaksak ka? mabaril? O kaya hindi kayanin ng katawan mo ang mga bugbog sayo?! Pwede kang mamatay non! Maraming paraan para mamatay ka at ang pagrerebelde mo na yan ang numero uno!" Mahabang litanya niya
Natameme nalang ako dahil sa tinuran niya
Sabi ko naman sa inyo napakalawak ng imahinasyon niyan eh
(-_-)
Sana all
"Praning ka na." Simpleng sabi ko kaya nag alboroto na naman siya
"Anong praning?! sinasabi ko lang yung mga pwedeng consequences niyang pagrerebelde mo kaya kung ako sayo titigil na ko." sermon niya
"Alam mo, kung may pari lang na tibo pwedeng-pwede ka, ang galing mo manermon eh." pang aasar ko sa kanya
"Walangya ka talagang bata ka! Ang sarap mong isako sabay pagtatagain." nanggigigil na aniya
"Whatever Ashari." at bago pa man niya ako masipa dahil sa hindi na naman pagtawag sa kanya ng ate ay inunahan ko na siya sa pagtakbo
ILANG linggo pa nga ang lumipas at paulit ulit lang ang routine na nangyayari sa buhay ko.
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
At kung may mga pagkakataon mawawala ba ang rambulan? Kung saan may g**o, nasa gilid lang ako kaya ang ending, minsan nadadamay ako.
"Neo Matt tigilan mo na nga yang pag inom mo umuwi na tayo." napatigil ako sa pag inom nang marinig ang boses na iyon. Nandito ako ngayon sa bar na lagi kong tinatambayan at nagpapalipas oras.
"What are you doing here Ashari?" naiinis kong tanong
"Ano pa edi sinusundo ka! Tara na! tama na yang kaka toma may tama ka na!" asik niya saka kinuha ang basong hawak hawak ko. Siya na rin mismo ang humila sa akin palabas ng bar na iyon. Hindi na ako pumalag dahil baka kung ano na naman ang magawa niya sa akin.
Inalalayan niya akong maupo sa front seat ng kotse at siya na rin mismo ang nag seatbelt sa akin. Wala ako sa sariling napangiti. Caring Ate
"Thank you ate." sambit ko
"Thank you mo yang mukha mo! Sulitin mo na yan hindi mo na ulit mararanasan yan." napapitlag naman ako sa narinig at tila ba nawala ang kalasingan sa buong katawan ko
"What do you mean?" tanong ko
"Next week aalis na ko. Tinanggap ko na yung offer sa akin sa New York na maging writer doon. Kaya nga dapat sana bago ako makaalis eh magtino ka na at baka ikaw pa ang mailagay ko sa mga maisusulat kong kwento doon dahil sa pag-aalala sayo!" mahabang paliwanag niya
"Iiwan mo rin ako?"
"Hindi naman kita iiwan eh, magtatrabaho lang ako."
"Ganon na rin yon." walang emosyong sagot ko saka sumandal sa bintana ng kotse. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin.
Pagdating namin sa bahay ay direderetso lang ako paakyat sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin kung nandoon ba ang mga magulang ko sa baba.
Humiga ako patagilid at nakatalikod sa pinto ng kwarto. Alam kong anumang oras ay susunod dito ang kapatid ko.
"Neo." pagtawag niya pero hindi ako sumagot
"Neo sorry na. Alam mo naman kung gaano ko pinangarap yung maging writer sa ibang bansa diba? Sa buong pamilya ikaw lang ang tanging witness kung paano ko pinagsikapan na hasain yung imagination ko. Sayo ko lagi naikukuwento yung mga kwento na naiisip ko. Kaya sa kanilang lahat akala ko ikaw yung pinaka magiging masaya para sa akin." may halong pagtatampong saad niya
Totoo naman lahat ng sinabi niya. Mula pagkabata ay alam ko na kung gaano niya kagusto ang pagsusulat. Marami siyang naiisip na kwento at lahat ng iyon ay sinasabi niya sa akin.
Bumangon ako saka siya hinarap
"Masaya ako para sayo ate. Pero nalulungkot ako para sa sarili ko kasi mawawala ka sa tabi ko. Wala na akong kakampi."
"Kaya nga habang nandito ako ay magtino ka na para pag alis ko ay kampante na ako dahil maayos na ulit ang buhay mo." pangaral niya
"Yun ang hindi ko magagawa ate. Alam mo naman na mas gusto ko yung ganito eh. Malaya. Kaya maging masaya ka nalang para sa akin."
"Hindi ko makukuhang maging masaya kung alam kong anumang oras ay pwede kang mapahamak."
"Alam ko yon ate. Pero hindi mo na kailangang mag alala kasi kaya ko ang sarili ko. Ang dapat na intindihin mo ay kung pano ka magpapakitang gilas sa mga boss mo doon!"
"Alam ko naman yon. Ikaw ang mas inaalala ko."
"Ang kulit mo naman ate eh. Kaya ko nga kasi ang sarili ko. Sanay na ko sa buhay na ganto kaya kahit na anong sabihin mo hindi na ko magbabago." sabi ko habang nakayakap sa kanya
"Ano pa nga ba." nasagot niya nalang
Matapos ang tagpong iyon ay bumalik ulit sa dating gawi ang mga nangyayari sa buhay ko
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
Gising. Alis. Bar. Inom.Uwi.Sermon. Tulog
Paulit ulit at walang katapusan
Nandito ako ngayon sa labas ng bar at nagpapahangin. Balak ko nang umuwi dahil wala naman ako sa mood uminom ngayon. Hindi naman ako lasing pero nahihilo parin ako dahil sa tama ng alak. Kaya minabuti ko munang magpahangin bago magdrive pa uwi.
"SNATCHER! SNATCHER! TULOOONGG YUNG BAG KOOO!!" rinig kong sigaw sa hindi kalayuan pero hindi na pinansin yun
*Blag*
Bumagsak ako sa sahig dahil may biglang bumangga sa akin na sing bilis ng hangin
"SNATCHER! TULONG YUNG BAG KOO!!"
Napatingin ako sa sumisigaw at nakita ko ang hindi katandaang babae na papunta sa direksyon ko
Napalingon ako sa lalaking bumangga sa akin at dali dali siyang tumayo at tumakbo.
Hindi na ako nagdalawang isip na habulin ang lalaking yun. Habang tumatakbo ay tila nawawala ang hilo sa kaloob-looban ko kaya naman malaki ang posibilidad na maabutan ko ang lalaking ito.
Ilang metro nalang ang layo namin kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na hablutin siya
Naabot siya ng kamay ko kaya pakaladkad siyang napaatras sa gawi ko. Pero nagpumiglas siya kaya sinalubong ko na siya ng suntok at ginawaran ng sipa sa tiyan.
"Pakialamero!" galit na asik niya at gumanti ng suntok.
Nagpalitan lang kami ng suntok ngunit higit na mas marami na siyang sapak at galos sa mukha kesa sa akin hanggang sa nakaramdam nalang ako ng mainit na pakiramdam sa may tagiliran ko. Pagtingin ko rito ay tuloy tuloy na na umaagos ang dugo dito. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking kaharap ko at gayon nalang ang gulat ko nang makitang may hawak pala siyang maliit na kutsilyo sa kanang kamay niya.
Hindi ko na ininda ang sakit sa tagiliran ko at nagpatuloy lang sa pag suntok sa kanya. Pilit ko ring inaagaw ang kutsilyong hawak niya hanggang sa may mga rumesponde ng mga pulis.
Itinago ko ang sugat ko at hindi nagpahalata na may iniinda akong sakit hanggang sa makaalis sila
"Ijo ayos ka lang ba?" napapitlag ako nang marinig ko iyon. Buong akala ko ay kasama siya sa mga pulis kanina. Nasa harap ko ngayon ang babaeng may ari ng bag na ninakaw nung snatcher
"Ayos lang ho ako. Kayo ho bakit narito pa po kayo? Akala ko po kasama po kayo ng mga pulis kanina sa pag alis." sagot ko habang hawak hawak ang tagiliran ko na hindi parin tumitigil sa pagdugo
"Naku, hindi na at sila na ang bahala sa siraulong iyon. Ang mahalaga ay nabawi ko na ang bag na ito at naririto ang pambili ko ng gamot sa anak ko. Ikaw? Maryosep may saksak ka! Halika at sasamahan kita sa ospital at baka maubusan ka ng dugo." May pag aalalang sambit niya
"Naku hindi na po. Maayos naman po ako. Galos lang naman po ito. Mas maigi pa po na umuwi na po kayo para mabili niyo na po ang gamot na kailangan ng anak niyo." magalang na sagot ko.
"Sigurado ka ba ijo baka mapano ka?" muling paniniguro niya
"Ayos na po ako." sagot ko para hindi na siya mag-alala
"Ang mabuti pa po lumapit po tayo sa Guard na iyon para matulungan niya po kayo sa pagkuha ng masasakyan. Mahirap na po at malalim na po ang gabi." Pag iiba ko ng usapan
"O sya sige salamat ijo." lumapit kami sa guard na itinuro ko at patuloy parin sa pagtago ng sugat ko sa pamamagitan ng isang palad ko
"Excuse ho manong guard ihahabilin ko lang ho sana ito si ale para makakuha po siya ng sasakyan pauwi, mahirap na po at bagong bawi lang ho ng bag niya sa snatcher." pakiusap ko
"Sige ho sir wala pong problema....ahh sir ayos lang ho ba kayo?" tanong niya nang mapansing namilipit ako sa sakit...kumikirot ang sugat ko.
"Ayos lang ho. Sige ho mauuna na ho ako. Ale magiingat po kayo." paalam ko
"Salamat ijo ha mag iingat ka." paalam niya
Tanging ngiti nalang ang naisagot ko at tumalikod na sa gawi niya. Habang hawak hawak ko ang tagiliran ko ay naglakad ako pabalik sa pinanggalingan ko. Patawid na sana ako ng kalsada nang may makita ako nakakasilaw na liwanag kaya naman tumingin ako kung saan ito nagmumula at gayon nalang ang gulat ko nang isa pala itong malaking sasakyan. Huli na para tumakbo ako at umiwas dahil isang malakas na busina nalang ang narinig ko.
*SCREEEECCCHHHHH*
Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagbagsak ko sa lupa at ang sakit na dinulot nito sa aking buong katawan.
Unti unti ay namanhid ang buo kong katawan at hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari
And Everything went Black.......