Chapter 03: In Comma

1931 Words
Ashari's POV A guy who fall in love with a not so pretty girl? Masyado namang common. How about a rich guy who fall in love to a middle age girl? Ang OA naman masyado saka baka mahirapan ako maglagay ng flow. Nakapalumbaba ako sa harap ng monitor ko dahil wala na talaga akong maisip na story. Masyadong ino- occupy ng kambal ko ang isip ko. Hayy nakong bata yun napaka tigas ng ulo. Nalolosyang ako ng maaga dahil sa kanya. Napasapo ko ang buong mukha dahil parang andami dami kong pinoproblema kahit si Neo lang naman ang problema ko. Matagal ko pang tinitigan ang monitor ko. Umaasang magsusulat siya ng sarili niyang script (-_-) Gawaan ko nalang kaya ng love story ang kambal ko baka sakaling bumenta (-_-) *phone rings* Tiningnan ko ang cellphone ko habang tumutunog ito Napatingin ako sa screen dahil may tumatawag. Gayon nalang ang pagtataka ko nang makitang si Neo ang tumatawag. Himala at tumawag ang loko. "Baka magpapasundo, hindi kinaya ang kalasingan." sambit ko pa sa sarili bago sagutin ang tawag "Hello. Neo Matt ano lasing ka na hindi na kaya umuwe??" bungad ko agad "Hello Ma'am? Kayo po ba si Ashari? Kayo po kasi ang pinaka una sa call history ng phone ng pasyente eh." sagot ng tao sa kabilang linya "Pasyente? Bakit pasyente? Nasaan ang kapatid ko?" naguguluhang tanong ko "Naaksidente po ang may ari ng phone na ito. Dito po siya dinala sa ******* Hospital." dahil sa sinabi niyang iyon ay naguunahan ang kabang namayani sa dibdib ko Binaba ko na ang tawag saka nagtext kay mommy dahil sa nangyari kay Neo Dali dali akong nag drive patungo sa ospital na binanggit ng kausap ko kanina Hayy nako Neo Matt ano na namang pinaggagawa mo sa buhay mo?! "Excuse me. Asan ang room ni Neo Matt Casabuena?" bungad ko sa isang nurse na nasa lobby "Ahmm Ma'am nasa I.C.U po siya...eto nga po pala yung mga gamit niya." sabi niya saka iniabot sa akin ang isang transparent bag kung saan naroon ang cellphone at wallet ni Neo. "Teka bakit nasa I.C.U siya? Gaano ba kalala ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ko "Malakas po kasi ang impact ng pagkakabangga sa kanya ng truck saka may malalim rin po syang sugat sa kaliwang tagiliran niya. Bago pa man po siya madala rito sa Ospital eh marami rami na hong dugo ang nawala sa kanya dulot ng saksak niya at dahil na rin po sa sugat na natamo niya sa pagkakabangga sa kanya." mahabang paliwanag nito "Oh God." nasambit ko nalang Hinayaan kong iassist ako ng nurse papunta sa I.C.U Pagkarating rito ay sinabihan niya ako na hintayin nalang muna dito sa labas ang doktor na tumitingin sa kambal ko Maya-maya lang ay dumating rin ang mommy at daddy kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa mga tanong nila "Ashari anak ano bang nangyari sa kapatid mo?!" bungad ni Mommy pagkalapit nila sa akin "Neo has been hitted by a truck." sagot ko at nagsimula nang mag unahan ang mga luha ko sa pagtulo. "Oh my God! Yan na nga bang sinasabi ko eh! Masyadong nagpapakasaya yang batang yan kaya ayan! Ayan ang nangyari! Napahamak na siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dyan sa anak mo Matteo!" galit na galit na asik ni mommy "Calm down Ashley. Ano na nga palang sabi ng Doctor." baling sa akin ni Daddy matapos niyang paupuin si mommy "Nasa loob pa po siya dad hindi ko pa nakakausap." sagot ko habang hindi parin timitigil sa pagluha. Sobrang nagaalala ako sa kapatid ko. Naiintindihan ko ang nararamdamang galit ni mommy. Hindi ko siya masisisi. Maski ako, naiinis ako kay Neo dahil sa nangyari sa kanya. Although naaawa ako sa kanya dahil nga sa nangyari sa kanya pero hindi naman mangyayari lahat ng ito kung nakinig lang siya eh. Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman napatingala ako. Lumabas mula sa I.C.U ang doktor kaya sabay-sabay kaming napatayo nina mommy "Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?" tanong niya "Kami nga ho kamusta po ang anak ko?" tanong ni Daddy "Sa ngayon po stable na po ang lagay niya, may major head injury po ang pasyente dulot ng pagkakabagsak niya sa lupa, may ilan rin po siyang galos at sugat, nalinisan na rin po namin ang saksak sa kanyang tagiliran, nasalinan na rin po namin siya ng dugo kani-kanina lang at maganda naman po ang response niya sa mga ginawa naming test pero may ilang test pa po kami na kailangang isagawa." paliwanag niya "Doc. Pwede na po ba namin siyang makita?" tanong ko "Sure, pero limitado lang ang pupwedeng bumisita sa kanya sa I.C.U pag tumanggap na po kayo ng bisita." habilin niya bago umalis Ako naman ang nauna sa pagpasok sa loob para puntahan si Neo. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko nang makita ang lagay ng kapatid ko. May ilang aparato ang nakakabit sa kanya, nakabenda ang buong ulo niya at putlang putla ang balat niya. Hindi ko kailanman naimagine na makikita ko sa sitwasyon na ito ang kambal ko. NANATILI pa kami roon nina mommy hanggang sa sumikat ang araw nang pumasok ang nurse na magchecheck ng vitals ni Neo "Ahmm ma'am excuse lang po, ichecheck ko lang po ang vitals ng pasyente." sabi niya Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya at saka lumabas ng kwartong iyon. Sumunod naman sa akin sina Daddy. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa labas ng I.C.U at hinayaan ang sarili ko na mag isip "Mom, Dad what happened?" rinig kong tanong ng kararating ko lang na kuya "Neo Matt got an accident, mabuti na rin at narito ka na, samahan mo muna ang kapatid mo rito uuwi na muna kami ng mommy mo, this gonna be a long day, inabutan na kami ng umaga." sagot sa kanya "See what happened? Naistorbo ka pa tuloy dahil dyan sa rebelde mong kapatid! Edi sana ngayon pagrereview mo nalang para sa Board Exam ang inaatupag mo." reklamo ni mommy Napailing nalang ako sa narinig ko. Kahit kelan talaga ay wala siyang pakialam kay Neo. Puro nalang si kuya. Kaya hindi ko rin masisi ang kambal ko kung bakit ganyan ang ugali niya eh. "It's okay Mom besides, kapatid ko si Neo at kahit kailan hindi siya naging abala sa akin." sagot ni kuya "What ever Geo Rigel, kaya ganyan ang ugali niyan eh, kinukunsinte niyo, kapatid niyong walang silbe." dagdag pa niya "Enough. Let's go." singit ni Daddy "Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente sa loob." rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses kaya naman napatingin ako sa gawi nila Doon ko nakita ang isang hindi katandaang babae na siguro ay mas matanda ng ilang taon kay mommy "Kami nga, and who are you, kilala mo ang anak ko?" tanong ni daddy "Ako ho si Linda, ako ho ang nagdala sa batang lalaki na nasa loob ng kwartong yan kagabi, hindi ko lang ho siguro kayo naabutan dahil kinailangan kong umuwi para mabilhan ng gamot ang anak ko." sagot nito Tumayo ako at lumapit sa kanya.Pero bago pa man ako tuluyang makalapit at makapagpasalamat ay inunahan na ako ni Mommy. "So we should thank then?" mataray na sumbat niya rito. Pansin kong nahalata ito ng ginang pero hindi niya na ito binigyang pansin pa. Ngumiti lang ito saka nagsalita muli. "Naku, hindi niyo po kailangang magpasalamat sa akin, sa katunayan eh ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa batang iyan, masuwerte kayo at naging anak niyo siya." aniya habang nakangiti Doon ako nagtaka, maging ang mga magulang ko at si kuya ay mukhang nangangapa ng sagot. "Bakit niyo naman po nasabi yan?" lakas loob kong tanong. "Napaka buti ng puso ng batang iyan, kagabi, hinabol niya ang snatcher na kumuha ng bag ko, nasa loob ng bag na iyon ang perang ipapambili ko ng gamot ng anak ko at pambayad sa kidney dialisis sa kanya rito sa ospital, kung hindi ko masusuportahan ang dialisis na iyon ay baka bumalik kami sa pinaka umpisa at may posibilidad na hindi na makayanan pa ng anak ko ang sakit niya, kaya naman utang ko sa batang iyon ang buhay ng anak ko, kung hindi niya nabawi ang bag ko ay baka anak ko naman ang bawian ng buhay. Dahil pa nga sa pangyayaring iyon ay nasaksak siya ng snatcher, gustuhin ko man na dalhin siya sa ospital para ipatingin ang sugat niya eh nagpumilit siya na ayos lang siya, sa katunayan ay inihabilin niya pa ako sa guard na malapit sa lugar na iyon para makauwi ako ng ligtas at doon ko na nga nasaksihan ang aksidenteng nangyari sa kanya." mahang salaysay niya Mabuting Puso..... Hinabol ang snatcher..... Inihabilin sa guard..... Lahat ng iyon nagawa ni Neo? Sinipat ko ang reaksyon ng mga kasama ko at tulad ko ay hindi sila makapaniwala sa mga narinig. Kahanga-hangang nagawa iyon ni Neo Matt... Ang blacksheep ng pamilya namin.. MATAPOS ang tagpong iyon ay tila nagbago ang ihip ng hangin. Nang malaman ng mga magulang ko ang kabutihang nagawa ni Neo ay palagi na silang naririto sa ospital para bantayan ang kapatid ko. Palagi rin nila itong kinakausap at pinapakiusapan na gumising na para makapagsimula ulit. The day after tomorrow ay aalis na ako papuntang New York para sa nag aabang na trabaho sa akin doon. Kaya sa nalalabing araw ko rito sa Pilipinas ay umaasa ako na magigising na si Neo Matt, halos limang araw na rin siyang tulog kaya naman nagbabaka sakali ako na bago manlang ako umalis ay maabutan ko ang paggising niya. Narito ako ngayon sa loob ng kwarto niya, kahapon lang ay inilipat na siya ng kwarto dahil kahit papaano ay naghilom na ang sugat niya sa tagiliran. May gagamit rin kasi ng I.C.U kaya inilipat na siya kahit under monitoring pa siya, hindi lang sinasabi ng doktor kung anong lagay niya pero ang sabi ay malala talaga ang naging epekto ng head injury niya sa utak nito kaya siguro hindi pa siya nagigising. "Twin, gising ka na oh. Miss ka na ni ate. Malapit na ako umalis kaya dapat gumising ka na. Ang sabi ko, bago ako umalis dapat magtino ka na, hindi ko naman inakalang bago ako aalis eh nakaratay ka dyan. Kaya sige na gising ka na." kinulong ko sa dalawa kong palad ng kanang kamay niya. "Gising ka na please.....Magiging masaya ka kapag gumising ka na, maraming naghihintay sayo." pakiusap ko pa sa kanya at saka tumulo na nga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan *tutt*tutt*toooooooooooooottttt* Napatingin ako sa monitor at laking gulat ko ng makitang nagfaflat line ito "No..no Neo Matt....Doc...DOC!!DOC! HELP..DOC!" sigaw ko at umaasang may makakarinig sa akin "Neo Matt...hold on okay? Ate's just right here the doctors are coming in a minute." "What happened?!" bungad ng doctor pero ng makita niya ang sitwasyon ng kapatid ko ay tinalikuran niya na ako saka ginampanan ang trabaho niya. "Doc please save my brother." pakiusap ko sa doctor hanggang sa may umalalay sa akin na nurse para lumabas ng kwartong iyon Tinawagan ko sina mommy at sinabi ang nangyari. Maya maya lang at dumating na sila kasama si kuya pero hindi ko na sila nagawang kausapin pa at pare-pareho lang naming inaabangan ang paglabas ng doktor "Doc? How's my son?" rinig kong tanong ni mommy kaya napatayo na rin ako at hinarap ang doktor "He's in Comma"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD