Chapter 04: That Mysterious Voice

1438 Words
Neo's POV "Ang gwapo mo naman, sayang lang at tulog ka...pero mas gwapo ka naman pag tulog." "Maayos naman ang vitals mo, bakit hindi ka pa gumigising?" >>>>>>>>>> "Ang tagal mo naman gumising? Hindi ka ba napapagod matulog?" >>>>>>>>>> "Uyy 3 months na, hindi ka pa ba gigising? Grabe, kapatid mo pala si Ms. Ashari? Akala ko ka apelyido mo lang.... Sikat na Author yun sa hollywood...idol ko nga siya eh sana makita ko siya in person." >>>>>>>>>> "Uyy, Sir. Neo galing dito yung kapatid mo...grabe kambal pala kayo? sobrang ganda niya pala saka magkamukhang magkamukha kayo. Sayang sana gumising ka na habang hindi pa siya bumabalik sa New York." >>>>>>>>>> "Sir. Neo nakabalik na sa New York si Ms. Ashari sayang hindi mo siya naabutan.....alam mo ba at ginawa niya akong private nurse mo kasi nalaman niya na fan niya ako..pero okay lang naman hindi ka naman siguro mahirap alagaan pag gising ka na noh?" >>>>>>>>>> "Hey! 4 months na, kelan ka ba gigising? Alam mo curious na ako kung anong boses mo, kung paano ka ngumiti, saka kung paano ka tumawa.Curious din ako kung anong kulay mg mga mata mo. Kay Miss Ashari kasi kulay green. Miss na miss ka na rin ng family mo." >>>>>>>>>> "Sabi nila, para daw magising ang taong commatose, ipapaamoy daw sa kanya yung mga favorite food niya tapos ipaparinig yung favorite song niya. Kaya tinanong ko sa parents mo kung anong fave food mo tapos fave song mo. Sana naman gumana noh? Oh ito amuyin mo....hmmmm ambango ng chicken curry diba?......bayan wa epek naman eh! Oh ito pakinggan mo... Remix ng mga party song. Mahilig ka raw kasi magparty..........Wala talaga? Anu bayan!!" >>>>>>>>>>>> "Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan..Wag mo ng balikan patuloy ka lang masasaktan....Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana...Sadyang mapaglaro itong mundo.....Hayy ang ganda ng kantang yon.." >>>>>>>>>>>> "Gising ka na....." UNTI-unti kong iminulat ang mga mata ko na para bang sobrang nangawit dahil sa pagkakapikit. Inilibot ko ang paningin ko at gayon na lamang ang pagtataka ko nang mapansing hindi ito ang kwarto ko Nasaan ba ako? Hindi ko maigalaw ang katawan ko...patay na ba ako? Inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling may makasagot ng tanong ko kaso wala namang ibang tao "Walang sofa sa langit.....baka nasa ospital ako." sabi ko nang mapansin ang sofa sa tabi ng pintuan "Oh my God!! Gising ka na!!" dali dali akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na mas bata siguro sa akin ng ilang taon pero parang magkaedad lang kami kung titingnan... At mukhang isa siya sa mga nurse dito..Nasa ospital nga ako "Yah...you're too loud!" reklamo ko pero hindi parin siya tumigil at mas lumapit pa sa akin. Pinindot pindot niya ang ilong ko kaya naman hinampas ko ang kamay niya ng mahina para itigil ang ginagawa niya "Ano ba?! What do you think you're doing?!" asar na tanong ko Lumaki ang mata niya saka parang tangang tumalon talon at sumigaw sigaw "Kyaaaaaaa gising ka naaaaa ayy teka sasabihin ko pala kay doc. Saglit lang sir ahhh..." paalam niya saka paimpit pang sumigaw (-_-) Akala ko si Ashari lang yung ganong tao....mali pala ako (-_-) "Mr. Neo Matt Casabuena how's your feeling...may masakit pa ba sayo?" tanong ng doktor "Ahmm masakit lang po yung likod ko pero wala naman na po akong maramdamang iba saka pala hindi ko po maigalaw yung katawan ko parang pagod na pagod po ako, ganon po yung pakiramdam." sagot ko "Well, normal lang yan.. You've been slept for about 6 months kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit ganyan ang nararamdaman mo. And don't worry maigagalaw mo rin ng katawan mo....sa ngayon, wag mo munang pilitin ang sarili mo, hayaan mong si Ms. Arcillia ang mag assist sayo." habilin niya sabay tingin sa katabi niyang nurse. Kumaway naman ito. (-_-) Yung baliw na nurse kanina.. "So I think I should leave now. Get well Mr. Casabuena. I'll inform you later for some updates. Ms. Arcillia ikaw na ang bahala sa kanya." paalam niya Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng kwarto. Nagtama naman ang paningin namin nung baliw na nurse. Paano kaya siya naging nurse? (-.-) "Pwede ka na ring umalis." pabalang na sabi ko. "Huh? Hello, for your information, AKO ang private nurse mo! Habilin yun sa akin ng ate mo!" mataray na sagot niya "What?! pwes ako na nagsasabi sayo, hindi ko kailangan ng private nurse." napaka oa naman ni ate, kailangan talaga ng private nurse...at sa lahat ng kukunin niya yung baliw pa (>_<) "Hah! kahit anong sabihin mo, ako ang private nurse mo, ang sabi ni ma'am Ashari siya lang ang pakikinggan ko dahil hindi mo raw ugaling sumunod kaya naman ang sabi niya ay magsumbong daw ako sa kanya kap---" "Yah Yah Yah! oo na ang ingay mo!" pagputol ko sa mga sinasabi niya. Ang dami niyang sinasabe parang hindi nauubusan ng salita (-.-) "Hmmpp! umayos ka ichecheck ko yung vital sign mo!" hindi ko na siya pinakialaman pa sa kung ano man ang kailangan niyang gawin. Ninamnam ko ang mga sandaling hindi naririnig ang boses niya dahil sigurado ako maya maya lang ay aarangkada na naman ang kaingayan niya. (-_-) Bigla akong napaisip. 6 months akong tulog? Grabe parang hindi naman yata ako makapaniwala non? Si ate panigurado nagtatrabaho na yun sa New York. Ang mga magulang ko kaya? Nag alala kaya sila sa akin? "Ang tagal mong tulog noh? Nakakapagod diba?" sabi ko na nga ba at hindi matatahimik tong babaeng to eh. (-.-) "Alam mo ang swerte mo sa parents mo....Grabe sila kung mag alaga sayo...yung tipong kahit na tulog ka parang nakikipagkuwentuhan sila sayo? One time nga naabutan kong sinasabi ng mommy mo na magsimula daw kayo ulit." sa narinig kong iyon ay napalingon na ako sa kanya. "Oh bat ganyan ka makatingin? Hindi ba kapani-paniwala yung mga sinabi ko?" tanong niya saka umupo sa monoblock sa gilid ng kama ko....Ang alam ko nurse ko siya, hindi bisita (-.-) "Nothing." sabi ko sabay iwas ng tingin "Alam mo gwapo ka sana kaso masungit ka. Mas gwapo ka pa pag tulog ka." "Ang gwapo mo naman, sayang lang at tulog ka...pero mas gwapo ka naman pag tulog." Bigla nalang umecho sa tenga ko ang mga linyang iyon. Nitong mga nakaraan ay parang nararamdaman ko ang sarili ko. Yung parang kahit tulog ako ay gising ang diwa ko. Kaya may ilan akong naalala. Doon muling rumehistro sa aking isipan ang ilang mga linyang narinig ko kahit pa noong tulog ako... "Ang gwapo mo naman, sayang lang at tulog ka...pero mas gwapo ka naman pag tulog." "Maayos naman ang vitals mo, bakit hindi ka pa gumigising?" "Ang tagal mo naman gumising?hindi ka ba napapagod matulog?" "Uyy 3 months na, hindi ka pa ba gigising? Grabe, kapatid mo pala si Ms. Ashari? Akala ko ka apelyido mo lang.... Sikat na Author yun sa hollywood...idol ko nga siya eh sana makita ko siya in person." "Uyy, Sir. Neo galing dito yung kapatid mo...grabe kambal pala kayo? sobrang ganda niya pala saka magkamukhang magkamukha kayo. Sayang sana gumising ka na habang hindi pa siya bumabalik sa New York." "Sir. Neo nakabalik na sa New York si Ms. Ashari sayang hindi mo siya naabutan.....alam mo ba at ginawa niya akong private nurse mo kasi nalaman niya na fan niya ako..pero okay lang naman hindi ka naman siguro mahirap alagaan pag gising ka na noh?" "Hey! 4 months na, kelan ka ba gigising? Alam mo curious na ako kung anong boses mo, kung paano ka ngumiti, saka kung paano ka tumawa. Curious din ako kung anong kulay ng mga mata mo. Kay Miss Ashari kasi kulay green. Miss na miss ka na rin ng family mo." "Sabi nila, para daw magising ang taong commatose, ipapaamoy daw sa kanya yung mga favorite food niya tapos ipaparinig yung favorite song niya. Kaya tinanong ko sa parents mo kung anong fave food mo tapos fave song mo. Sana naman gumana noh? Oh ito amuyin mo....hmmmm ambango ng chicken curry diba?......bayan wa epek naman eh! Oh ito pakinggan mo... Remix ng mga party song. Mahilig ka raw kasi magparty..........Wala talaga? Anu bayan!!" "Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan..Wag mo ng balikan patuloy ka lang masasaktan....Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadgana...Sadyang mapaglaro itong mundo.....Hayy ang ganda ng kantang yon.." "Gising ka na....." "Gising ka na....." "Gising ka na....." Napatingin ako sa babaeng kasama ko ngayon That Mysterious Voice........ .......is this Crazy Woman?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD