Neo's POV
PAGKATAPOS ng salu-salong iyon ay inaya ko si Luna sa kwarto ko.
Oy ano yang iniisip mo ah! Good boy ako noh!
"Namiss ko tong kwarto mo." rinig kong sabi ni Luna
"Kwarto kong walang laman Hahaha." biro ko. Totoo namang walang kalaman laman yung kwarto ko eh.
(-.-)
"Sayo to?" napatingin naman ako kay Luna nang magtanong siya
Nakita kong may hawak siyang wallet na kulay violet.
"Huh?" nilapitan ko siya para kumpirmahin.
"Ah kay Ashari yan." sagot ko. Bakit naman yan napunta dito? Hindi ko nalang iyon inintindi at inayos na ang kama ko.
"Ulgo shipji ana." napalingon ako sa kanya nang marinig kong sinabi niya iyon.
"Huh?" tanong ko. Ako ba kausap niya? Ano yung sinabi niya? Chinese ba yun?
"Ah ano....itong keychain. Binasa ko lang. Ayun yung nakalagay. Ulgo shipji ana. Korean yun." sagot niya na tinutukoy ang keychain na nakakabit sa wallet ni Ashari.
"Fan pala ng Seventeen ang ate mo? Haha ang dami nga naming pagkakapareho." dagdag niya
"You know some of korean words?" tanong ko
"Ah yeah I used to be a fan of korean dramas and Kpop." oo nga magkapareho nga sila ni Ashari
"Ahhh so you know what Mianhe is??"
wala lang natanong ko lang walang topic eh (._. )7
"Sorry?sorry yun diba?? Basic korean lang naman alam ko hehe." sagot niya
"Hahah yah its sorry, how about Saranghaeyo?"
"Yan yung pinakamadali! I love you!" medyo napalakas siya sa pagkasabi ng 'I Love you'
"Huwag mo nang ipagsigawan alam ko naman yun." biro ko
"Ha.Ha sira!!"
"Just kidding...but you know what? every time I'm looking at you I just found a best korean word for you."
"Ano yon? Yepudde for beautiful? Alam ko na yun."
"Hahaha hinde!"
"Hinde? Eh ano??"
"Nae kkeoya."
"Nae kkeoya? Ano yun??"
"You're mine...Nae kkeoya meaning, You're mine, in tagalog, Akin ka"
"Ahhhhh Nae kkeoya"
"Nae kkeoya." pagkasabi ko non ay tumingin ako sa kanya. Halata sa kanya na nailang siya. Kinikilig ang mahal ko. (^_^)
"San mo naman nakuha yan?" naiilang na tanong niya
"Wala narinig ko lang kay Ashari." sagot ko.
"Ako rin. I found a korean word for you." saad niya
"Ano yun?"
"Meomulleojweo." sagot niya.
Momo--ano daw?
"Ano naman ibig sabihin nun?" tanong ko
Walang anu-ano'y niyakap niya ako. Nagulat pa ako pero mas pinili ko nalang na ipikit ang mata ko para mas maramdaman ko ang yakap niya.
"Stay with me. Yun ang meaning non." sabi niya sa gitna ng yakap namin
Napangiti ako
"I will. I will stay with you Luna. No matter what." sagot ko habang magkayakap parin kami
"Sinasagot na kita." parang nagpantig yung tenga ko nang marinig iyon
Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Paki ulit nga ng sinabi mo." natatarantang pakiusap ko
"Hahaha. It's a yes Neo. Sinasagot na kita." sagot niya
"Totoo? Sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita?" excited na tanong ko. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko.
"Oo Haha." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik
"Omooo Congratulations to the both of you!!" agad kaming napalingon sa gawing pinto.
"Ate?! Kelan ka pa nandito?"
"Twin naman. Natural noong ipinanganak tayo andito na ako. Duhh bahay ko rin kaya to!" pabarang sagot niya
Ibalik kaya kita sa tyan ni mom? (-.-)
"I mean! Kelan ka pa nakikinig sa usapan namin?" Paglilinaw ko
"Kanina pa, pagpasok niyo kasunod niyo lang ako Haha. Hinahanap ko kasi yung wallet ko--Oh and there it is." sabi niya at dali daling kinuha kay Luna ang hawak nitong wallet.
"Pano naman yan napunta dito?" tanong ko.
"Ewan ko kagabi pa to nawawala eh siguro naiwan ko dito nung pumunta ako dito kagabi." sagot niya
"Kagabi pa nawawala? Tapos nakaalis ka kanina na walang wallet?"
"Oo madali lang gumala pag may kaibigan kang mayaman. Tamang palibre lang kay Joshua." Joshua? Ah yung bakla niyang kaibigan
"Baka nga sa bakla ang bagsak mo." pang aasar ko
"Neo Matt!!" sigaw niya
"Hahaha tama na yan. Kayo talagang dalawa oh." pag awat ni Luna
"Sorry babe. Eto kasi eh. Panira."
"Eww babe." reklamo ni ate.
Konti nalang talaga iisipin ko nang bisexual ang kambal ko
Babae rin ang nais
NASA loob ako ng sasakyan ko. Susunduin ko ngayon si Luna. Balak kong ikuwento na sa kanya si Adrastea. Napag isip isip kong tama si Dad. There is no right time para i open up si Adrastea kay Luna. Lalo pa ngayon na girlfriend ko na siya. Besides, hindi na rin naman babalik si Adrastea.
Nasa kalagitnaan ako ng biyahe nang biglang sumakit ang ulo ko. Itinabi ko muna ang sasakyan ko sa gilid.
"Aaaarrrghhhh." angal ko dahil sa sobrang sakit
*Tooot Toot toot*
Parang may naririnig pa akong tunog mula sa ospital
"Aaarrgghhh." mas sumasakit pa siya. Napahigpit lalo ang hawak ko sa ulo ko.
"Neo Matt lumaban ka! Doc please!!" naririnig ko rin ang boses ni ate.
"Aaaarrrgghhhhh!!" sinubukan kong imulat ang mga mata ko....
......pero ilaw mula sa kisame ng ospital ang nakita ko. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko nakita si Ate at Mom na parehong umiiyak.
"Neo Matt plea---"
"Aaarrghhhh!" paulit ulit akong huminga ng malalim. At nang medyo gumaan ang pakiramdam ko ay iminulat kong muli ang mga mata ko.
At katawa-tawang nasa loob naman ako ng kotse ko. Pero bakit parang nasa ospital ako kanina?
Huminga muna ako ng malalim at pinakiramdaman ang sarili ko kung masakit pa ba ang ulo ko.
Nang paaandarin ko na sana ang kotse ay laking gulat ko nang nasa tapat na ako ng hospital na pinagtatrabahuhan ni Luna.
"Pano nangyari yun?" bulong ko
Sa pagkakaalam ko ay itinabi ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng daan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Weird.
Ipinark ko na ang kotse at saka dumeretso na sa loob.
Balak ko pa sanang itanong sa lobby kung nasaan si Luna pero narito na siya at papalapit sa kinaroroonan ko.
Agad napawi ang pangambang naramdaman ko kanina dahil sa mga hindi ko maipaliwanag na nangyari dahil narito na ang babaeng mahal ko.
May kasama nga lang na naglalakad na bumbilya.
(-.-)
"Neo." salubong ni Luna sa akin saka humalik sa pisngi ko.
"Susunduin na sana kita." sabi ko.
"Tamang tama. Katatapos lang ng shift ko." sagot naman niya na ikinangiti ko
"Teka Lunatot. Aalis ka?" hindi ko inaasahang sasabat pala tong si boy bumbilya. Saka anong Lunatot? Ang ganda ganda ng pangalan ng girlfriend ko pinapabaho niya (-.-)
"Haha oo eh hindi ko pala nasabi sayo." sagot ni Luna sa kanya.
"Saka bakit may pahalik Lunatot? Ano siya si Nazareno?" Ipako ko kaya siya sa krus? (-_-)
"What's wrong, she's my girlfriend anyway." sagot ko. Nakita ko namang simimangot siya. May gusto nga yata siya kay Luna.
"Girlfriend?! Seryoso Lunatot? Ba't di mo sinasabe?!" pagmamaktol niya.
Tatay ba siya ni Luna para sabihin pa sa kanya? (-.-)
"Hahaha ano ka ba Bright ang OA mo naman. Oo boyfriend ko na si Neo." nakangiting sagot ni Luna.
Kung isip bata lang ako baka binelatan ko na si Boy bumbilya
Nye Nye Nye Nye Nye~
"Hindi mo sinabi sakin." sinabi nito saka nagpout.
Mukha siyang unggoy (-_-)
"Hahah sorry na ang kyut kyut mooo!" sabi ni Luna saka kinurot ang pisngi nito
(O_O)
Kyut?!
Sinabihan niyang kyut yun?!
Samantalang nung nagpout ako sinabihan niya kong mukha akong kuhol!
(-_-)
"Tara na." sabi ko saka nauna nang lumabas.
"Teka! Neo!" habol ni Luna bago pa man ako makapasok sa loob ng kotse.
"May problema ka ba?" tanong niya
"Ako? Wala! Baka yung boy bumbilya na yun meron." pabalang na sagot ko
"Ano? Boy Bum--Pfft! Alam mo ikaw! Ang galing mo talagang gumawa ng weird nickname!" sabi niya saka humagikhik
"Anong nakakatawa?" nakasimangot kong tanong.
"Wala Hahaha!"
"Wala daw."
"Bakit ba ang sungit mo ha?"
"Itanong mo dun sa bumbilyang yun baka alam niya ang sagot. May pakurot pa sa pisngi samantalang nung nagpout ako sinabihan mo kong mukha akong kuhol wala! Wala akong problema!"
"Pfft-- nagseselos ka ba kay Bright?"
"Ako magseselos? Bakit gwapo ba siya?"
"Hindi."
"Hindi naman pala eh."
"Pero mas kyut siya kesa sayo."
"Ano---"
"HAAHAHHAHAHA oh easy lang binibiro lang kita eh namumula na yang tenga mo oh HAHAHA." agad akong napahawak sa tenga ko nang sabihin niya iyon
"Sumakay ka na nga lang." akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako
Humarap naman ako ulit sa kanya
(O_O)
"Eto ba yung gusto mo? Ang kyut kyut mo din naman eh. Wag ka na magselos kay Bright kasi kahit anong kyut niya ikaw parin ang boyfriend ko hmmm?" sabi niya habang nanggigigil sa pisngi ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko saka ako naman ang humawak sa magkabilang pisngi niya. Hinalikan ko siya sa noo pagkatapos non.
"Hindi ako nagseselos." sabi ko
"Hmmm kaya pala." sabi niya saka ngumiwi tanda na hindi talaga siya naniniwala
(-_-)
"Hindi nga sabi ako nagseselos. Gusto ko lang iparating, na bilang boyfriend mo, ako lang dapat ang lalaking angat sa paningin mo." saad ko
"Hmm. Ganun din yun pinaganda mo lang." sabi niya at humagikhik pa. Siya na rin mismo ang kusang sumakay sa kotse.
(-_-)
HABANG na sa byahe ay hindi matigil si Luna sa pang-aasar sa akin
"Babe naman." angal ko
"Wag mo nga kong tawaging babe." reklamo naman niya
"Bakit naman? Ayaw mo ba na may endearment tayo?" tanong ko. Diba sweet yon? Kami noon ni Adrastea may endearment nga.
"Gusto ko pero ayoko ng Babe. Masyadong common. Marami nang gumagamit." sagot niya
Napaisip naman ako. Oo nga naman. Masyado nang maraming gumagamit ng endearment na babe.
"Eh ano naman kayang maganda? Ikaw ba? Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya
"Ikaw na mag-isip. Ikaw tong maraming alam sa kakornihan pfft." sabi niya saka nagpigil ng tawa.
(-_-)
"Wifey." panimula ko sa pagsuggest ng mga endearment.
"Asawa mo ko?"
(-_-)
"Mahal."
"Korny mo."
"Korny na ba magmahal."
"Korny talaga." sabi niya habang tumatawa pa
(-.-)
"Baby."
"21 years old na ko hindi na ko baby."
(-_-)
Natahimik naman ako. Ano bang magadang endearment na magugustuhan niya?
"YAM." sabi ko
"Yam? As in? Masarap?" sabi niya saka tumawa tawa pa
Pasalamat ka mahal kita (-_-)
"Yam, short for You are Mine. Nae--"
"Nae Kkeoya." pagtuloy niya sa dapat sana'y sasabihin ko
Napangiti naman ako dahil doon
"I love you Yam." sabi ko saka hinawakan ang kamay niya
"I love--"
"Anong nangyari dito?" pagputol ko sa sasabihin niya. Tinutukoy ko ang pasa sa likod na bahagi ng wrist niya.
Itinabi ko ang sasakyan para matingnan ng maigi ang pasa niya.
"Ahh- ano wala lang yan." sagot niya
"Anong wala? Tingnan mo yung kulay niya oh halos mangitim na yung buong kamay mo." sabi ko na may halong pag-aalala. " Sinong gumawa sayo nito?" tanong ko muli.
"H-ha? A-ano wala ano yan n-nabangga." sagot niya
"Nabangga? Ganito kalaki? Imposible."
"H-hindi kasi ano...sa ilalim ng mesa. A-ano may kukunin dapat ako kaso may d-daga oo tama malaking daga nakita ko kaya nagulat ako tapos nabangga sa ilalim ng mesa." kinakabahang sagot niya
"Sigurado ka? Masakit pa ba? Na-cold compress mo na ba ito?" nag-aalalang tanong ko
Ngumiti naman siya.
"Oo naman. Sige na lumakad na tayo." sagot niya
"Nakakotse tayo Yam. Gusto mong maglakad? Malayo-layo yun." biro ko
"Iuntog kaya kita sa manibela?"
(-_-)
Inistart ko na ang kotse at nagsimula na itong umandar. Pasulyap-sulyap parin ako sa kamay ni Luna. Hindi ko alam pero parang hindi ako kumbinsido sa dinahilan ni Luna. Pero kung may mananakit naman sa kanya? Sino naman ito at bakit niya sasaktan si Luna?
"Saan nga pala tayo pupunta?" pagbasag niya sa katahimikan
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.
"Ahh. Kay Adrastea." sagot ko. Binalot naman ng pagtataka ang mukha niya
"Adrastea? Sa ex-girlfriend mo?" Tanong niya
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Naisip ko na siguro nga tama si Dad. Mas ok na alam mo ang tungkol kay Adrastea." tumango naman siya
"Nandito na tayo." sabi ko
"Sementeryo? Ibig sabihin......" hinawakan ko nalang ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa sementeryo.
Bumili muna kami ng isang bugkos ng bulaklak at tatlong pink na kandila. Paborito kasi ni Adrastea ang kulay na pink
Adrastea Fillone
Born: May 28, 1999
Died: August 04, 2017
Yan ang nakasulat sa lapida niya. Hinubad ko ang Jacket ko para gawing sapin namin ni Luna.
"Hi Hon, I'm here again. Sorry kung ngayon lang ulit ako dumalaw sayo. Na-comma kasi ako eh. But I'm with someone. She's my new happiness." sabi ko saka tumingin kay Luna. Ngumiti naman siya sa akin. "She's just like you, pretty like an angel." pagpatuloy ko.
"Uhmm Hi Adrastea. Ang ganda naman ng name mo." saad ni Luna.
"She really have a beautiful name as yours Yam. Nakakatuwa nga eh. Pangalan ng mga Buwan ang pangalan ng mga babaeng minahal ko. I think the universe really threat me special because he gaves me you and Adrastea. Adrastea is one of the name of the moons in Jupiter and you, Luna is the name of our Earth's moon." salaysay ko habang nakangiti.
"Maybe the Universe is also a witness how deep your love is." sagot naman ni Luna.
Sabay kaming napatingin muli sa lapida ni Adrastea.
"Magkwento ka tungkol sa kanya." napatingin naman ako kay Luna ng sabihin niya iyon.
"Gusto kong makilala ang babaeng unang minahal mo." dagdag niya pa
Nginitian ko siya at muling tumingin sa puntod.
"Adrastea is always a lovely girl, masayahin, and straight forward. Yung sinabi ko sayo noon na si ate at isa pang tao ang nakaimluwensya sa akin sa Kpop? Siya yun. Siya ang isamg taong yun. Pero simula noong mawala siya nawala na ako sa mga dating hilig ko noong mga panahong kasama ko pa siya." napangiti ako bago ituloy ang kwento ko. "Naalala mo yung sinabi ni Dad kahapon? Totoo yun, si Adrastea ang nanligaw sa akin. Torpe kasi ako nun. Si Ashari nga lang ang dahilan kung bakit nagkakausap kami minsan at siya rin ang dahilan kung bakit nalaman ni Adrastea na gusto ko siya. And in that moment, may gusto na rin pala siya sakin. Kaya siya na ang umamin. Nakakatawa pero totoo. Si Adrastea ang dahilan kung bakit naging kami. But then I know that I never failed on loving her as a boyfriend. " kwento ko
"Walang wala pala ako sa kanya." sambit ni Luna
"I didn't have to compare you with her Yam. You will always be different on the way you are." sagot ko saka ngumiti
"Paano siya namatay?" tanong niya. Na siyang kinalungkot ko
"It's my fault." sagot ko
"Huh?"
"She has a Lukemia. Stage 4. It's our 8th Monthsary. Nagpaalam ako sa parents niya para i-surprise siya. Pupunta sana kami Tagaytay. Pero hindi na kami umabot dun. We committed an accident. A car accident. Nakaligtas ako, pero siya hindi." nagsimula na namang tumulo ang luha ko nang alalahanin ang mga sandaling iyon.
Flashback
"Hon sabihin mo na kasi kung saan tayo pupunta?" napangiti ako dahil nakita ko na naman ang inosonte niyang mga ngiti
"Just wait for it Hon, hindi pa nga tayo nakakaalis eh." sagot ko at hinalikan ang likod ng palad niya
Habang nasa daan kami paakyat ng Tagaytay ay hindi inaasahang may nagovertake na Truck pababa. Malayo pa ito sa gawi namin ngunit marami ng sasakyan sa unahan namin ang natatarantang lumiko kung saan.
*Screeecchhh*
*Peep peep*
Umatras ako ngunit may nabangga akong sasakyan sa likod.
*Booggssshh*
"Hon? Hon?! Ano nangyayari?!" napatingin ako sa gawi ni Adrastea. Kagigising niya lang
Pero hindi ko na nasagot ang tanong niya nang.......
*BOOGGSSHHH*
Napayakap ako kay Adrastea ng tuloy tuloy kaming kaladkarin ng Truck kasama pa ng ibang mga sasakyan sa unahan namin
Ramdam ko ang sakit ng braso at likod ko ngunit ang tanging inaalala ko ay si Adrastea.
"H-hon? Are you okay?" tanong ko ngunit paimpit siyang umiyak. Tumingin ako sa paligid ko. Puro usok lang ang nakikita ko. Ligtas kami ni Adrastea.
"Hon. Let's Go." sabi ko ngunit parang nahihirapan siya.
"Hon? Are you alright?" muli kong tanong
*SSSSHHHHH*
Napalingon ako sa windshield at doon ko nakita ang tuloy tuloy na pagbuga ng usok mula sa truck at maging sa ibang sasakyan.
"s**t!" usal ko. Maaaring sumabog ang truck maging ang iba pang mga sasakyan. Madadamay kami ni Adrastea.
"Hon. We need to go." sabi ko saka tinanggal ang seatbelt ko at isinunod ko ang kanya. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko at pilit na inurong parte ng mga sasakyan na nawasak dulot ng pagkabangga.
*cough cough*
Nang bubuhatin ko na sana si Adrastea palabas ay humigpit ang hawak niya sa mga braso ko.
"Aahh." mahinang angal niya.
Napatingin ako sa binti niya.
"s**t Hon!" dahan-dahan kong hinawakan at sinubukang alisin ang paa niya sa pagkakaipit sa nayuping pinto ng kotse.
"Aaahh H-hon." pagtangis niya. Maging ang mga luha ko ay tumulo na. Doon na sumagi sa isip ko na sana ay hindi ko nalang siya dinala rito.
"Hon. Tiisin mo ang sakit ok? Kailangan nating umalis dito. Sasabog ang mga kotse pwede tayong madamay." sambit ko at sinusubukan paring alisin ang kanya paa sa pagkakaipit. Ngunit halos hindi ko rin ito magalaw dahil sa kaniyang pag-iyak
"H-hon, u-umalis ka na. I-iwan mo na ko dito."
"H-hindi. Hindi pwede!" sagot ko at muling ginalaw ang paa niya
"Aaaaahh."
*PPSSSHHHHH*
Muli na namang nagbuga ng mga usok ang mga sasakyan
"Hon. Makakaalis tayo. Magtiwala ka lang sa akin." sabi ko saka hinalikan siya sa labi.
"H-hon. H-happy m-mont- months-sary." usal niya na tila ba nahihirapang huminga.
"Hon? No! Please!"
"Please be happy." dagdag niya
*PSSSSHHHHHHH*
"I-I l-love You."
Ramdam ko ang sakit sa likod ko nang sipain niya ako palabas ng sasakyan. Sa gitna ng mga usok ay nakita ko ang magandang ngiti niya.
Akmang babalik pa ako sa sasakyan ng may mga kamay nang humawak sa magkabilang braso ko.
"Pare tara na umalis na tayo!!" rinig kong sabi ng isang boses
"ADRASTEAAAA!!" sigaw ko
Pumiglas ako sa mga nakahawak sa akin ngunit mas nangibabaw ang iyak at sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.
"HOOOOOONNNN!!"
*BOOOOGGGSSSSHHHHHHHHH*
End of Flashback
"Tandang-tanda ko pa ang hitsura niya nang matagpuan siya sa loob ng kotse. Halos hindi ko siya mamukhaan. Ngunit ramdam ko. Alam ng puso ko. Na si Adrastea iyon." naramdaman ko ang yakap ni Luna matapos kong sabihin iyon
"Just cry, I'm here." sambit niya
"All of them, all of her family already accepted that it was all accident. But I know it was always my fault. Kung hindi ko lang sana siya dinala doon. Sana kahit papaano, nabuhay pa siya. Ninakaw ko ang mga sandaling pwede pa siyang maging masaya."
"I know, Adrastea will always be happy, dahil sa huling pagkakataon ng buhay niya, ikaw ang kasama niya." sabi niya sa gitna ng aming yakap.
Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang aking mga luha.
Tumingin siya sa puntod ni Adrastea at hinaplos ang lapida nito.
"Adrastea, don't worry, I will continue what you have started. I will love Neo, the way you love him. I promise, I will be by his side till the both of you, will meet again." sabi niya.
Humarap siya sa akin at sa mga sandaling iyon, idinampi ko ang labi ko sa labi niya. Dinamdam ko ang sandali na magkadikit kaming dalawa. Mahal ko si Luna. Hindi ko siya kailangang ikumpara kay Adrastea. Dahil iba siya. Iba si Luna. At siya ang babaeng alam ko, na makakasama ko hanggang huli. Hanggang sa magkita kaming muli ni Adrastea.